586 Pagsampal sa mga Dumumog (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang masiyahan sa pagtahimik ng mga disipulo, lumalim ang tingin ni Gu Li Sheng. Tumigil siyang saglit sa katahimikan at ang kanyang boses ay malinaw na narinig: "Sa tagal ng panahon, ang pakultad ng mga Spirit Healer ang may pinaka-onting disipulo. Naniniwala akong, alam niyong lahat ito. At sa tingin ninyong lahat ay ang pagtanggap sa pakultad ng mga Spirit Healer ay isang walang-tulad na karangalan kung saan matututunan ninyo ang pamamaraan ng Spirit Healing at mabubuhay kayong masaya at walang pag-aalala. Tama ba?"

Sa tanong ni Gu Li Sheng, ang lahat ng disipulo ay tumango sa pagsangayon.

Tinanong ulit ni Gu Li Sheng: "Sa tingin niyo ba na ang maging disipulo sa ilalim ni Gu Li Sheng ang magbibigay sa inyo ng walang katulad na karangalan?"

Ang mga disipulo ng akademya ay hindi naglakas ng loob na mag-ingay at ang nagawa lang ay tumango ng isang beses.

"Sa tingin niyo ba'y ako, si Gu Li Sheng, tagapagtatag ng pamamaraan ng Spirit Healing, ay mas may alam sa pamamaraang ito kaysa sa sinuman sa ilalim ng langit?" Tinanong niya ulit sa mga kabataan.

Walang nagdududa! At ang lahat ay tumango ng isang beses.

Tinignan ni Gu Li Sheng ang lahat ng disipulong nasa harap niya na tila mga sisiw na tumutuka ng mga pakain sa kanila habang tumatango. Ngumiti siya: "Magaling."

Nagtataka ang lahat sa nga tanong ni Gu Li Sheng ngunit wala silang magawa kundi maghintay.

"Bale kung ngayon, sinabi ko sa inyong lahat na mayroong tao sa ilalim ng langit, isang taong ang kaalaman patungkol sa Spirit Healing ay mas labis kaysa sa akin, isang tao na ako, si Gu Li Sheng, ay hindi maturuan, maniniwala ba kayo?"

Agad-agad, ang mga pagtango ay naging hindi pagsang-ayon.

Ngumiti si Gu Li Sheng.

"Alam niyo bang lahat kung bakit hindi kayo natanggap sa pakultad ng mga Spirit Healer?"

Sabay-sabay na inalog ng mga kabataan ang kanilang mga ulo.

"Ito ay dahil hindi niyo alam kung ano nga ba ang pamamaraan ng Spirit Healing, at wala sa inyo ang pagintindi dito. Masasabi ko rin, na sa mga disipulo na ngayo'y nasa pakultad, wala sa kanila ang marapat. Kung ang aking mga panukala ay ginamit para magsukat, walang tatanggapin ang aking pakultad na ni-isang disipulo na pasok sa aking batayan!" Biglaan ang pagliko ng mga salita ni Gu Li Sheng, at ang kanyang tono ay biglaang naging mahigpit!

"Ang dahilan sa aking pagtanggap sa kanila, ay hindi dahil mas magaling sila sa inyong lahat. Ngunit dahil ako, bilang isang guro ng akademya, ay dapat tumanggap ng mga disipulo, kundi, hindi ako makakasagot sa punong tagapagturo." Sinabi ni Gu Li Sheng, hindi humihinahin sa kanyang mga sinasabi.

Habang nagsasalita si Gu Li Sheng, si Fan Qi, na umatras, ay biglang namutla, ngunit hindi dahil sa galit, kundi dahil sa hiya.

Ang lahat ng salita ni Gu Li Sheng ay gumulat sa mga disipulong nasa harap niya, at ang mga disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healer na kasama nila ay nanginginig sa gulat na dala ng mga salita niya.

Sa mga pagkakataong ito, inisip nilang mas mataas sila sa ibang disipulo kaya sila tinanggap sa pakultad, na iyon ang rason kung bakit sila nagkaroon ng opurtunidad na mag-aral ng Spirit Healing sa ilalim ni Gu Li Sheng. Subalit, ang mga salita ni Gu Li Sheng ngayon, ay tila isang malaki at mainit na sampal sa kanilang mga mukha, sa harap ng mga tao sa akademya, na dumurog sa kanilang mga nabuong yabang na mas mataas sila!

Si Gu Li Sheng naman, ay hindi magaadya: "Natanggap ko na, na hindi ako makakahanap ng taong makapag-aaral ng pamamaraan ng Spirit Healing. Hanggang dumating ang isang araw! May nakilala akong kabataan. Nakita ko sa kanyang itsura ang ibig-sabihin ng kagilasgilas… Hindi, para mas malapit, hindi siya matatawag na kagilasgilas, kundi isang pambihirang nilalang! Ang kanyang pagkakaintindi sa Spirit Healing ay mabilis na lumampas sa akin!"

Nang marinig ng mga tao ang mga salita ni Gu Li Sheng, nawala ang katahimikan sa plasa.

Ang malampasan ang kaalaman ni Gu Li Sheng sa Spirit Healing. Hindi kapani-paniwala. Matagal nang mayroong mahinhin na ugali si Gu Li Sheng, ngunit alam ng lahat na mahigpit siya sa Spirit Healing. Sa kanyang mga sinabi patungkol sa mga pamantayan niya sa kanyang mga napiling disipulo, makikita na hindi siya makikipagsundo pagdating sa kanyang kadalubhasaan.

avataravatar
Next chapter