1083 Pagputol sa Lahat ng Ugnayan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Humagulgol si Qu Wen Hao habang nagmamakaawa. Wala na siyang ibang masasandigan. Ang

mukha niya ay napakaputla, namumula ang mga mata, hindi siya katulad ng nakita ni Jun Wu

Xie noon sa labas ng Heavenly Cloud Chambers na matatag at pino. Ilang hibla ng buhok sa

kaniyang sentido ang naklugay, na mas nagpamukha sa kaniyang pagod at kahabag-habag, ang

likod na laging diretso ngayon ay nakayuko para lamang sa kaniyang anak.

Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie ang kahabag-habag na hitsura ni Qu Wen Hao, walang

daloy ng emosyon ang makikita sa kaniyang mga mata.

"Nagmamakaawa ako sa iyo, tulungan mo ako… Hangga't payag ka sa pagtulong ay maaari mo

makuha anuman ang iyong gustuhin… Ang buhay ko, lahat ng mayroon ako, ibibigay ko lahat

sa iyo." malakas na palahaw ni Qu Wen Hao, ang kamay niya ay nakatakip sa kaniyang mukha.

kaniyang nalalaman na matapos ang lahat ng ginawa niya dito ngayon ay hindi niya makukuha

ang kapatawaran mula kay Jun Xie. Ngunit para kay Qu Ling Yue, hindi siya papayag na hindi

lumaban para sa nag-iisa at huling pag-asang ito.

Ang pagmamakaawa ni Qu Wen Hao ay hindi nakakuha ng kahit anong sagot mula kay Jun Xie.

Kaawa-awang nakaluhod doon si Qu Wen Hao, sa kawalang pag-asa na pag-abandona.

Nakuyom ni Xiong Ba ang kaniyang kamao at ang mukha ay napasimangot. Mapanglaw na

kalungkutan at malupit na pakikibaka ang pumuno sa kaniyang mga mata subalit hindi niya

magawang magsalita.

"Mula ngayon, pinuputol ko na lahat ng ugnayan sa Thousand Beast City at kahit ika'y

mamatay o mabuhay ay wala na akong pakialam doon." malamig na saad ni Jun Wu Xie.

Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na siyang tumalikod upang umalis habang buhat-buhat si

Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit sa kaniyang braso, hindi na niya nais pa makita

ang bakuran na puno ng pagkakanulo.

Masasabing hindi niya sariling kasama si Xiong Ba at ang iba pa ngunit kahit ganunpaman, ay

binigay niya sa mga ito ang kaniyang tiwala.

Ngunit pagkatapos ng mga nangyari nagyong araw, lahat ng iyon ay tuluyan ng nabura.

Ang sulyap ni Jun Wu Yao ay bahagyang lumipat, mabilis na sinulyapan lahat ng tao mula sa

Fiery Blaze Clan Hall bago tuluyang naglakad upang sumunod kay Jun Wu Xie. Nang marating

niya ang tabi nito ay tumingin siya sa mukha ni Jun Wu Xie na malamig pa rin ang ekspresyon

at nagtanong: "Unti-unti na bang lumalambot ang pagkato mo Little Xie?"

Kung hindi lamang siya nangako kanina kay Jun Wu Xie na hindi makikialam sa mga pangyayari

sa Thousand Beast City, ang buong bakuran na puno ng tao siguradong ngayon ay patay na.

Malamig na sumagot si Jun Wu Xie: "Wala silang kinalaman sa akin, ano pang kailangan pag-

usapan doon?"

Ang tanging relasyon na mayroon siya sa Thousand Beast City ay ang pakikipagtulungan sa

kaniya at ngayon na hindi tumupad si Qu Wen Hao sa kanilang kasunduan, ang relasyon na

iyon ay wala na.

Tumingin si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie at napataas ang kaniyang kilay ngunit wala na siyang

sinabi na kahit anuman.

Silang dalawa ay magkatabi nang naglakad paalis, iniwanan si Qu Wen Hao na tanging likod na

lamang nila ang makikita nito.

Pinanood ni Qu Wen Hao ang paalis na si Jun Xie at sa matinding pagkataranta ay hindi niya

naiwasan na sumigaw: "Young Master Jun! Hindi ka pwede…"

Napahinto si Jun Wu Xie sa kaniyang paglalakad. Hindi siya lumingon at sa halip ay nagsalita sa

napakalamig niyang boses.

"Walang kahit anuman dito ang magsasabi sa akin na hindi pwede." matapos sabihin iyon ay

muli na siyang naglakad palayo ng hindi tumigil kahit bahagya.

Kaawa-awang nabuwal sa lupa si Qu Wen Hao, lahat ng kaniyang lakas ay tuluyan ng naubos.

Ngunit sa sumunod na sandali, ang kaniyang mata ay bumanaag ang isang tingin na tila

nawawala sa sarili at nababaliw!

Bigla siyang tumayo at sumalakay kay Jun Xie!

"Grand Chieftain!" pumiksi ang puso ni Xiong Ba dala ng matinding gulat. Hindi niya naisip na

dumating na sa puntong wala na sa katinuan si Qu Wen Hao at magagawa nitong atakihin si

Jun Xie!

Sa sandaling malapit na si Qu Wen Hao kay Jun Xie, ay itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang binti

at sinipa si Qu Wen Hao na tumilapon palayo!

At ang isang sipa na iyon na tila isang nagwawalang unos na dumaan ay makikitaan ng bakas

ng blue spirit pwer energy na kumalat sa ere!

Napahiyaw si Qu Wen Hao nang sumalpok siya sa pader at nanlalatang nahulog sa lupa,

patuloy sa pagdaing dahil sa matinding sakit.

Nang mga sandaling iyon ay napuno ng katahimikan ang buong Fiery Blaze Clan Hall, habang

ang lahat ay hindi makapaniwala na nanlaki ang mga mata, ang kanilang tingin ay napako sa

sumabog na liwanag ng blue spirit energy…

avataravatar
Next chapter