531 Pagtanim ng Kalapati sa Pugad ng Uwak (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natatakot silang hindi tutugma ang mga pagkain ni Fan Zhuo sa gamot na kaniyang iniinom. Kaya naman espesyal siyang pinaghandaan ng pagkain ni Gong Cheng Lei. Simula sa pagluluto at pagdadala ng pagkain, tanging si Gong Cheng Lei lang ang may hawak non at wala nang iba.

Si Gong Cheng Lei ay isang lalaking in iligtas ni Fan Qi noon. Pareho pa silang bata ng mga panahong iyon at si Fan Qi ay disipulo pa lamang. Simula noon, lagi nang nakasunod si Gong Cheng Lei kay Fan Qi. Nagpakita si Gong Cheng Lei ng katapatan at kailanman hindi ito nagtraydor.

Nagsisimula nang pagdududahan ni Fan Jin ang Uncle na nagbantay sa kaniyang paglaki.

"Maaaring hindi siya. Kung gugustuhin talaga ng salarin, kahit ang mga panghalo ay maaaring ginalaw nito." Saad ni Jun Wu Xie.

Kinonsidera ni Fan Jin ang mga posibilidad ngunit walang pumapasok na kahit na sino sa kaniyang isipan.

Nagpatuloy sa pagtitig si Jun Wu Xie kay Fan Jin, ang kaniyang mga mata ay kumikinang.

Mayroong taong pumasok sa kaniyang isipan na maaaring maging salarin. Dapat ay matukoy din ni Fan Jin ito ngunit mukhang litong-lito na ito.

Natatakpan lagi ng emosyon ang tamang pag-iisip ng isang tao.

Sumimsim si Jun Wu Xie sa kaniyang tsaa. Nag-iisip siya kung sasabihin niya ba dito ang kaniyang hinala.

"Kuya." Biglang nagsalita si Fan Zhuo.

"Ano 'yon?"

"Sabay bang kumakain si Papa at Uncle Ning?" Tanong ni Fan Zhuo kay Fan Jin.

Tumango naman si Fan Jin: "Hindi nagbago ng nakasanayan si Uncle Ning na kasabay na kumain si Papa. Sabi ni Papa, ginagawa na daw nila iyon simula pa nong pareho pa lang silang disipulo. Masasabing malapit nga talaga sila, at laging naiisip ni Papa na para mas mapalapit pa ang dalawang pamilya ay..."

Biglang napatigil si Fan Jin sa kaniyang sinasabi. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at tumingin kay Fan Zhuo.

Nagbaba naman ng tingin si Jun Wu Xie, pagkatapos ay ngumisi.

Mukhang mas matalino pa si Fan Zhuo kaysa sa kapatid nito.

"Na...nakalaimutan kong may gagawin pa pala ako. Magpatuloy lang kayo!" Agad na tumayo si Fan Jin. Ang mga sinabi ni Fan Zhuo ay parang kidlat na tumama sa kaniya.

Ang kaniyang iniisip na salarin ay ang isang tao na may lihim na galit sa Fan Family. Ngunit napagtanto niyang hindi iyon ang kaso.

Sa Battle Spirits Forest, nang pagtangkaan ni Ning Xin na patayin siya, tumanim sa kaniya iyon. At ang mga salitang binitawan ni Fan Zhuo ay nagdilig sa nakaatanim na iyon.

Kaunti lang ang nakakapasok sa tinitirhan ni Fan Qi. Bukod kay Gong Cheng Lei at Fan Jin ang tanging posibleng tao lang ay ang kasabay na kumain ni Fan Qi. Tanging si Ning Rui lang ang posibleng gumawa non!

Dahil nagtangka si Ning Xin sa kaniya, posible kayang gawin din ni Ning Rui iyon kay Fan Zhuo?

Hindi na nangahas si Fan Jin na paglalimin ang isiping iyon. Kailangan niyang mahanap si Go Cheng Lei at klaruhin ang ilang detalye dito bago siya makasigurado!

Mabilis na nilisan ni Fan Jin ang kakahuyan. Wala na siyang panahon!

Para sa pagtatangka sa kaniyang buhay ni Ning Xin, handaqa siyang kalimutan iyon. Ngunit kung may parehong layunin ang mag-ama kay Fan Zhuo, hinding-hindi niya papalagpasin iyon!

Habang nakatingin sa nagmamadaling si Fan Jin, isang mapait na ngiti ang napunit sa labi ni Fan Zhuo. Nagpatuloy ito sa pagkain.

"Alam mo na pala lahat, bakit naghintay ka pa hanggang ngayon para sabihin iyon?" Inilapag ni Jun Wu Xie ang itim na pusa at si Lord Meh Meh sa mesa. Nakapangalumbaba siya habang pinapanood na kumain si Fan Zhuo.

avataravatar
Next chapter