676 Pagtakas sa Heaven's End Cliff (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nasaan kaya si Little Xie?" Sa madilim at puno ng makapal na hamog na iyon mayroong isang liwanag ang gumagalaw paabante.

May hawak na mahabang kahoy si Qiao Chu habang hirap itong naglalakad sa basang lumot.

Kumikinang ang Hell Butterfly sa madilim na lugar na iyon. Iyon ang nagsisilbing ilaw ng grupo.

"Wala akong nahanap." Saad ni Rong Ruo na nakakunot ang noo. Simula noon sila ay atakehin ng halimaw na iyon. Sila ay napaghiwa-hiwalay nang sila ay mapasok sa isang malakas na buhawi at itapon sila sa iba't-ibang direksiyon. Nang magising si Rong Ruo, agad niyang pinalabas ang kaniyang Hell Butterflies para hanapin sa paligid ang kaniyang mga kasamahan.

Kalahating buwan na ang nakakalipas simula noong araw na iyon. Sinundan ni Rong Ruo ang kaniyang mga Hell Butterfly hanggang sa wakas ay matagpuan na niya sina Qiao Chu. Maging si Ye Sha at Ye Mei ay nahanap ng mga Hell Butterfly ngunit hindi pa rin nila nahahanap si Jun Wu Xie. Para itong naglaho na sa makapal na hamog at kahit na ilang Hell Butterfly pa ang ilabas niya ay hindi pa rin nila nahahanap si Jun Wu Xie.

Dahil sa mga kumunoy, mabagal ang kanilang paglalakad. At dahil sa labis nilang pag-aalala, mas lalo iyong nakadagdag sa kanilang pagod.

Bago sila nagkawatak-watak, nakita nila si Jun Wu Xie na inaatake ng halimaw. Buti na lang at tumalon si Lord Meh Meh. Kung hindi ay hindi nila lubos maisip kung ano ang mangyayari kay Jun Wu Xie nang oras na iyon.

Mabigat ang kanilang puso. Iniiwasan nilang mag-isip ng masama. Ngunit kahit gaano kakaunti ang kanilang pag-asa, hindi sila sumukong hanapin si Jun Wu Xie. Hindi sila naniniwala, ayaw nilang maniwala na mamamatay sa lugar na ito si Jun Wu Xie.

"Malakas si Little Xie. Kaya niya ang sarili niya." Hindi rin gaanong ka sigurado si Fan Zhuo kung pinapakalma lang ba niya ang kaniyang kasamahan o ang sarili niya.

Laging kasama ni Jun Wu Xie ang Black beast at si Lord Meh Meh. Ang dalawa nitong guwardiya ay hindi siya papabayaan. Ngunit noong araw na iyon, nasunog si Lord Meh Meh para iligtas si Jun Wu Xie. Kahit na hindi sila sigurado kung gaano kalala ang pinsalang natamo nito, base sa nang itim nitong katawan, naisip na nilang...

Hindi man nila sabihin, alam nilang hindi magagawang protektahan ni Lord Meh Meh si Jun Wu Xie.

Wala sa isip ng grupo ang sumuko. Nagpatuloy sila sa paghahanap kay Jun Wu Xie. Napagdesisyunan nilang hangga't hindi nila nakikita si Jun Wu Xie, hindi sila lalabas ng Heaven's End Cliff.

Bukod sa kanila, mas higit na nag-aalala si Ye Mei at Ye Sha. Kung mamamatay si Jun Wu Xie sa Heaven's End Cliff, hindi nila alam kung ano ang sasapitin nila sa kanilang Panginoon!

"Hindi 'to maaari. Kailangan kong kumilos." Nagtatagis ang bagang na sabi ni Ye Mei. Ang mga patibong sa paligid na ginawa ng Dark Regime ay mas malala kaysa sa kanilang inaasahan. Sinubukan nila ni Ye Sha gamitin ang kanilang pinakamalakas na kapangyarihan ngunit hindi sila nagtagumpay.

Sa oras na iyon, hindi sila nasa maayos na kalagayan. Sila ay labis na napinsala at halos hindi pa sila nakakabawi.

"Hahanapin mo ang ating Panginoon?" Tumingin si Ye Sha kay Ye Mei. Na hulaan nito ang nasa isip ni Ye Mei.

Tumango naman ang huli.

"Eto. Tanging ang ating Panginoon lang ang makakababa doon ng walang kahirap-hirap."

Napasimangot si Ye Sha. May ibinigay itong itim na ahas kay Ye Mei."

"Kapag namatay iyan, ibig sabihin ay nahanap na natin ang Young Miss."

Tumango si Ye Mei saka tinanggap ang itim na ahas. Matapos magpaalam kina Qiao Chu, agad itong naglaho.

Kahit na mahirap ang kanilang pag-abante papuntang baba ng Heaven's End Cliff, mas mahirap naman ang lisanin iyon.

Dahil sa sila ay napapaligiran ng napakaraming panganib kahit saang direksiyon man sila magpunta. Wala silang maisip na paraan kundi ang hingin ang tulong ni Jun Wu Xie. Kung hindi, hindi nila kakayanin ang parusang ipapataw sa kanila dahil sa pagkawala ni Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter