920 Pagtaas ng Telon (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binalot ng takot si Lei Fan nang tuluyan niyang maproseso ang sinabi ng black robed man.

"Kamahalan!" Agad na lumapit ang mga katulong kay Lei Fan.

Nagawang tumayo ni Lei Fan at tinulak ang mga katulong sa sobrang yamot. Bigla na lang sumulpot ang Black robed man at agad ding naglaho. Wala itong ginawa sa kaniya bukod sa maliit na sugat sa kaniyang leeg at sa elixir na pilit na pinainom sa kaniya.

Napahiya ng lubusan si Lei Fan sa harap ni Qu Ling Yue. Labis siyang natakot sa hindi kilalang elixir na pinainom sa kaniya!

"Bilis! Magpatawag kayo ng mga Imperial Physicians para suriin ako!" Hindi magkandaugaga si Lei Fan dahil sa nainom niyang elixir.

Agad namang tinawag ng mga guwardiya ang mga Imperial Physicians habang hinahabol ni Lei Chen ang kaniyang hininga sa gitna ng Imperial Garden.

Maya-maya lang ay tuloy-tuloy ang agos ng dugo sa leeg ni Lei Fan. Nagpatuloy iyon sa pag-agos hanggang sa mapagtanto niyang hindi lang iyon simpleng gasgas!

Idiniin ni Lei Fan ang kaniyang kamay sa kaniyang leeg at nanlamig ang kaniyang katawan. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at unti-unting nilulukob ng takot ang kaniyang puso.

"Kamahalan! Anong nangyayari sa'yo?" Nagkakagulo na ang mga katulong. Maliit lang ang sugat doon ngunit nakakagulat na malala ang agos ng dugo na lumalabas doon.

"Bilis! Tawagin niyo ang Imperial Physicians!" Nahimatay na si Lei Fan sa kaniyang kinatatayuan. Agad namang kinarga ng mga guwardiya si Lei Fan para dalhin patungo sa Empress' Palace.

Hindi na nila napansin si Qu Ling Yue na tahimik na nakatayo sa isang tabi. Noong mahimatay si Lei Fan, ngumisi ito ng masama.

Hindi ba't pinagbintangan siya ng Emperor na sinaktan niya raw si Lei Fan? Pwes, tototohanin ko ang bintang na iyon!

Walang mag-aakalang ang Qu Ling Yue na nasa kanilang harapan ngayon ay si Jun Xie mismo. Walang iba kundi si Jun Xie na nagpapabaliw ngayon kay Yuan Biao!

Malamig na pinanood ni Jun Xie si Lei Fan na karaga ng mga guwardiya. Pinigilan niya ang ngumiti.

Sa wakas ay naitaas na ang telon!

Nang madala si Lei Fan sa Empress Palace ay puno na ng dugo ang katawan nito. Maputlang-maputla ang mukha nito. Kasalukuyang nag-aayos ang Empress nang dalhin doon si Lei Fan at muntik na itong mahulog sa kinauupuan nang makita ang kalunos-lunos na itsura nito!

"Little Fan! Little Fan! Anong nangyari sa'yo? Huwag mo akong takutin ng ganito!" Halos mawala na sa sarili ang Empress nang makita ang itsura ng kaniyang anak. Hindi niya na napansin ang pagkahulog ng palamuti sa kaniyang buhok.Habang dinadala si Lei Fan sa higaan, tinanong niya ang mga katulong: "Anong nangyayari!?"

Nanginig ang isa sa mga katulong at ito na mismo ang sumagot. Isinalaysay nito ang lahat ng nangyari sa Imperial Garden kani-kanina lang.

Para namang umikot ang paningin ng Empress. Hindi nito akalaing mayroong mangangahas na gumalaw sa kaniyang anak sa loob mismo ng Imperial Palace!

avataravatar
Next chapter