591 Pagsampal sa mga Dumumog (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napagtanto ni Ning Xin na mula pa sa simula, nagkamali na siya!

Minaliit niya ang mga abilidad ni Jun Xie at nagkamali tin siya sa pakultad na talagang kinabibilangan ni Jun Xie. Ang lahat ng kanyang mga plano ay ginawa niya base sa mga maling impormasyon mula pa sa simula, at ngayong nasabi na ang lahat, ang mga pinlano niya ay walang magagawa para sa kanya…

"Senyor Ning…" Takot si Yin Yan na nakatingin kay Ning Xin. Bago ipalabas ang totoong pagkatao ni Jun Xie, ang pagpili ni Gu Li Sheng sa kanyang mga salita ay nagdulot ng kanyang pagdududa, ngunit hindi niya makuha kung ano ang mali noon.

Hanggang sa masabi ang katotohanan, tulad ng iba, naakit siya ng kwento ni Li Zi Mu.

"Hindi ito maaari….. Paano nangyari ito…." Nabalisa si Ning Xin at nagmadali si Yin Yan na alalayan siyang tumayo.

"Senyor Ning, ano na ang gagawin natin ngayon?" Takot talaga si Yin Yan. May takot na siya kay Jun Xie noon, ngunit ngayon, sa harap ng lahat ng nasa akademya, binasura ni Gu Li Sheng ang lahat ng disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healer. Nang pahiyain niya ang lahat sa mabilis nilang paniniwala sa mga sabi-sabi, nasama ang mga disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healer.

Matapos ang lahat ng ito, may pagkakamali rin ang mga disipulo ng pakultad nila sa pagsumpa kay Jun Xie!

Kung ordinaryong disipulo lang si Jun Xie, hindi lalala ang mga bagay ng ganito, ngunit si Jun Xie ang iisang napili ni Gu Li Sheng na disipulo. Habang iniisip ito, hindi na itutuloy ni Gu Li Sheng ang pagtuturo sa mga disipulong pinilit lang niyang tanggapin dati bilang kanilang tagapagturo…..

Ang isipang iyon lamang, ang nagpanginig kay Yin Yan sa mga kaparusahan.

Ang inasahan lang niya, ay ang posisyong kinainggitan niya sa pakultad ng mga Spirit Healer…

Kapag nawala iyon sa kanya….

"Alam ni Fan Jin….." Biglaang kumapit si Ning Xin sa braso ni Yin Yan, at tinayo ang kanyanng sarili.

"Alam na ni Fan Jin mula pa sa simula! Alam dapat niya! Bakit niya pipiliting ipagtanggol si Jun Xie ng maraming beses?! O bakit pa niya ipagpapalit ang kanyang reputasyon para sa kaligtasan ni Jun Xie?! Ha ha ha! Ha ha ha! Dahil matagal na niyang alam! Na si Jun Xie ang disipulong pinili ni Gu Li Sheng! Ha ha ha! Fan Jin, oh, Fan Jin! Mali ang basa ko, si Ning Xin, sa iyo!" Mayroon biglang dugo na lumabas sa bibig ni Ning Xin. Maayos ang lahat para sa kanya sa akademya, ngunit magmula ng makilala si Jun Xie, naharap siya sa maraming hadlang. Ang lahat ng mga plano na pinaghirapan niya, ay nasira at bumagsak bago pa niya magamit ang mga ito. Pinagmayabang niyang matalino siya, ngunit naging kalokohan nalang siya!

Ang saglit na pagdulas, ay nagdulot ng pagkawala ng lahat ng meron siya!

Wala nang pagkakataong maging talunan pa si Jun Xie. Ngayong kasama niya si Gu Li Sheng, hindi na posibleng mapasunod niya si Jun Xie nang siya ang kinamumuhian ng lahat.

Ang kanyang planong akuin si Jun Xie ay naglaho habang si Fan Jin naman ay sumuporta kay Jun Xie magmula pa sa simula at nakabuo ng pagkakaisa sa kanilang pagsasama!

Ang buhol na nabuo sa dibdib ni Ning Xin, ay muntik nang sumakal sa kanya.

Tumayo siya doon na tumatawa ng parang nasiraan ng ulo.

Dahil nakita niya mismo ang ring spirit ni Jun Xie, hindi tatanggapin ni Ning Xin ang paliwanag ni Fan Qi kanina sa katotohanan.

Maliit na pusa?

Isa iyong malaking itim na halimaw!

Ngunit ang katotohanang iyon ay alam lang nila ni Yin Yan. Pinakita lang ni Jun Xie ang kanyang ring spirit sa anyo ng itim na pusa sa harap ng lahat, at kahit na sabihin pa nila na hindi lang ordinaryong itim na pusa ang ring spirit ni Jun Xie, walang maniniwala sa kanila.

Natalo siya ngayon, at masakit ang kanyang pagkatalo!

Patuloy lang ang kanyang pagtawa, pati ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang bibig. Ang malalang galit na sumira sa kanyang puso at ang pagkatalo na nanglupaypay sa kanya ang nagdulot sa pagkawala ng kanyang pagkakalma, nawala ang kanyang pagkahinhin.

avataravatar
Next chapter