381 Pagsulpot ng Elder (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sino ang mangangahas na gayahin ang Elder ng Qing Yun Clan? Tanging ang wala sa tamang ka isipan lang ang gagawa noon.

Higit sa lahat mayroon itong badge ng simbolo ng Qing Yun Clan, dahilan para maniwala sa kanila ang mga tao.

Dahil sa pagkawala ng Qing Yun Clan, humatak ng atensyon lalo ang tatlong salitang iyon.

Ang lalaking nakaputi ay tumingin sa batang lalaki at nagsabing: "Wala na ang Qing Yun Clan at hindi na ko Elder doon. Tadhana nga sigurong magkita tayo dito. Mayroon pa akong mga elixir na natitirang dito, ngunit kaunti na lang ito. Kung gusto mo talaga ito, bibigyan kita ng isa sa ka parehong presyo na binayaran mo noon."

Nagsaya ang nagmamakaawang bata nang marinig iyon at yumukod dito. May dinukot ito sa bulsa at nilabas ang tatlong cheke na may nakasulat na isang daang tael bawat isa at ibinigay ito kay "Mu Chen."

Naglakihan naman ang mga mata ng nanunuod sa kanila. Tatlong daang tael para sa isang elixir!?

Anong klaseng presyo iyon!?

Bukod sa elixir ng Qing Yun Clan, ano pa ang may ganoong presyo!?

Ang mga pamilya ng naroon sa Zephyr Academy ay galing sa mga prominenteng pamilya at ang ilang daang tael ay maliit na bagay para sa mga ito. Nabigyan sila ngayon ng pagkakataon na makahanap ang Elder ng na walang Qing Yun Clan, at pumayag itong ibenta ang elixir na galing Qing Yun Clan sa batang nasa harap nito!

Sumunod ay nagkaroon ng kaguluhan!

Grupo-grupo ng kabataang ang nagmadaling lumapit sa puno.

Si "Mu Chen" ay nakikipag-usap sa batang nasa kaniyang harapan ng biglang nagsilapit at lumuhod ang mga pawis na pawis na kabataan sa kaniyang paanan.

"Elder Mu! Maaari ba naming malaman kung anong klase ng elixir ang iyong binenta sa batang iyan?" Naglakas ng loob ang isang bata para magtanong kay "Mu Chen". Hindi nito sinabi ang kaniyang intensyon ngunit nagtanong ito tungkol sa gamit ng elixir na iyon.

Hindi maliit na halaga ang tatlong daang tael at hindi lahat ng elixir ay nararapat para sa presyong iyon!

Kung magtatapon sila ng pera para sa isang elixir na hindi nila alam para saan, para silang mga tanga kung ganon.

Tumingin si "Mu Chen" sa mga batang nakapalibot sa kaniya. Bumakas ang gulat sa kaniyang mukha at agad ding nawala. Kinalma muna niya ang kaniyang sarili bago nagsalita: "Isa lang itong elixir na nagpapalapad sa iyong mga ugat para mapadali ang pag-unlad ng iyong spiritual power, bukod doon ay wala na."

Simple lang ang pagkakasabi noon ni "Mu Chen" ngunit nang makuha na ng kabataan ang ibig sabihin non, bumilis ang tibok ng kanilang mga puso!

Nagpapalapad ng mga ugat!?

Kamangha-mangha ang epekto noon!

Ibig sabihin lang noon ay mas mapapabilis ang kanilang progreso kumpara sa iba! Para sa elixir na katulad nito, mas magiging epektibo iyon kung kanilang inumin habang sila ay bata pa para palakasin ang kanilang pundasyon. Ang mga batang ito ay nasa edad na labing-anim o mas bata pa at ito ang perpektong oras para inumin nila iyon!

Higit sa lahat, hindi nila alam na may ganoon palang klase ng elixir!

Sino pa ang may abilidad na gumawa ng elixir na may ganoong epekto bukod sa Qing Yun Clan!?

Ngunit ang Qing Yun Clan ay naglaho na at tanging ang kalangitan lang ang nakakaalam kung kailan sila muling makakatagpo ng taga-Qing Yun Clan. Ito na lang ang tanging tsansa nila para makabili ng natatanging elixir na iyon!

"Elder Mu! Pakiusap bentahan mo ako isang elixir! Magbabayad ako ng kahit magkano!" Agad na may nakiusap na bata. Winawagayway nito ang isang bungkos ng tseke sa kamay nito!

Makakatulong ang elixir na iyon para sa kanilang pagsasanay. Kaya sino ang tatanggi sa oportunidad na iyon?

"Elder Mu! Bentahan mo din ako!"

"Ako! Ako! Elder Mu! Gusto ko rin! Kahit magkano!"

Sunod-sunod na nakiusap ang mga bata pagkatapos ng isa...

Dumami ng dumami ang pumalibot kay "Mu Chen" at ang unang bata na nakabili ay tinulak palabas.

Nakaluhod ang mga bata habang sila ay nakikiusap kay "Mu Chen", habang parami ng parami ang mga tseke ng iwinawagayway sa ere, nagmamakaawa para sa isang elixir!

avataravatar
Next chapter