382 Pagsulpot ng Elder (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang batang tinulak palabas ng kumpol ng mga tao ay tumitig sa mga bungkos ng cheke at pasimpleng sumenyas ng kaniyang hinlalaki sa tatlo pang kasama na nasa likod ng puno.

Ang pakikiusap at pagmamakaawa ay nagtagal pa ng ilang sandali at humila pa ng atensyon sa iba. Nasira ang pila sa academy at nagsipuntahan papunta sa ilalim ng puno.

Maya-maya ay sinabi ni "Mu Chen" na apat na lang ang elixir na mayroon siya.

Nang marinig iyon ng mga a kabataan, nagkagulo ang mga ito!

Makatuwiran nga na ang elixir na may ganoong epekto ay limitado lang. Dahil nagkaroon sila ng pambihirang oportunidad na magkaroon nito, hindi sila handang pakawalan iyon!

Bagamat ang unang presyo nito ay tatlong daang libong tael, itinaas ng kabataan ang presyo nito hanggang limandaang libong tael bawat isang elixir.

Pagkatapos maubos ang apat na elixir na iyon, ang mga hindi nakakuha ay hindi sumuko at nagpatuloy na magmakaawa para sila ay bentahan.

Tama, sila ay nagmamakaawa...

Daanlibong tael at pakiramdam nila ay naawa lang sa kanila si "Mu Chen" kaya sila binentahan ng elixir.

Ang mga elixir na iyon ay makakapagpabago sa kanilang buhay at dahil sa yaman ng kanilang pamilya, barya lang ang halagang ibibigay nila para dito.

Subalit malinaw nang sinabi ni Elder "Mu Chen" na wala na siyang elixir kung kaya't nag-umiyak at nagwawala ang mga kabataan...

Nang umalis si "Mu Chen" malungkot na nakatitig ang mga ito sa kaniyang papalayong likod.

Samantala, apat na kabataan ang tumatawa sa likod ng puno.

"Little Xie, napakalupit non! Sa isang elixir, nakabenta ka ng limandaang libong tael! Ngayon ay mayroon na tayong dalawang milyong tael! Ang laki ng nalikom natin!" Tumingin si Qiao Chu sa mga batang pinnapanood ang pag-alis ni "Mu Chen" at mas lalo pang lumakas ang kaniyang tawa. Iniisip ni Qiao Chu paano kung malaman ng mga batang iyon na ang kanilang nakitang "Mu Chen" ay si Hua Yao pala, ano kayang magiging reaksyon ng mga ito...

Ang abilidad ni Hua Yao na kontrolin ang kaniyang mga buto at parisan ng talento ni Jun Xie ay nagbigay laya sa kanilang gayahin ang kung sino man na gusto nila. Wala silang naging problema sa paggaya kay Mu Chen dahil ito ay naging malapit sa kanila nang sila ay nasa Qing Yun Clan!

"Nakita ko ang batang nang-insulto saatin at nakabili siya ng isang elixir. Hahaha...kung alam niya lang na gumastos siya ng limandaang libong tael para sa ordinaryong elixir, iniisip ko kung magsusuka ba siya ng dugo!" Gumaan pa lalo ang pakiramdam ni Qiao Chu habang iniisip iyon. Ang mga plano ni Jun Xie ay kamangha-mangha! Kung may isang taong magsasabing mayroon siya ng ganung klaseng elixr, walang maniniwala dito. Ngunit ginamit nila si Mu Chen ng Qing Yun Clan na ang talento ay sa mga ugat para mas maging kapanipaniwala sila.

Kahit gaano kabulok ang Qing Yun Clan sa totoong buhay, sa mata ng nakararami, sila ang simbolo ng Medesina!

Tumingin si Jun Wu Xie kay Qiao Chu at nagsalit: "Hindi ordinaryo ang mga elixir na iyon"

"ANO?!" Natigilan naman si Qiao Chu.

Si Fei Yan na narinig si Jun Wu Xie ay gulat na tumingin dito at nagtanong: "Little Xie, ibig mo bang sabihin, ang mga elixir na iyon ay may epekto nga sa kanilang mga ugat!?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Natigilan ang lahat.

Lahat ng mga batang iyon na taga-Lower Realm ay sinabing hindi pa sila nakakarinding ng ganoong epekto ng elixir, maging silang mga taga-Middle Realm ay ganon din!

"Ibig...Ibig mong sabihin ay totoo iyon!?" Hindi pa rin nakakabawi si Qiao Chu sa pagkagulat. Ang buong akala niya ay ordinaryong elixir lang ang kanilang binenta at hindi niya inaasahan na magkakaroon sila ng elixir na may ganoong epekto!

Tumango ulit si Jun Wu Xie.

"PAANO NANGYARI IYON?!?!" Pasigaw na tanong ni Qiao Chu na hindi pa rin makapaniwala. Nagulat sa sigaw na iyon si Hua Yao na ngayon ay pabalik pa lang sa grupo pagkatapos magpanggap bilang Mu Chen.

avataravatar
Next chapter