677 Pagtakas sa Heaven's End Cliff (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na umimik sina Qiao Chu sa pag-alis ni Ye Mei. Matapos silang itilapon ng buhawing iyon, sila ay nagtamo ng pilay. Buti na lang at bago sila magtungo sa Heaven's End Cliff ay isa-isa silang binigyan ni Jun Wu Xie ng elixir. Kaya naman nakatulong iyon para sila ay gumaling sa maiksing panahon lang. At ngayon ay nakapagpatuloy sila sa paghahanap.

Matagal-tagal na rin silang naghahanap at nararamdaman na nila ang ngalay sa kanilang mga binti. Nanginginig ang kanilang katawan dahil sa sobrang ginaw ng paligid.

Hanggang sa mapansin nilang nagbago na ang lupang kanilang inaapakan. Wala na ang malumot na daan na kanilang nilalakaran kanina lang. Napansin nilang tuyo at maitim ang lupang kanilang kinatatayuan. Nakakakita pa sila ng batong pinagpatong-patong at naging isang bahay!

"Bahay ba iyan? Niloloko lang ba ako ng mata ko?" Kinusot-kusot ni Qiao Chu ang kaniyang mga mata at kumurap-kurap. [Nababaliw na ba siya dahil sa pagod!? Imposibleng magkaroon ng bahay sa baba ng Heaven's End Cliff!]

"Hindi ako nagbibiro. Tama ang inyong mga mata dahil...nakikita ko rin yon!" Saad ni Fei Yan na napahawak sa braso ni Qiao Chu.

Ang paglitaw ng bahay na batong iyon ay nakuha ang atensyon nilang lahat. Ngunit nang sila ay akmang maglalakad na papunta sa bahay na iyon, hinarangan sila ni Ye Sha.

"Ye Sha, ano 'yon?" Tanong ni Fan Zhuo. Napansin niya ang ekspresyon sa mukha ni Ye Sha.

Lumalim ang tingin ni Ye Sha at tumingin sa bahay.

"Mayroong tao sa bahay na iyon."

Malayo pa sila sa bahay na iyon at hindi iyon naaabot ng kanilang ilaw. Doon nila napansin na may ilaw mismo sa bahay na iyon. May liwanag na lumalabas galing sa mga bitak.

Nanigas ang grupo sa kanilang kinatatayuan dahil sa sinabing iyon ni Ye Sha.

Napabulalas si Qiao Chu: "Si Little Xie iyon! Naiisip kong bakit hindi natin siya ay dahil sa nakahanap siya ng pansamantalang matitirhan." Masaya nang nagpatuloy si Qiao Chu nang siya ay hilahin ni Ye Sha.

"Ang tao sa loob ng bahay na iyon ay may purple spirit." Seryosong saad ni Ye Sha. Nang una niyang makita ang bahay, ang kaniyang unang naisip ay katulad ng naisip ni Qiao Chu. Ngunit nang siya ay lalapit na sana papunta sa bahay na iyon, naramdaman niya ang presensiya ng purple spirit doon. Ang spirit aura na kaniyang naramdaman ay hindi maipagkakailang purple spirit.

"Ano!?" Gulat na gulat si Qiao Chu.

Si Jun Wu Xie ay yellow spirit user. Kung talaga ngang purple spirit ang naroon. Sigurado silang hindi nga iyon si Jun Wu Xie!

"Hindi talaga eksaktong purple spirit. Ngunit ang taong iyon ay gumamit ng method para maitulak ang kaniyang spirit powers na maabot ang purple level." Malamig ang titig ni Ye Sha sa bahay na bato habang sinasabi iyon.

Naglaho ang ngiti sa mukha nina Qiao Chu dahil sa sinabing iyon ni Ye Sha.

Ang isang taong magagawang kontrolin ang kaniyang spirit power na maabot ang purple spirit level ay tanging ang mga taga-Middle Realm lang! 

"Isang taga-Middle Realm..." Saad ni Hua Yao na nakatitig din sa bahay.

"Oo." Tumango-tango si Ye Sha.

"Iwasan ba natin?" Tanong ni Fan Zhuo na nakataas ang isang kilay. Ang ekspresyon sa mukha nito ay parang gustong pumatay.

Ang tanging taga-Middle Realm na magtutungo sa Heaven's End Cliff ay ang mga taga-Twelve Palaces. Lahat sila ay may galit sa Twelve Palaces. At dahil sa presensiya ng kanilang kaaway sa kanilang harapan, paano nila pipigilan ang kanilang sarili!?

"Hindi dapat masayang ang bahay na iyon ng mga taga-Twelve Palaces." Galit na sabi ni Qiao CHu.

Sa oras na iyon, pare-pareho sila ng nasa isip hanggang sa kanilang ilabas ang kanilang spirit power bago sabay-sabay na naglakad patungo sa bahay na bato!

Nasabi ni Ye Sha na nag-iisa lang ang tao sa loob ng bahay na iyon at hindi pa talaga ito tunay na nasa purple spirit level. Kahit na may mga pinsala pa ang kanilang katawan, ang kanilang pinagsama-samang lakas ay magagawang labanan iyon!

avataravatar
Next chapter