590 Pagsampal sa mga Dumumog (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumango si Jun Wu Xie.

Tinignan ni Gu Li Sheng ang mga disipulo: "Magmula ngayon, miyembro si Jun Xie ng pakultad ng mga Spirit Healer. Ngunit makinig kayong lahat! Hindi ko siya disipulo, hindi ako marapat na turuan o gabayan siya, at hindi rin ako marapat na maging guro niya! Magmula ngayon, hawak niya ang kalahati ng awtoridad ng pakultad ng mga Spirit Healer! Kahit na natanggap siya bilang isang disipulo, walang magtuturing sa kanya na isang disipulo!"

Habang sinasabi ni Gu Li Sheng ang mga salitang iyon, ang kanyang tingin ay bumagsak sa anyo ni Qian Yuan He at mabilis na tinignan ang buong grupo.

Sa lahat ng mga guro ng akademya, isa si Qian Yuan He sa mga nagsabing kahihiyan si Jun Wu Xie, at na hindi marapat si Jun Xue na matanggap ang kanyang mga katuruan.

At ang mga salita ni Gu Li Sheng ngayon, ay nagbigay rin ng sampal sa kanyang mukha.

Naging wala si Qian Yuan He sa Akademyang Zephyr.

Isa lang siyang ordinaryong guro sa pakultad ng Beast Spirit, at marami ang mga guro na mas magaling sa kanya!

Bukod pa sa mga mata ni Gu Li Sheng, na mayroong awtoridad sa ginagalang na pakultad ng Spirit Healing?

Pag kinumpara kay Gu Li Sheng, hindi marapat si Qian Yuan He na buhatin ang kahit sapatos niya!

Si Gu Li Sheng mismo ang nagsabing hindi siya marapat na turuan si Jun Xie, na nagsasabi ring mas hindi marapat si Qian Yuan He. Nagsabi si Qian Yuan He dati na walang pagnanais si Jun Xie na matuto, at walang maganda sa pagkatao niya. Ang lahat ng ito ay binato sa kanyang mukha ng mga salita ni Gu Li Sheng!

Ang maliit na Qian Yuan He na may hawak na sama ng loob kay Jun Xie? Mukhang sa kanya na nakaturo ang kalokohan!

Sa maikling sulyap na iyon mula kay Gu Li Sheng, Namutla ng husto si Qian Yuan He, at ang kanyang mga balikat ay nanginig. Hindi niya namalayang umatras siya sa mga tao, at nagnais na lunukin na siya ng lupa para hindi na siya makita ng kahit sino.

Mula sa sinusuklam at sinusumpa ng lahat, at sa biglaang pagiging henyo na nagdusa ng tahimik, naayos ni Jun Xie ang kanyang imahesa loob ng akademya sa loob ng isang maikling oras, at binigyan ang mga kahiya-hiyang disipulo at guro ng sampal sa kanilang mga mukha.

Sa ilalim ng mga mata ng buong akademya, umalis si Gu Li Sheng kasama si Jun Xie. Walang sinabi si Jun Xie at nanood lang sa tabi habang natanggap ng lahat ng mausisa ang kanilang mga sampal.

Matapos umalis ni Gu Li Sheng at Jun Xie, sumabog ang plasa sa mga usapin at boses. Pinaguusapan ng lahat ang mga katotohanang lumabas ngayon at ang mga nakaraang sumusumpa kay Jun Xie ay agad na umalis, takot na balatan sila ng mga taong nagkakagulo.

Kung walang kwentang basura si Jun Xie, ano pa sila?

Mas mababa sa basura…

Ngayon, ang lahat sa loob ng Akademyang Zephyr, mula sa taas hanggang sa baba, ay sabay-sabay na sinampal. Lahat ng disipulo, pati na rin ang mga guro, ay nakatingin sa isa't isa ng may pagsisisi. Ang mainit at mapula nilang mga pisngi ay nagdulot ng pakiramdam na para silang sinampal.

Sa ilalim ng kaguluhan, ang mga nahihiyang disipulo at mga miyembro ng pakultad ay nagnais na manatili pa doon. Bawat pagkakatong sila'y nananatili doon ay nagdudulot ng pag-init pa ng kanilang mga mukha at pagbilis ng pagtibok ng kanilang mga puso. Ngunit ang pagtatantong kasama ng mga pangyayari ngayon ay nakaukit na sa kanilang mga puso.

Ang mga tao sa plasa ay mabilis na kumalat, ngunit si Ning Xin ay nanatili sa kanyang pwesto, nanigas sa kanyang kinatatayuan.

"Paano ito nangyari….. Imposible….. Paano naging si Jun Xie ang napili ni Gu Li Sheng….." Nanlaki ang mga mata ni Ning Xin, at hindi parin siya nakakabawi sa guulat. Walang makapagsasabi kung gaano siya kagulat sa mga narinig niya kanina!

Puro ingay lang ang nasa isip niya. Ang mga planong naisip niya ay gumunaw, naging alikabok sa kanyang paligid.

Nais ipaghiganti ni Gu Li Sheng si Li Zi Mu?!

Para na itong biro na bumagsak sa kanya.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, hindi sinabi ni Gu Li Sheng ang pangalan ni Li Zi Mu at sinabi lang na siya ay isang bagong magaaral. Halata, na nakita ni Gu Li Sheng ang lahat ng kahihiyang ginawa ni Li Zi Mu. Ang pagkamuhing nararamdaman niya patungo kay Li Zi Mu, ay mas malalim kaysa sa sinuman!

avataravatar
Next chapter