918 Pagtaas ng Telon (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mabuti na lang at bumubuti na ang pakiramdam ni Lei Fan, sasabihin ko siyang samahan kang maglakad-lakad sa paligid." Maganda ang pagkakasabi doon ng Emperor ngunit mayroon nanaman itong binabalak.

Alam ng Emperor na may intensyon si Lei Chen kay Qu Ling Yue at dahil iyon sa Thousand Beast City na nasa likod ng babae. Ngunit hinding-hindi ipapasa ng Emperor ang trono kay Lei Chen kaya naman kung may dapat man na maging malapit sa Thousand Beast City, iyon ay walang iba kundi si Lei Fan.

Kahit na mas kilala ni Lei Chen si Qu Ling Yue kaysa kay Lei Fan, sa isang banda ay magkakilala pa rin sina Qu Ling Yue at Lei Fan. Lubos na masisiyahan ang Emperor kapag naging mas malapit pa ang dalawa. Sa inosente at magiliw na mukha ni Lei Fan, naniniwala siyang mabibilog nito ang isip ni Qu Ling Yue.

Ilang sandaling nanahimik si Qu Ling Yue bago tumango bilang sagot.

Lumiwanag naman ang mukha ng Emperor at agad na ipinasundo si Lei Fan na naroon sa silid nito. Nang makarating si Lie Fan ay pinaalalahanan niya itong ingatan si Qu Ling Yue at aliwin sa pagiikot-ikot sa Imperial Palace.

Matapos marinig ang utos ng Emperor, agad na nakuha ni Lei Fan ang gusto nitong mangyari. Sa mga ganitong pagkakataon, masaya niya itong sinusunod. Basta tungkol sa pagkuha sa mga bagay na na kay Lei Chen, taos-puso siyang makikipagtulungan.

Idagdag pang malambing at maganda si Qu Ling Yue, wala siyang nakikitang dahilan para hindi sumunod.

Iginiya ni Lei Fan si Qu Ling Yue sa labas. Sila ay naglakad-lakad sa loob ng Imperial Palace kasama ang ilang mga katulong sa kanilang likuran.

"Senior Ling Yue, kahit na senior ang tawag ko sainyo, ngunit mukhang ilang buwan lang naman ang tanda mo sakin. Sabi nga nila, kabastusan daw ang punahin ang edad ng isang babae. Pwede ba kitang tawagin na lang na Ling Yue simula ngayon?" Nakangiting saad ni Lei Fan. Alam niyang may pinoproblema ngayon si Lei Chen kaya naman nagagalak siyang dagdagan pa iyon.

Nag-angat ng tingin si Qu Ling Yue, maya-maya ay tumango ito.

Tumawa si Lei Fan at sinabing: "Bakit hindi ka nagsasalita, Ling Yue?"

Itinuro ni Ling Yue ang kaniyang lalamunan at bahagyang binuka ang kaniyang bibig para sana magsalita. Ngunit ang paos na boses lang ang narinig diot.

Kunyaring nagpakita ng pag-aalala si Lei Fan at nagsabing: "Nagkasipon ka ba Ling Yue? Masakit ang lalamunan mo? Gusto mo bang magpatawag ako ng Imperial Physician para tignan ka?"

Umiling si Qu Ling Yue.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Lei Fan: "Masama pa rin ba ang loob mo tungkol sa nangyari sayo dito sa Fire Country? Narinig ko ang tungkol doon sa aking Ama, kaya naman humihingi siya ng paumanhin dahil sa kapabayaan ng Fire Country, ikaw ay napahamak." Bumakas ang labis na pag-aalala sa mukha ni Lei Fan habang sinasabi iyon.

Ngunit mukhang hindi pa rin natitinag si Ling Yue. 

Sa hindi malaman na dahilan, isang kakaibang pakiramdam ang naramdaman ni Lei Fan. Si Ling Yue ngayon ay parang si Jun Xie.

Pareho ang sitwasyon ngayon nang kaniyang makaharap noon si Jun Xie. Si Lei Chen ang nagpupumilit na magbukas ng mag-uusapan, ngunit nanatiling malaya at malamig ang pakikitungo ni Jun Xie.

Umiling si Lei Fan para palisin sa kaniyang isip ang isiping iyon.

Kahit na parehong maliit si Qu Ling Yue at Jun Xie, babae itong si Ling Yue! Kaya paano niya ito maikukumpara sa isang lalaki na si Jun Xie?

Kinumbinsi niya ang kaniyang sarili na kaya lang mailap si Qu Ling Yue ay dahil sa masama nag pakiramdam nito at wala nang iba pa. 

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa Imperial Garden.

avataravatar
Next chapter