584 Pagsampal sa mga Dumumog (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig ng ibang disipulo ang mga balitang ito, ang ilang mga kabataang nagkukunwaring walang pakialam ay sumali sa grupo.

Kailan lang, may dalawang malalaking pangyayari sa Akademyang Zephyr. Ang una ay nang tinanggal si Lu Wei Jie mula sa akademya kasama ang ilan pang mga disipulo at ang kanyang pagbatikos kay Ning Xin bago siya umalis. Ang isa pa ay ang mga sabi-sabing pagpatay ni Jun Xie kay Li Zi Mu.

Sa dalawang mga pangyayaring ito na magkakasunod, naganahan ang mga disipulo sa akademya. Habang kumakalat ang mga akusasyon ang mga sabi-sabi na ang mga salarin ay pumatay ng walang awa sa kapwa disipulo, naakit nila ang atensyon ng lahat.

"Ang katanyagan ni Gu Li Sheng sa akademya ang makasasabing hindi siya mapipigilan ng kahit ang punong tagapagturo sa kanyang mga nais gawin. At nang biglaang namatay ang kanyang mahal na disipulo, sa tingin niyo ba ay hahayaan lang niyang umalis ang mga salarin? Ang pagbisita ni Jun Xie sa pakultad kahapon ay ang kanyang pagmamakaawa kay Gu Li Sheng ngunit nang siya'y umalis, namumutla daw ang kanyang mukha. Sigurado na, na hindi pinakinggan si Jun Xie. Pag-isipan niyo. Pumunta si Jun Xie kahapon sa pakultad, at ngayon, pinagtipon-tipon tayong lahat dito. Tungkol saan pa ba ito? Ang hula ko ay ginalit ng tanga si Gu Li Sheng at nais ni Gu Li Sheng na tapusin ito ngayon para maipaghiganti ang kanyang mahal na disipulo!"

"Matapos marinig ang iyong mga sinabi, mukhang totoo nga. Narinig kong si Gu Li Sheng ang nagpatawag sa lahat ngayon dito. At base sa mga sinabi mo, mukhang tama nga ang iyong hula." Dinagdag ng isa pang disipulo.

Ang mga kabataan ay biglaang tumawa ng sabay-sabay.

Walang may gustong mag-aral sa isang akademyang mayroong biglaang mananaksak sa likod ng walang sabi.

"Hoy! Tignan ninyo! Sino iyon?" Sinabi ng isang may matalas na paninging kabataan, nang may makitang dalawang anyong papalapit sa plasa.

Ang isa sa kanila ay kilala ng lahat. Si Fan Jin. Ang isa naman na nasa kanyang tabi ay isang maliit na kabataan, na may mayuming mukha.

"Ano? May lakas pa siya ng loob na magpakita?! Hindi ba siya takot sa kamatayan?"

"Sa tingin mo ba ay makakapagtago pa siya? Kung maghihiganti si Gu Li Sheng, hindi na makakatakas si Jun Xie kahit pa umalis siya sa akademya!"

Ang plasa ay napuno ng mga nangungutya at nagaatubiling magdagdag ng gatong sa apoy, at hindi rin ito nakukulangan ng mga taong nais manood sa palabas.

Nang malapit nA si Jun Wu Xie sa plasa, ang lahat ng mga mata sa plasa ay nakatingin sa kanya.

Nakatayo si Ning Xin at Yin Yan sa loob ng grupo ng mga disipulo, ang kanilang mga mukha'y masaya at mayroong masasamang ngiti.

"Mukhang wala na tayong kailangan pang gawin dahil sinelyohan na niya ang kanyang kapalaran ng pinuntahan niya si Gu Li Sheng. Hindi basta-basta pababayaan ni Gu Li Sheng ang batang iyan." Binulong ni Ning Xin, ang kanyang mga mata, puno ng lason, ngunit ang kanyang mga labi'y nakataas, mayroong mahinhing ngiti.

"Ang pagpapatawag sa ating lahat ngayon ay utos ng aking Panginoon?" Tinanong ni Yin Yan.

Tumango si Ning Xin.

"Sino pa ba?"

"Ibig-sabihin ba noo'y kikilos na siya laban kay Jun Xie ngayon?"

"Malamang. Sino ba si Jun Xie? Akala niya ba'y mapapakiusapan niya si Gu Li Sheng na pabayaan lang siya sa kamatayan ni Li Zi Mu sa pagpunta niya sa pakultad para magmakaawa? Walang muwang." Masayang kinanta ni Ning Xin.

Hininaan ni Yin Yan ang kanyang boses at binulong: "Senyor Ning, kung kikilos na si Gu Li Sheng ngayon, wala bang pinagkaiba iyon sa ating pinlano?"

Pinlano ni Ning Xin na aminin ni Jun Xie ang pagkatalo at gumapang papalapit sa kanya para angkinin ito at ilagay sa ilalim niya. Ngunit kung papatayin si Jun Xie ngayon… Ang lahat ng kanyang pinlano ay gugunaw.

Hindi inisip ito ni Ning Xin at hinalukipkip ang kanyang mga braso sa ilalim ng kanyang dibdib: "Maaari ngang makalinga si Gu Li Sheng sa kanyang mga disipulo, ngunit hindi siya basta-basta pumapatay. Ang kanyang pagpapatawag sa lahat ay maaaring para sa paghihiganti para kay Li Zi Mu, ngunit hindi masasabing papatayin niya si Jun Xie. Kung nais talaga niyang ipapatay si Jun Xie, gagawin niya ito ng patago. Ang pinakamalala na niyang gagawin kay Jun Xie ay bigyan ito ng masakit na pagsaway, bago ito paalisin sa akademya. Ngunit…"

avataravatar
Next chapter