587 Pagsampal sa mga Dumumog (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para makamit ang pagtanggap ni Gu Li Sheng, mayroon siguro ang taong iyong kaalaman patungkol sa bagay na iyon!

Bago ito, ang pagpapabor na pinakita ni Gu Li Sheng patungo kay Li Zi Mu ay kita ng lahat. Halos lahat sila'y hula na ang disipulong pinag-uusapan niya ay si Li Zi Mu!

Kung hindi man, bakit isa lang ang tinanggap ni Gu Li Sheng ngayong taon, na ang pumanaw nang si Li Zi Mu? Pinakita ni Gu Li Sheng ang kanyang labis na pag-aalaga at mas binantayan siya kumpara sa ibang disipulo sa kanyang pakultad.

Ang lahat ng disipulo ay nagisip na ang galit ni Gu Li Sheng ngayon ay dahil sa pagkamatay ni Li Zi Mu.

Ang kaisa-isang disipulong tinanggap ni Gu Li Sheng ay biglaang namatay, mainit na mainit siguro ang ulo ni Gu Li Sheng!

Nang marinig ang paghigpit sa boses ni Gu Li Sheng, natakot ang lahat ng disipulo ng akademya. Ngunit hindi sila takot dahil alam nilang lahat na ang salarin sa pagkamatay ni Li Zi Mu ay si Jun Xie at wala silang kinalaman dito. Ang galit ni Gu Li Sheng ay patungo kay Jun Xie!

Kailangan lang nilang maghintay at sulitin ang makikita nila.

Nagtago si Ning Xin sa mga tao at ngumiti ng palihim, ang kanyang mga mata'y puno ng malisya habang nakatitig kay Jun Xie mula sa dagat ng mga disipulo.

Ngunit si Yin Yan, na nakatayo sa tabi ni Ning Xin ay nakaramdam ng pagaaatubili.

Alam ng lahat na pinaboran ni Gu Li Sheng si Li Zi Mu sa kanyang pangangalaga sa kanya, ngunit kung may magsasabi na nalampasan ni Li Zi Mu ang kaalaman ni Gu Li Sheng sa Spirit Healing, hindi siya makakapaniwala.

Sa mga panahong nasa pakultad si Li Zi Mu ng mga Spirit Healer, hindi niya naintindihan ang mga pinakasimpleng aspekto nito. Samakatuwid, imposibleng nalampasan ng kaalaman ni Li Zi Mu ang kaalaman ni Gu Li Sheng patungkol sa Spirit Healing! Malaking kalokohan iyon!

Hindi mapakali si Yin Yan na may mali, ngunit kahit gaano pa niya ito pag-isipan, hindi niya matukoy ang mali.

"Matagal ko nang inisip na ang mga disipulo ng Akademyang Zephyr, na isa sa tatlong pinakamataas na lugar ng pag-aaral, ay magiging lohikal, mabilis mag-isip, at mayroong maayos na ugali. Ngunit nakita ko na mali ako." Ang mahigpit na ekspresyon ni Gu Li Sheng ay biglaang naglabas ng maikling tawa.

"Ngayon, mayroon akong nais ipakilala sa inyong lahat. Ang taong ito, ay ang halimaw na nalampasan ang aking kaalaman sa kanyang pagkakaunawa sa pamamaraan ng Spirit Healing!" Naglalakad na si Gu Li Sheng patungo sa mga kabataan habang nagsasalita.

Nagulat ang lahat ng disipulo ng akademya at tumahimik ang kapaligiran.

Ipakilala?

Ano'ng ibig sabihin noon?

Hindi ba't patay na si Li Zi Mu? Hinukay ba ni Gu Li Sheng ang bangkay ni Li Zi Mu? Para bigyan siya ng opisyal na titulo?

Nagulat ang lahat ng disipulo at nakatitig kay Gu Li Sheng habang papalapit sa mga kabataan, at biglaang lumiko matapos maglakad ng sampung metro!

Sa ilalim ng mga mapanakot na titig ng ibang mga disipulo, nalapit si Gu Li Sheng sa dalawang anyong nilalayuan ng iba.

"Jun Xie, nagdusa ka siguro nitong mga nakaraang panahon." Tumayo si Gu Li Sheng sa harap ni Jun Xie, ang kanyang mukha'y humihingi ng tawad at hindi makapaniwala ang mga kabataan.

Gayunpaman ay inalog ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo.

Inabot ni Gu Li Sheng ang kanyang kamay, at sinama si Jun Wu Xie pabalik sa harap ng mga kabataan.

"Si Jun Xie, ang halimaw na aking nabanggit. Natabunan ako ng kaalaman ng binatang ito sa pamamaraan ng Spirit Healing!" Nakalabas ang dibdib ni Gu Li Sheng habang sinasabi ang nakakabulabog na balita sa lahat ng disipulo ng akademya!

Sa sandaling iyon, ang buong plasa ay natahimik. At sa isang kisap-mata, ang plasa ay sumabog sa usapan ng lahat na tila pupunit sa langit!

"Jun Xie?!"

"Paano naging si Jun Xie?!"

Hindi ba't si Gu Li Sheng ang nagsabi na maling pagkakaintindi lang iyon noon? Sinabi niyang hindi si Jun Xie ang kanyang pinili! Anong nangyayari dito?!"

Ang nakagugulat na balita ay nagliyab habang nalunod ang mga salita ni Gu Li Sheng sa mga tao. Ang apoy ay mabilis na kumalat hanggang sa likuran.

Gulat, pagdududa, takot….. Iba-ibang emosyon ang kumalat sa mga disipulo habang naalala nila ang kanilang mga ginawa noong nakaraan!

avataravatar
Next chapter