165 PAGSILA (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang makapangyarihang Golden Lion ng Kingdom of Qi ay sinisila, unti-unti ng isang black beast. Bukod kay Jun Wu Xie, lahat ay nalilito. Ang black beast na lang ang natira sa gitna, dinidilaan nito ang kaniyang mga kamay.

Ikinukumpas ng black beast ang buntot nito habang naglalakad ito palapit kay Jun Wu Xie.

"Meow..."

Halos bumaliktad ang lahat nang marinig nila iyon.

"..." nawala ang takot ng lahat sa black beast na halos pumatay sa puso ng lahat kanina.

Paanong ang black beast na walang hirap na sinila ang Golden Lion ay napaka-cute palang pakinggan?

[Hindi pa ako nabusog ng sobra katulad ngayon sa tanang buhay ko!]

"May nabago ba sa pakiramdam mo?"Hindi napansin ni Jun Wu Xie ang epekto sa mga nakakakita sa kanila ang layo ng diperensya ng boses ni Little Black sa itsura nito. Hinimas nito ang ulo ni Little Black at nagpatuloy sa pag-iinspeksyon ng katawan nito.

"Meow."

[Wala naman. Sadyang sobrang busog…busog na busog.. *yawn* pwede ba akong matulog kahit sandali?]

Matapos nitong inubos ang Golden Lion, nakaramdam it ng sobrang pagkaantok. Ni hindi ito makatayo ng maayos.

Tumango naman si Jun Wu Xie bilang sagot. Kung gaano kabilis itong nagpakita, ganoon din ito kabilis naglaho.

Pagkatapos masaksihan ni Mo Qian Yuan na ubusin ng black beast ang Golden Lion, wala sa sariling hinawakan niya ang kaniyang batok at parang naramdaman niya ng ginawa ni black beast sa liyon nang atakehin niya ito sa parteng likod ng liyon.

Ang napakagulong bulwagan ng Imperial Hall kanina ay unti-unti nang bumabalik sa dati nitong payapang estado matapos maglaho ng black beast.

Bigla naman sumigaw si Mo Xuan Fei nang mahulog ito sa wheelchair at gumulong sa malamig na marmol na sahig. Siy ay kinkumbulsyon at mahigpit namang hawak nito ang kaniyang kwelyo. Bakas sa mukha nito ang lungkot at pagdurusa sa sakit na dinadanas nito. Ang mukha nito ay nawawalan na ng kulay dahil dito, butil butil na rin ang pawis nito at humahalo sa mantsa ng dugo sa kaniyang damit. Kaya naman sadyang kalunos lunos ang itsura nito.

Kahit sa nakaraan, wala pang nakakagawang silain atu ubusin ang isang contractual spirit. Kaya naman nag-iwan ng isang malaking tanong ang ginawa ng black beast sa liyon. Ibig sabihin ba nito ay wala nang contractual spirit si Mo Xuan Fei kahit kailan?

Halos lahat ng naroon ay napatingin sa palasingsingan ni Mo Xuan Fei. Dati ay mayroon itong makintab na singsing na gawa sa purong ginto, ngunit ngayon ay napalitan ito ng singsing na kinakalawang at may mga bitak.

Makalipas ang ilang saglit ay nabasag ito at nagkalat ang mga pira-piraso sa sahig.

Ang contractual ring ay…nasira?!

Ikinagulat ito ng lahat kaya naman ay lumikha ito ng komosyon.

Sa paggising ng contractual spirit, ito ay susunod sa kanilang master hanggang sa huling hantungag nito. Sa pagkamatay ng kanilang master, ang singsing ay mapapawi at bigla na lang maglalaho. Hindi katulad ng nangyari ngayon. Ang singsing ay nabasag at nagkalat!

Ang buong akala nila ay habang nabubuhay ang amo ng isang contractual spirit, kahit gaano pa kahina ang contractual spirit, hindi ito mamamatay, bagkus ay mananatili lang ito sa malalim na pagkakatulog.

Kaya naman napagtanto nilang ang mga contractual spirit ay hindi namamatay pero maaaring masila.

Matapos itong silain, katumbas nito ay para na ding pagkamatay at mababasag ang contractual ring. Ang master ay…

Sadyang kalunos-lunos ang itsura ni Mo Xuan Fei, patuloy itong nagpapagulong-gulong sa sahig na para bang maiibsan nito ang sakit na nararamdaman. Walang sinuman sa kanila ang nanaiising maramdaman ang sinapit nito. Para ka nang pinapatay sa impyerno!

avataravatar
Next chapter