384 Pagsulpot ng Elder (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Alas...

Pagkatapos ng mahabang pila sa isang buong araw, silang lima ay hindi man lang nahawakan ang pintuang daan ng Zephyr Academy. Sa gitna ng napakarami ng tao, napagdesisyunan ni Jun Wu Xie na umalis at tumayo sa isang tabi. Pansamantalang huminto ang enrollment ng Zephyr Academy nang magsimula nang dumilim at magpapatuloy kinaumagahan. Pinanood niya ang paglubog ng araw at tinanggap na wala silang tsansa ngayong araw.

Nang papalubog na ang araww, isang grupo ng mga nakasuot ng puting damit ang lumabas ng Zephyr Academy. Ang lalaking nangungunang sa kanila ay parang nasa edad tatlampu, maliwanag ang ekspresyon sa mukha nito. Ang mga nasa likod nito ay mga batang nasa labingwalo hanggang labingsiyam na taong gulang. Lahat sila ay may kuwintas na jade emblem na inukit sa hugis bituin.

Nang lumabas ang grupo ssa pintuang daan ng Zephyr Academy, lahat ng mga kabataang nakapila buong maghapon ay nasabik.

"Nasaan si Elder Mu ng Qing Yun Clan?" Tanong ng lider ng grupo sa guwardiyang nasa pintuang daan.

Isa sa mga guwardiya ay bumulong dito at nalukot naman ang mukha ng lalaki, bakas ang pagkabigo sa mukha nito. Laglag ang balikat na bumalik ito sa academy kasama ang buong grupo.

Tahimik namang nagmasid si Fei Yan sa likod ng mga kabataan, pagkatapos ay bumalik sa kung nasaan sila Jun Wu Xie.

"Mukhang hindi lang tayo nakakuha ng pera sa pain ni Jun Wu Xie, mukhang nakahuli rin tayo ng malaking isda." Sabi ni Fei Yan na malapad na nakangiti habang nakasandal ito sa puno.

"Anong nalaman mo?" Sabik na tanong ni Qiao Chu.

Agad naman iyong inilahad ni Fei Yan: "Ang lalaking iyon na lumabas ay isa sa mga guro sa weapons spirit branch. Ang Headmaster ng Zephyr Academy ay may anak na lalaki na ay naging sakitin simula bata ito. Nananatili itong buhay sa tulong ng sari-staring medikasyon na iniinom nito araw-araw kasabay ng pambihirang halamang gamot at elixir ng Headmaster. Dahil sa mahina ang katawan ng young master, hindi siya makapagbiyahe patungo sa Malala Yong lugar. Hinayaan ito ng Headmaster sa loob ng bahay para lumakas ito. Nang kahit papaano ay lumakas ang anak niyang iyon, nagtungo ito sa Qing Yun Clan para sana gamutin ni Qin Yue, ngunit naabutan nitong buwag na ang Qing Yun Clan! Nakarating siguro sa gurong iyon ang balitang narito kanina si Mu Chen kaya lumabas ito, pero sa kasamaang palad..."

Malapad ang ngiti ni Fei Yan habang isinasalaysay iyon. Saan man may kumpulan, nakakakuha ito ng balitang gusto niyang malaman.

"Tingin niyo ba, pag nalaman ng Headmaster ng Zephyr Academy na ang responsable sa pagpapabagsak ng Qing Yun Clan ay kasalukuyang gustong makapasok sa kaniyang academy, magpapalala kaya siya ng tao para patayin tayo?" Panggagatong pa ni Qiao Chu habang tumatawa.

Hindi katulad ng inaasahan ng mga ito ang Qing Yun Clan, para matulungan ni Qin Yue, kailangan nilang magbayad ng malaki.

"Panigurado! Ngunit ako at si Little Ruo ay ligtas. Pero kayo..." Sagot naman ni Fei Yan na humalakhak.

Sa kabilang banda, talaga nga sigurong minamalas ang anak ng Headmaster. Halos buong buhay nito ay hindi ito gumagaling. At kung kailan nagkaroon ito ng sapat na lakas para makabyahe, doon naman nabura ni Jun Wu Xie ang Qing Yun Clan.

Isang malaking kahihiyan.

"Narinig kong nag-imbita ang Headmaster ng mga magagaling na duktor para magtungo dito sa Zephyr Academy. Walang nakakaalam kung nakatulong ang mga ito." Saad ni Fei Yan.

Matapos sabihin iyon ni Fei Yan, ang mata ng tatlo ay lumingon lahat kay Jun Wu Xie.

Magaling na duktor?

Hindi ba't itong maliit nilang kasama ay may tinatagong talento?

Matapos nilang makita kung paano gamutin si Qiao Chu at Hua Yao, napatunayan nilang may talento nga ito sa Medisina.

Tumingala si Jun Xie sa mga nakatitig sa kaniya saka nilagpasan ang mga ito patungo sa Inn na kanilang nirentahan.

"Gabi na."

Mukhang hindi ito interesado!

avataravatar
Next chapter