679 Pagtakas sa Heaven's End Cliff (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Dapat niyong makita ang mga iyan." Saad ni Jun Wu Xie at itinuro ang dingding sa kanilang likuran.

Nilingon nina Qiao Chu ang tinuro ni Jun Wu Xie ngunit wala naman silang nakitang kakaiba sa kanilang unang tingin. Ngunit agad namang napansin ni Rong Ruo na ang mga bato ay may maliliit na ukit.

"May nakikita akong mga karakter." Sabi ni Rong Ruo sa kanilang lahat.

Nilapitan naman ng grupo iyon. Marahas silang napabuntong hininga nang kanila iyong mabasa.

"Hindi ko akalaing ituturo ng Twelve Palaces ang pwersahang pag pataas ng spirit power para lang akitin ang isang taong magtrabaho para sa kanila. Nakakatawa ang taong iyon. Base sa mga iniwan niyang sulat, mukhang may mataas itong posisyon sa Lower Realm at iniwan niya iyon dahil siya ay naging ganid sa kapangyarihan." Salaysay ni Rong Ruo. Nalulungkot siya para sa may-ari ng bahay na batong iyon.

[Hindi madaling pakisamahan ang Twelve Palaces.]

Para tanggapin ang kanilang inaalok ay para ka na ring tumapak sa pintuan ng iyong kamatayan. Kung sakali mang hindi namatay ang lalaking iyon dito at nagawa niyang mahanap ang puntod ng Dark Emperor, sa huli ay mamamatay pa rin ito gaya ng sinapit ng mga magulang nila sa ilalim ng kalupitan ng Twelve Palaces.

"Little Xie, anong koneksyon nito sa pagkatuto mong maabot ang purple spirit?" Tanong ni Qiao Chu habang nagkakamot ng ulo.

Lumapit si Jun Wu Xie sa pader at may tinuro ng linya sa bandang ibaba.

Binasa naman ng lahat ang nakasulat doon. Pagkatapos nilang basahin iyon ay nanigas sila sa kanilang kinatatayuan.

[Ang purple spirit ay isang bunga lang ng pagsunog ng spirit power ng isang tao.]

Ang maiksing linyang iyon ay napakainosenteng pakinggan. Nabasa na nila iyon kanina pero hindi nila gaanong pinagtuunan ng pansin. Ngunit nang kanila iyong muling basahin ay may ideya nang nabuo sa kanilang mga isipan!

"Huwag mong sabihing naintindihan mo at napag-aralan agad kung paano mo pansamantalang maiaangat ang spirit power mo base lang sa maiksing linyang ito..." Nanlalaki ang mga mata ni Qiao Chu. Hindi siya makapaniwala sa isiping iyon.

Ang mga salitang iyon ay nagsasabi ng katotohanan ngunit parang napakalabong intindihin. Sila mismo ay hindi maintindihan ang konsepto ng pansamantalang pag-aangat ng kanilang spirit powers!

Tumango si Jun Wu Xie, sunod ay malakas na Napasinghap ang lahat. Ang lahat ng matang nasa silid na iyon ay nakatuon kay Jun Wu Xie kasama ng gulat na ekspresyon sa kanilang mga mukha. Parang nakakita ng isang halimaw ang mga itsura nito.

"Noong ginagawa ko para mapabuti pa ang Spirit Healing Technique, nagsaliksik ako tungkol sa spirit power transformation. Kahit hindi ko iyon buong naintindihan, ngunit naintindihan ko ang pangunahing konsepto noon. Kaya naman, nitong mga nakaraang araw, iniisip ko kung ano ang ibig sabihin ng pagsunog ng spirit power." Kalmadong nagpatuloy si Jun Wu Xie. Simula noong napadpad siya dito ay hindi na siya umalis sa bahay na iyon.

Bukod sa pag-aalaga kay Lord Meh Meh at sa kaniyang sarili, sinusubukan niyang maigi na sunugin ang kaniyang spirit power.

At sa wakas, ngayong araw ay nagawa niya iyon. Iba ang kaniyang pakiramdam simula nang kaniya iyong magawa. Nasa sukdulan ang kaniyang diwa. Ang kaniyang pandama, paningin, pang-amoy at panrinig ay mas naging sensitibo. Hindi niya mailarawan ang kaniyang nararamdaman.

At dahil doon, naramdaman niya ang paglapit ng mga tao sa bahay na bato. Binuksan niya ang pintuan at natagpuan sina Qiao Chu sa labas.

Kalmado ang boses ni Jun Wu Xie at walang pagmamadali. Kahit na napakabanayad na ng boses niyang iyon na animo'y tubig sa batis, para sa mga nakikinig ay para iyong buhawi na nagpahilo sa kanilang mga utak!

Base lang sa linyang kaniyang nabasa at malabo ang ibig sabihin ay nagawa niyang intindihin ang pinaka kritikal na kababalaghan ng Middle Realm?

Napakaimposible!

Alam ng lahat na matalino si Jun Wu Xie, ngunit hindi nila akalaing aabot ng ganon kataas ang paraan ng pag-iisip nito.

avataravatar
Next chapter