1075 Palabasin ang Tigre sa Kabundukan (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng silid, nakahiga si Lord Meh Meh sa kama. Pinapaalis nito ang Sacrificial Blood Rabbit. Ayaw namang magpatalo ng Sacrificial Blood Rabbit, umakyat ito sa kama.

Bago umalis si Jun Wu Xie, pinagsabihan niya ang dalawa na kapag sila ay nag-away, hindi sila kakain!

Dahil sa takot na mawalan ng pagkain, mas "payapa" ang pag-aasaran ng dalawa. 

May mga bakas ng kalmot ni Lord Meh Meh sa tenga ng Sacrificial Blood Rabbit, at nagpatuloy pa ang paghaharutan ng dalawa.

Bata pa ang Sacrificial Blood Rabbit, sa oras na magpalit ang kulay ng balahibo nito, doon pa lang nito makakayang labanan si Lord Meh Meh. Pero ngayon…

Wala itong ibang magagawa kundi ang takpan na lang ang mukha!

Sa gitna nag pag-aasaran ng dalawa, biglang nagbukas ang pinto!

Agad na natigil ang kuneho at tupa sa kanilang ginagawa. Agad silang umayos ng upo at akmang sasalubong sana sa pintuan. Inaasahang si Jun Xie ang dumating.

Subalit…

Ang iniluwa ng pintong iyon ay hindi si Jun Xie, kundi ay isang lalaking kailanman hindi pa nila nakikita.

"Puu?" Tumingala ang kuneho kay Qu Wen Hao. Sinamantala naman iyon ng tupa upang tadyakan pababa ang kuneho!

Nahulog naman ang kuneho sa higaan sa isang sipa lang ng tupa!

Kinumpas-kumpas ni Lord Meh Meh ang kaniyang buntot saka sumiksik sa kumot na naroon.

[Napaka-wais ni Lord Meh Meh! Hmmmp!]

Madilim ang mukha ni Qu Wen Hao habang nakatingin sa dalawang Spirit Beast na nasa silid. Nilagpasan nito ng tingin ang kuneho at napako ang tingin sa tupang nakahiga sa kama.

Nagtatalon ang kaniyang isip at katawan nang kaniyang abutin ang nakasabit sa kaniyang bewang. Naabot ng kaniyang kamay ang malamig na Spirit Taming Bone Flute.

"Grand Chieftain!" Nagmadali si Xiong Ba na umabot kay Qu Wen Hao. Pinigilan nito ang kamay ni Qu Wen Hao na hawak na ang Spirit Taming Bone Flute.

"Nanigas ang katawan ni Qu Wen Hao ngunit hindi siya nagpapigil: "Labas!"

Kailanman hindi pa nakita ni Xiong Ba na naging ganito si Qu Wen Hao. Kahit na noong naghihirap ang Thousand Beast City, hindi nagpapakita ng yamot o pagkabahala si Qu Wen Hao. Nagsimulang kabahan si Xiong Ba dahil dito.

"Grand Chieftain, iyan ay Spirit Beast ni Jun Xie…Anong balak mong gawin?" Hindi maintindihan ang nararamdaman ni Xiong Ba sa mga oras na iyon. Hindi niya nakilalang ganito si Qu Wen Hao.

 Kahit na hindi direktang nag-uusap si Qu Wen Hao at Jun Xie, lahat ng plano ni Jun Xie ay tinatanggap ni Qu Wen Hao.

avataravatar
Next chapter