1074 Palabasin ang Tigre sa Kabundukan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang nasa malalim na palaisipan, nanlalaki sa gulat ang mga mata ni Xiong Ba nang makita ang taong dumating. "Grand Chieftain? Bakit...bakit ka andito?"

Ang dumating sa Fiery Blaze Clan Hall ay walang iba kundi ang taong dapat na naghihintay dapat kay Jun Xie sa Grand Chieftain's Residence, ang Grand Chieftain ng Thousand Beast City, Qu Wen Hao!

Maputla ang kulay ni Qu Wen Hao, kakaiba rin ang kaniyang awra. Madilim ang kaniyang mukha.

Agad bumulalas si Xiong Ba: "Hindi ba't inimbitahan mo si Jun Xie? Agh! Si Qu Xin Rui! Si Qu Xin Rui ang nagpadala ng mensahe! Bilis! Habulin niyo at pabalikin dito sila Jun Xie!"

Kung naririto si Qu Wen Hao ngayon, ibig sabihin ang kanilang natanggap kanina ay peke. Agad naisip ni Xiong Ba na si Qu Xin Rui ang nasa likod ng lahat ng ito.

Hahabulin na sana ni Qing Yu sina Jun Xie nang harang an siya ni Qu Wen Hao.

"Grand Chieftain?" Naguguluhang tumingnin si Qing Yu kay Qu Wen Hao.

Nandidilim ang mga mata ni Qu Wen Hao at kakaiba ang awrang binibigay nito.

"Hindi na kailangan." Mahinahon niyang saad.

"B...bakit?"

Nag-angat ng tingin si Qu Wen Hao at tumingin kina Xiong Ba at Qing Yu. "Ako ang nagpadala ng tao dito para imbitahan si Young Master Jun na magpunta ng Grand Chieftain's Residence."

Natigilan sina Qing Yu at Xiong Ba.

Talaga ngang inimbitahan ni Qu Wen Hao si Jun Xie, pero bakit kung kailan saktong kakaalis lang ni Jun Xie ay saka naman ito dumating? Hindi ba't naghihintay siya sa pagdating ni Jun Xie doon sa Grand Chieftain's Residence?

Mas lalong naguluhan ang dalawang lalaki.

"Nasaan ang silid ni Jun Xie?" Biglang tanong ni Qu Wen Hao.

Gulat man ay sumagot pa rin si Xiong Ba: "Nasa silangang bahagi."

"Dinala ba niya ang Spirit Beast niya nang umalis siya?" Tanong pa ulit ni Qu Wen Hao.

Nagkamot ng ulo si Xiong Ba at sinabing: "Tanging ang itim na pusa lang. Ang dalawa niya pang Spirit Beast ay minsan ko lang makita." [Nakakapanibago, bakit parang may kakaiba sa Grand Chieftain ngayon?]

Hindi na muling nagsalita si Qu Wen Hao, agad itong naglakad papasok ng Fiery Blaze Clan Hall.

Tumitig si Xiong Ba sa likod ni Qu Wen Hao, maging siya ay nagtataka sa kilos nito.

"Ano kayang binabalak ng Grand Chieftain? Bakit may kakaiba akong nararamdaman habang pinapanuod siya?"

Nag-iisip din si Qing Yu sa mga sandaling iyon, nang madako ang kaniyang tingin sa likod ni Qu Wen Hao, agad na tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha!

Nanginginig na nagsalita si Qing Yu: "Hindi ba't tinanong pa lang ng Grand Chieftain kung dinala ba ni Young Master Jun ang kaniyang Spirit Beast?"

"Oo, tama." Sagot naman ni Xiong Ba. Napansin niya ang takot sa mukha ni Qing Yu. "Anong nangyari sa'yo?"

Nanginginig ang daliri ng itinuro niya ang likod ni Qu Wen Hao at mahinang nagsalita: "Nakikita mo ba iyon…"

Tumingin si Xiong Ba sa itinuturo ni Qing Yu at nakita niya ang silver flute na nasa tagiliran ni Qu Wen Hao. Walang hindi makakakilala sa Thousand Beast City sa flute na iyon!

Agad ring namutla si Xiong Ba nang mapagtanto ang mga nangyayari!

Sa Thousand Beast City, walang hindi makakaalam kung para saan ang flute na iyon. Iyon ang simbolo ng tapang ng Thousand Beast City, iyon din ang nagbigay ng kapurihan dioto!

"Ang Spirit Taming Bone Flute...Bakit naman dadalhin sa labas ng Grand Chieftain ang Spirit Taming Blone Flute?" Nakakaramdam si Xiong Ba na mayroong hindi magandang mangyayari.

Tuluyan nang nanginig ang buong katawan ni Qing Yu.

"Pinaalis si Young Master Jun, dala niya ang Spirit Taming Bone Flute papunta sa silid ni Young Master Jun...balak ng Grand Chieftain na kontrolin ang Guardian Grade Spirit Beast ni Jun Xie!"

avataravatar
Next chapter