530 Pagtanim ng Kalapati sa Pugad ng Uwak (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano? Bumisita si Ning Xin?" Kinabukasan ng hapon ay muling tumungo sa kanila si Fan Jin para sumabay kumain. Nalaman niya kay Fan Zhuo na bumisita si Ning Xin. Ang balitang iyon ay nakapagpagulat kay Fan Jin.

Kung bago ng Spirit Hunt at tumungo rito si Ning Xin para bisitahin si Fan Zhuo, malugod niyang tatanggapin ang babae ng walang pag-aalinlangan. Ngunit matapos ng nangyari, punong-puno ng pagdududa at hinala ang puso ni Fan Jin kay Ning Xin.

Nang makabalik si Nangong Xu sa Zephyr Academy, ibinalita nito ang lahat ng kaniyang nalalaman kay Fan Qi. Ngunit inilihim ni Fan Jin ang pagtatangka sa kaniyang buhay.

Dahil kapag ginawa niya iyon, ibig sabihin lang non ay puputulin na nila lahat ng kanilang ugnayan kay Ning Xin. Kahit papaano ay sabay-sabay silang lumaki. Iyon na ang huling beses na papalagpasin niya si Ning Xin.

"Oo. Nagdala pa nga si Little Xin ng paborito kong meryenda." Tumatawang saad ni Fan Zhuo.

Lumala ang ekspresyon sa mukha ni Fan Jin. "Little Xie, kamusta ang kalagayan ni Little Zhuo?" Nang kaniyang maalala ang pagtatangka sa kaniyang buhay, nagtanong si Fan Jin, ang kaniyang mukha ay punong-puno ng pag-aalala.

Sumulyap naman sa kaniya si Fan Jin habang sabay na hawak si Lord Meh Meh at ang itim na pusa. Marahan siyang sumagot: "Mabuti."

Nakahinga naman ng maluwag si Fan Jin.

"Kuya may naengkwentro ba kayong kakaiba sa Battle Spirits Forest?" Nakangiting tanong ni Fan Zhuo. Ang mga mata nito ay nakatuon sa dalawang mabalahibong hawak ni Jun Wu Xie.

'Di katulad ng itim na pusa, inignora ni Lord Meh Meh si Fan Zhuo. Kahit pa pagsikapan ni Fan Zhuo ay hindi nito nakukuha ang atensyon ni Lord Meh Meh.

Nabigla naman si Fan Jin sa tanong na iyon, umiwas siya ng tingin bago ibahin ang usapan.

Kailanman hindi nagbabahagi ng problema si Fan Jin kay Fan Zhuo dahil gusto niya laging payapa si Fan Zhuo.

"Kapag gumaling na ako, gusto kong pumunta sa Battle Spirits Forest. Gusto kong personal na makita iyon." May bahid ng lungkot na sabi ni Fan Zhuo. Dahil sa kaniyang kalagayan, hindi pa siya nakakalabas ng Zephyr Academy. At gustong-gusto na niyang makita ang mundo sa labas non.

Ngayon, dahil sa masusing pagbabantay ni Jun Xie, ang kaniyang kalusugan ay bumubuti ng bumubuti. Ang mga gusto niyang makita noon ay unti-unti na niyang nasisilayan.

Ang mga magagandang bundok, ang malilinis na ilog, ang kalikasan. Gusto niyang lumaya para makita niya ang mga bagay na iyon.

Nang mapansin ni Fan Jin ang lungkot sa mga mata nito, para namang kinukurot ang kaniyang puso. Pinilit niyang magbiro para pasiyahin ang kaniyang kapatid. Kaya naman ang hapag ay napuno ng kasiyahan.

Nang makitang sumaya na nga si Fan Zhuo, bumalik ang gana sa pagkain ni Fan Jin. Kakahawak niya lang sa chopsticks nang tabigin iyon ni Jun Xie. Malakas iyong tumungo sa sahig.

"May gamot iyon." Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie.

Nagitla naman si Fan Jin.

Nabura ang ngiti sa mukha ni Fan Zhuo.

"Ginamit nila ang parehong ginamit nila noon. Wala ba silang maisip na bago?" Tumayo si Jun Wu Xie at tinapon ang lahat ng pagkain sa labas.

Simula nang mapaalis si Ah Jing, lahat ng kanilang kinakain ay inihahanda ng pinagkakatiwalaan ni Fan Qi. Ang mga pagkain ni Fan Zhuo ay mga masusustansiya na hinahanda ni Jun Wu Xie. At ang mga pagkaing pinapadala dito ay madalas na napupunta sa sikmura ni Fan Jin.

"Paano nangyari iyon? Nang ako ay bumalik ay binantayan kong maigi ang pagkaing pinadala dito. Nakita kong lahat ng iyon ay hinanda ng personal na kusinero ng aking ama bago ipinadala dito." Madilim ang anyo ni Fan Jin.

Lahat ng nagtatrabaho kay Fan Qi ay matagal nang naninilbihan sa kanila. Lahat ng mga iyon ay tapat. Kaya paanong nagkaroon ng gamot ang mga pagkain?!

Sino ang nasa likod non?

"Hindi gagawa si Papa ng ikapapahamak ko. Kaya sigurado akong isa sa direktang nagtatrabaho kay Papa ang nasa likod nito." Saad ni Fan Zhuo.

"Ang mga pagkain ni Little Zhuo ay si Uncle Gong ang naghahanda at walang ibang gumagalaw non." Saad ni Fan Jin. Dahil sa kalagayan ni Fan Zhuo, lahat sila ay maingat sa pagkain ni Fan Zhuo.

avataravatar
Next chapter