163 PAGSILA(1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang liyon ay nagpakawala ng nakakabinging dagundong bago ito lumapit sa dalawang sundalo na nagtutulak sa wheelchair. Swerte at pareho silang beterano sa ganitong bagay kaya naman agad din nilang tinawag ang kaniya kaniyang contractual spirit.

Puno ng galit na nakatingin si Mo Xuan Fei kay Jun Wu Xie. Ang mga mata nito ay namumula sa sobrang galit.

Sinira siya ni Jun Wu Xie! Sobra siyang sinira nito! Walang ibang laman ang kaniyang isip kundi ang pumatay, ang gusto niya lamang mangyari sa mga oras na ito ay bigyan ito ng napakasakit na pagkamatay!

Nabalot ng tensyon ang Imperial Hall at si Mo Qian Yuan naman ay tinotoo ang kaniyang contractual spirit. Sa kaniyang kamay ay may pilak na sibat. Siya ay humakbang papunta sa harap ni Jun Wu Xie. "Iyan ang Golden Lion, ang pinakamakapangyarihang hayop na contractual spirit sa buong kaharian. "Madaliang paalala niya kay Jun Wu Xie habang siya ay nakatuon ang paningin sa Liyon.

"Patayin mo yan! Patayin mo ang dalawang iyan!!!" Nakatitig naman si Mo Xuan Fei sa aninong nasa likod ni Mo Xuan Fei habang inuutusan ang Liyon!

Sa mga oras na ito, nanginginig ang Emperor habang nakatayo. Sarisari ang emosyong makikita sa mga mata nito.

Malinaw sa kaniyang sarili ang lakas ng kakayahan ng Liyon, sa kanilang buong kaharian, iilan lamang ang kumakalaban dito. Ito ang kaniyang huling alas!

Ang Golden Lion ay nagpakawala nanaman ng isang malakas na dagundong at umatake kay Jun Wu Xie. Ang malakas na katawan nito at matatalas na mga kuko ay walang ibang nais paslangin kundi ang babae lamang.

Bigla naman may isang malaking anino ang lumabas, kahit na ang katawan nito ay hindi kasing laki ng katulad ng sa liyon, ang itsura naman nito ay mabagsik at wala ding ibang hangad kundi ang pumatay. Malamig ang mga titig nito sa Liyon.

Sa isang tingin lamang ay nakilala ni Mo Qian Yuan ang Black Beast.

Hindi ba't ito ang sinakyan ni Jun Wu Xie?

Ang dalawang hayop ay nagsimula nang maglaban sunod sunod ang dagundong galing sa mga ito. Parehong natatamaan ang bawat isa ng matatalim na kuko. Kahit na bayolente ang laban ng mga ito, ang mga contractual spirit ay hindi nagdugo. Kahit na ang natamaang parte ng katawan ay walang bahid ng dugo.

Lahat ng nasa bulwagan ay nakanganga sa pangyayari. Ang mga sundalong nasa labas ng Imperial Hall ay agad na pumasok at hinarangan si Mo Qian Yuan at Jun Wu Xie para sila ay protektahan.

Ang dalawa namang hayop ay nagpatuloy sa kanilang laban at mas lalo namang lumakas ang mga dagundong na nagmumula sa mga ito, dahilan para mapangiwi ang mga nanunuod dahil ito ay masakit sa tenga.

"Kailangan mo bang manghingi ng tulong?" Mahinang tanong ni Mo Qian Yuan habang nakatingin sa dalawang naglalaban.

Umiling si Jun Wu Xie, bukod sa contractual spirit ni Jun Qing, hindi pa siya nakakakita ng ibang klase ng hayop na contractual spirit. Gusto niyang subukin ang kakayahan ni Little Black sa mundong ito kumpara sa ibang uri ng contractual spirit.

Sa nakaraan, hindi ito makalaban. Ngunit kailangan malaman ni Jun Wu Xie paano ito napunta dito sa mundong ito.

Kailangan niya pang umobserba.

Para namang naintindihan siya ng Black Beast. Agad nitong inatake ang Golden Lion at pinilas ang balikat nito. Hindi ito nagdugo pero nawala ang mga parte na napilas dito.

"Rooooooaaar!!!" Ang Gintong Liyon na dati ay hindi pa natatalo ay inatake ang Black Beast gamit ang matatalas nitong kuko.

Ngunit mabilis na naiwasan ito ng itim na hayop at agad na tumalon sa ere sa ibabaw lamang ng liyon. Habang ito ay nasa ere, pumusisyon ito papunta sa likod ng liyon, nang ito ay bumagsak, agad niya itong kinagat!

avataravatar
Next chapter