678 Pagtakas sa Heaven's End Cliff (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahan-dahang naglakad sina Qiao Chu sa bahay. Nang aabutin na sana nila ang pintuan ng bahay na bato...

Dahan-dahan namang binuksan ang pintong iyon mula sa loob!

Sa oras na iyon, agad nilang pinaabot sa purple level ang kanilang spirit power@

Nagliwanag ang kanilang spirit power na nasa kanilang palad. Ibabato na sana nila iyon sa bahay!

Ngunit...

Isang maliit na mukha ang lumitaw sa kanilang harapan. Ang buong katawan nito ay umiilaw ng purple glow. Kalmadong nakatitig sa kanila si Jun Wu Xie.

"..."

Natahimik ang lahat.

Agad naglaho ang purple spirit power na nasa kamay nila Qiao Chu. Para iyong binuhusan ng malamig na tubig.

"Lit...Little Xie." Nalilito si Qiao Chu sa kaniyang nakikita. Matagal-tagal ring hindi nila nakita si Jun Wu Xie. Gulat na gulat siyang nakatitig sa unti-unting naglalahong purple glow sa katawan ni Jun Wu Xie.

[May mali talaga sa kaniyang mata!]

[Kung ano-ano ang nakikita ng kaniyang mga mata!]

[Paanong naging purple spirit si Little Xie...gaano ba katagal silang nagkahiwalay? Kahit na isa itong diyos, hindi nito iyon magagawa ng ganon kabilis...]

"Baka masyado lang akong pagod...tulog pa ba ako?" Kinurot ni Qiao Chu ang kaniyang pisngi. Madiin ang kaniyang pagkakapisil doon at naramdaman niya ang sakit.

[Totoo nga! Hindi siya nanaginip lang!]

Nakabawi naman si Hua Yao at sinuri ng maigi si Jun Wu Xie. Naguguluhan ang kaniyang itsura.

"Little Xie...paano ka...naging purple spirit?" Kahit na mabilis ang pag-unlad ng spirit powers ni Jun Wu Xie, imposibleng maabot nito ang purple spirit sa loob lang ng ilang araw!

Isa pa ay taga-Lower Realm ito. 

Ang mukha ni Fan Zhuo ay gulat din. Ngunit agad ding nakabawi.

"Napag-aralan mo ba ang method ng Middle Realm sa paglelevel-up ng iyong spirit powers?"

Bumalik naman sa ulirat sina Qiao Chu dahil sa sinabing iyon ni Qiao Chu. Sabi kanina ni Ye Sha ay hindi tunay na purple spirit user ang nasa bahay kaya naman naisip nilang taga-Twelve Palaces iyon at nagamit ang method ng Middle Realm para iangat ng pansamantala ang kanilang spirit power sa purple level.

Hindi nila inaasahang si Jun Wu Xie pala iyon!

Ibig sabihin ay alam na ni Jun Wu Xie ang konsepto para pansamantalang paangatin ang spirit power sa purple level. Pero saan niya natutunan iyon?

Sila ay puno ng katanungan at hindi pa rin naalis ang kanilang pagkabigla. Masaya silang nahanap na nila si Jun Wu Xie at sa loob lang ng ilang araw na nawala ito ay natutunan na nito ang ganitong bagay.

[Tao pa ba ang kanilang nasa harapan?]

Tumingin si Jun Wu Xie sa kaniyang mga kasamahan. Ilang sandali itong tahimik bago nagsalita: "Pasok kayo para makapag-usap tayo."

Masyadong maginaw sa labas at hindi sila makakapag-usap ng maayos.

Agad namang pumasok ang lahat. Nang pagkakataon na ni Ye Sha na pumasok, huminto ito at sinabing: "Young Miss, hindi kita naprotektahan ng maayos at ako ay nabigo. Tatanggapin ko ang anumang parusang ipapataw niyo."

Umiling naman si Jun Wu Xie at inakay na si Ye Sha papasok ng bahay.

Maliit lang ang bahay, pagkatapos na pumasok ni Qiao Chu ay agad namang nagsisunuran ang lahat. Tumingin sina Qiao Chu sa "mattress" na nasa sahig. Nakahiga doon ang nakabalot kulay itim na pigura. Mahimbing itong natutulog.

Nanlaki ang mga mata ni Fan Zhuo nang kaniyang makilala ang pigurang iyon. Lumingon ito kay Jun Wu Xie para tanungin ito.

"Si Lord Meh Meh ba iyan?"

Tumango naman si Ju Wu Xie.

Hindi maiwasang kumirot ng puso ni Fan Zhuo. Nang tumira si Jun Wu Xie sa kakahuyan, kasama nito si Lord Meh Meh. Naawa siya sa kalagayan nito ngayon.

avataravatar
Next chapter