1073 Palabasin ang Tigre sa Kabundukan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga sumunod na araw, hindi nagpadala si Qu Xin Rui ng mag-iimbita kay Jun Xie. Labis na ipinagpasalamat ni Jun Xie ang kapayapaang mayroon siya nitong mga nakaraang araw.

Maagang nagising si Jun Wu Xie at siya ay nakatanggap ng balita galing kay Qing Yu.

"Young Master Jun, iniimbitahan ka ng Grand Chieftain na magtungo sa Grand Chieftain's Residence. Mayroon daw siyang kailangang sabihin sa'yo." Saad ni Qing Yu habang nakatayo sa labas ng pinto ni Jun Xie. Hindi ito nangahas na pumasok dahil nararamdaman niya ang tingin ng Demon Lord na nakapako sa kaniya.

Sinusuklay ni Jun Wu Xie ang balahibo ni Lord Meh Meh sa mga oras na iyon, napaangat siya ng tingin kay Qing Yu: "Qu Wen Hao?"

"Tama." Tumango si Qing Yu.

Kumunot ang noo ni Jun Xie. Lihim ang pag-uusap nila ni Qu Wen Hao, ang mensahe nitong gustong ipaabot sa kaniya ay sila Qu Ling Yue o Xiong Ba lang ang naghahatid sa kaniya. Bukod doon sa Heavenly Cloud Chambers, hindi pa sila nagkakaroon ng direktang pag-uusap. Ginawa nila iyon para hindi maghinala si Qu Xin Rui.

Alam nila pareho ni Qu Wen Hao na kailangan nilang gawin iyon.

Ngunit ngayon, bigla na lang siya nitong pinapapunta. Sakto pang kung kailan niya direktang tinanggihan si Qu Xin Rui. Kaya hindi maiwasang mapaisip ni Jun Xie.

"Nabanggit niya ba kung tungkol saan ito?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Umiling si Qing Yu. "Wala siyang nabanggit. Pero ang sabi niya, importante iyon at kailangan ka niyang kausapin ng personal."

Nakapangalumbaba si Jun Wu Yao habang nakikinig kila Jun Wu Xie. Alam niya ang sitwasyon tungkol sa Thousand Beast City.

"Pupunta ka?" Tanong ni Jun Wu Yao.

Saglit na tahimik si Jun Wu Xie bago tumango bilang sagot.

Nakakapagtaka ang imbitasyong iyon ni Qu Wen Hao pero kailangan niyang puntahan para malaman niya kung tungkol saan iyon.

"Sasamahan kita." Agad na tumayo si Jun Wu Yao. Gulat na gulat si Qing Yu nang lumapit si Jun Wu Yao sa pinto. Na paatras ito ng dalawang hakbang sa sobrang takot. Nitong mga nakaraang araw ay hindi gaanong nakita si Jun Wu Yao sa Fiery Blaze Clan Hall, ngunit tuwing nakikita ni Qing Yu si Jun Wu Yao hindi niya maiwasang huwag matakot. Si Xiong Ba naman ay ayaw nang magpunta dito. Ayaw na niyang makaharap muli ang Demon Lord.

"Sige." Tumango si Jun Wu Xie.

Nagmadali namang umalis si Qing Yu.

Hinintay muna ni Jun Wu Yao na maisara ang pinto bago muling nagsalita: "May kinalaman kaya dito si Qu Xin Rui?"

Inilapag muna ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa sahig bago muling nagsalita: "Hindi ako direktang kakausapin ni Qu Wen Hao dahil ikakaduda iyon ni Qu Xin Rui. Tinanggihan kong makipagtulungan kay Qu Xin Rui, kaya ngayon tingin ko ay may kinalaman siya sa imbitasyong ito."

"Kung mayroong humihiling ng kaniyang kamatayan, malugod ko iyong tutuparin." Napangisi si Jun Wu Yao matapos niyang sabihin iyon. Ipinangako niya kay Jun Wu Xie na hindi siya makikisali, pero kung nagmamadali si Qu Xin Rui sa kaniyang kamatayan, dapat niya siguro itong pagbigyan sa kaniyang munting kahilingan.

Tumingin lang si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao at hindi sumagot. Saglit lang silang nag-ayos pagkatapos ay gumayak na patungong Grand Chieftain's Residence.

Naghihintay naman ang mga guwardiya ng Grand Chieftain's Residence sa labas ng Fiery Blaze Clan Hall. Karga ni Jun Wu Xie ang itim na pusa at sila ay umalis na kasama si Jun Wu Yao.

Hinintay muna ni Xiong Ba na makaalis sina Jun Xie at Jun Wu Yao bago siya lumabas ng Fiery Blaze Clan Hall.

Walang masabi si Qing Yu habang nakatingin sa kaniyang Clan Chief. Halata niya ang takot sa mukha ni Xiong Ba.

"Bakit biglang gustong makipag-usap ng Grand Chieftain kay Young Master Jun?" Maging si Xiong Ba ay naguguluhan. Kung hindi ang pinagkakatiwalaan ni Qu Wen Hao ang naparito para sabihin iyon, magdududa talaga sila. Iisipin nilang isa lang iyong pekeng impormasyon na kagagawan ni Qu Xin Rui.

Walang pumapasok sa isip ni Qing Yu tungkol sa dahilan ng imbitasyong iyon.

Habang sila ay nasa malalim na palaisipan, isang malaking pigura ang sumulpot sa main door ng Fiery Blaze Clan Hall.

avataravatar
Next chapter