588 Pagsampal sa mga Dumumog (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nila inakalang ang iisang disipulong tinanggap ni Gu Li Sheng ay si Jun Xie!

Ang disipulong tinawag na kasuklam-suklam na binata sa unang araw palang ng kanyang pagpasok sa akademya!

At ang lahat ng sumpang nagpahirap kay Jun Xie ay nagmula mismo sa pakultad ng mga Spirit Healer!

Ngunit ngayon, sa biglaang pagliko ng mga pangyayari, nag-bago ang lahat at hindi makapaniwala ang mga disipulo.

Paano… nangyari ito?

"Magmula pa dati, ang disipulong napili ko mismo ay si Jun Xie, at si Jun Xie lang. Inakala kong nahanap ko na ang pinaka-bagay na disipulo, na aking hahangaan. Wala pang dalawang oras ang kinailangan ni Jun Xie para maintindihang tuluyan ang pamamaraan ng Spirit Healing at nakapagbigay pa siya ng mga paraan para mapaganda ito." Habang nagsasalita si Gu Li Sheng, ang kanyang mukha'y puno ng pagmamalaki.

"Ang pamamaraan ng Spirit Healing ay mahalaga. Para mabigyan si Jun Xie ng oras at lugar para matapos ang kanyang pagpapaganda sa pamamaraang ito, at para malayo siya sa mga mayroong masasamang balak, wala akong nagawa kundi pansamantala siyang paalisin mula sa aking pakultad. Para mapigilan ang mga pagdududa, may ibang pinili para mapuna ang pwestong iniwan ni Jun Xie sa kanyang pansamantalang pag-alis. Ang mga pagbabagong ito ay naganap ng may pagsang-ayon mula sa Punong Tagapagturo at pinaliwanag ko ito sa mga bagong disipulo. Para maitago si Jun Xie, sinabi ko sa lahat na nagkamali lang ako."

Nang matapos si Gu Li Sheng, ang kanyang noo ay kumulubot at nawala ang hinhin sa kanyang boses, at ang kanyang titig ay naging matalas at dinaanan ang lahat ng mga disipulong nasa harap niya: "Ngunit isa lang ang hindi ko inakalang mangyayari, na ipapakita ng mga disipulo ng akademya kung gaano sila katanga. Mabilis kayong nakumbinsi ng mga sabi-sabi na kinalat ng iba, at patuloy na nagturo at sinugatan si Jun Xiw, na nagpabigo sa akin. Ang katotohanan ay matagal ko nang alam at alam na rin ng Punong Tagapagturo. Magmula pa sa simula, walang pakana si Jun Xie na nakawin ang posisyon ng sinuman dahil sa kanya na ang posisyon na iyon! Siya ang nagbilin na umalis sa posisyong iyon na nagbukas ng opurtunidad na hindi sana mabibigay sa iba. Wala sa inyo ang nagbakasakaling hanapin ang katotohanan at hangga't hindi pa nakita ito, naniwala sa mga sabi-sabi bilang katotohanan. Ang mga sumpang binato niyo kay Jun Xie ang sumira sa pangalan ng Akademyang Zephyr!

Ang masasakit na salita ni Gu Li Sheng ang sumira sa mga sabi-sabing nakapalibot kay Jun Xie! At binigyan nito ng isang malakas na sampal ang mga disipulong nagbato ng mga sabi-sabing iyon kay Jun Xie!

Ang mga salita ni Gu Li Sheng ay nagpatahimik sa mga kabataan sa harap niya, na walang nasabing kahit isang salita.

Si Fan Qi, na walang sinabi, ay nagpunta sa harap. Nagbuntong-hininga siya bago sabihing: "Masasabi kong ang lahat ng sinabi ni Gu Li Sheng ngayon ay katotohanan. Sa simula palang, nang kausapin niya ako patungkol dito, nagulat ako. Hindi ako makapaniwalang isang labing-apat na taong gulang na binata ang makakalampas sa kaalaman ni Gu Li Sheng patungkol sa Spirit Healing. Ngunit alam ko na si Gu Li Sheng, na tagapagtatag ng pamamaraan ng Spirit Healing, ay nagturing sa kahit anong may kinalaman sa pamamaraang ito bilang kanyang sariling anak at hindi magbibiro patungkol dito. Nagtiwala ako sa kaynang mga mata at sa kayang desisyon noon. At ngayon, pinapakita ng mga katotohanan na hindi ako nagkamali kay Gu Li Sheng, at tama siya tungkol kay Jun Xie."

Matapos sabihin iyon, sandaling tumigil si Fan Qi: "Kailan lang, at hindi ko alam kung sino ang may pakana, ngunit ang taong iyon ay biglaang nagnais na imbestigahan ang pagkamatay ni Li Zi Mu, na nagdulot ng ilan pang sabi-sabi na kumalat sa buong akademya. At para mapakita sa inyo ang katotohanan, ako mismo ang nagimbestiga. Nakita ko na ang pumatay kay Li Zi Mu ay isang Spirit Beast, at hindi kamay ng tao. At halata ito, dahil makikita niyo na ang tinitignan niyong salarin ay mayroon lamang maliit na itim na pusang kasya sa palad. Matatanong ko ba kayo, paano masisira ng isang maliit na itim na pusang ito ang leeg ng isang binata sa isang kagat?"

avataravatar
Next chapter