919 Pagtaas ng Telon (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Iba ang itsura ng Imperial Garden sa umaga. Winter pa rin pero puno na ito ng plum blossoms.

Tumingin si Qu Ling Yue sa Imperial Garden, lihim siyang napangisi. Ngunit agad din iyong naglaho at walang nakakita.

Magsasalita na sana si Lei Fan nang may isang anino ang pumagitan sa kanilang dalawa.

Biglaan ang pagdating nito kaya naman nahintakutan ang mga katulong!

Tinitigan naman iyon ni Lei Fan. Agad itong sumigaw: "Mapangahas! Sino ka para pumasok ng walang pahintulot dito sa Imperial Palace! Mga guwardiya! Hulihin niyo siya!"

Nagmadali ang mga guwardiyang nasa labas ng Imperial Garden. May mga hawak itong mahahabang espada at pinalibutan ang black robed man!

Ngunit bago pa man atakehin ang black robed man ay nakakilos na ito!

Mabilis ang kilos nito at agad nitong inatake si Lei Fan!

Akala ni Lei Fan ay makakapagpakitang gilas na siya sa harap ni Qu Ling Yue. Ngunit hindi niya inaasahang ganito kabilis ang black robed man at hindi nila napaghandaan ang atake nito! Nakatutok ang matalim na espada sa leeg ni Lei Fan. Hawak siya ng black robed man.

"Subukan mong kumilos, papatayin kita." Pagbabanta ng black robed man.

Tinakasan ng kulay ang mukha ni Lei Fan! Agad naglaho ang yabang nito kanina.

Nang makita ng mga guwardiya na hawak ng black robed man ang Fourth Prince, gusto nilang magmadaling isalba ito.

Ngunit idiniin ng black robed man ang espada sa leeg ni Lei Fan at sinabing: "Sabihan mo silang umatras kung gusto mong maging mabait ang espadang hawak ko."

Halos maihi si Lei Fan nang kaniya iyong marinig. Simula noong bata pa siya ay siya ang laging pinapaboran ng Empress at ng Emperor. Kaya paano niyang matatagalan ang sitwasyon niya ngayon?!

Agad siyang sumigaw: "Umatras kayong lahat! Walang ni isa sa inyo ang lumapit!"

Sumunod naman ang mga guwardiya.

"Magaling." Pagak na tawa ng black robed man. Ibinuka nito ang bibig ni Lei Fan at may inilagay doon na elixir. Nanlalaki ang mga mata ni Lei Fan sa sobrang takot.

"Ikaw! Ang lakas ng loob mong painumin ako ng lason! Kapag namatay ako, hinding-hindi ka makakatakas ng buhay dito sa Imperial Palace! Sisiguraduhin ng aking Ama na pagbabayaran mo ang ginawa mong ito!" Nanginginig na banta ni Lei Fan.

Ngunit hindi naman natinag ang black robed man sa kaniyang narinig. Mas lalo pa nitong idiniin ang espada sa leeg ni Lei Fan.

"Magsalita ka pa at mas lalo ko 'tong ididiin." Malamig na saad ng black robed man.

Sa sobrang takot ni Lei Fan ay itinikom niya ang kaniyang bibig. Hindi siya nangahas na lumikha ng tunog.

Wala namang nagawa ang mga guwardiya kundi ang paikutan ang black robed man. Hindi sila nangahas na kumilos dahil hawak ng nasa kanilang harapan ang paboritong anak ng Emperor.

Bumulong sa tenga ni Lei Fan ang black robed man at sinnabing: "Tandaan mo itong mabuti. Tanging ang dugo ng tunay mong ama ang makakapagligtas sa'yo."

Matapos sabihin iyon ay agad na itong naglaho!

Itinulak si Lei Fan sa lupa. Nanatili itong nakaupo doon habang hawak ang kaniyang leeg.

avataravatar
Next chapter