744 Pagpisil sa Maliit na Kamay (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Agad namang naintindihan nina Ye Sha at Ye Mei ang sitwasyon.

Para sa kanilang Panginoong Jue, kahit ano pang gustuhin ng kanilang Young Miss, masaya nitong ibibigay iyon.

"Pagkatapos nito, anong plano mo?" Tanong ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie, seryoso itong nakatingin sa babae. Lumitaw ang Heaven's End Cliff noong siya ay nawala. Ayon kay Ye Mei, ang lugar na iyon ay nagtataglay ng mapanganib na mga bagay galing sa Dark Regime. Kung sila ay nagpunta ng walang dalang mapa, maging siya ay hindi kumpiyansang mahahanap nila iyon.

"Hanapin ang mga mapa." Sagot ni Jun Wu Xie. Hindi niya kailangang maglihim kay Jun Wu Yao.

Nakakulong na si Ning Rui at ang mapang hawak nito ay mapupunta sa kanila, hindi katagalan mula ngayon. Pag nangyari iyon ay magiging tatlo na ang piraso ng mapang hawak nila.

"Noong kami ay papunta sa Heaven's End Cliff, may nakasalubong kaming mga taga-Yan Country. Kung tama ang impormasyong natanggap namin, ang Crown Prince ng Yan Country ay hawak ang isa pang bahagi ng mapa." Kung makukuha nila iyon ay magiging apat na ang hawak nila. Kalahati ng sumatotal na bilang ng mapa.

"Kailangan mo ba ng tulong ko?" Tumatawang tanong ni Jun Wu Yao.

Umiling naman si Jun Wu Xie. Hindi niya nakakalimutan ang biglang paglaho ni Jun Wu Yao. Ibig sabihin ay may importanteng bagay din itong pinagkakaabalahan.

Makapangyarihan si Jun Wu Yao. Wala pa siyang nakikilalang mas makapangyarihan pa dito. Ngunit ayaw niyang nakaasa lang kay Jun Wu Yao. Kapag dumating ang panahong kailangan na niyang harapin ang Twelve Palaces, ayaw niyang umasa sa iba.

Hindi na nagpumilit si Jun Wu Yao at hinayaang si Jun Wu Xie ang magdesisyon.

"Ibig bang sabihin noon ay sa Yan Country susunod na pupunta si Little Xie?" Nakaangat ang isang kilay ni Jun Wu Yao na nagtatanong kay Jun Wu Xie. Ang mga mata nito ay nanatiling nakatingin sa mga daliri ni Jun Wu Xie. 

"Hindi pa sa ngayon. Kailangan pang mangalap ni Fei Yan ng sapat ng impormasyon tungkol doon. Isa pa, kailangan ko munang gamutin sina Lord Meh Meh at Fan Jin." Saad ni Jun Wu Xie, nakakunot ang noo nito. Nagamot na niya ang pinsalang natamo ni Lord Meh Meh at kailangan lang iyong alagaan bago tuluyang gumaling. Ngunit ang kalagayan ni Fan Jin ay komplikado.

Patay na si Fan Qi at kailangan ng bagong Headmaster ng Zephyr Academy para pamahalaan ito. Si Fan Zhuo naman ay nakatakdang umalis kasama nila at ang Zephyr Academy ay dapat na para lang kay Fan Jin.

"Mananatili ba ako dito para may kasama ka?" Tanong ni Jun Wu Yao.

Tinignan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao. Sa nagniningning na pares ng matang iyon, nakita niya ang kaniyang sariling repleksyon.

"Tapos ka na sa mga dapat mong gawin?"

Umiling si Jun Wu Yao at sinabing: "Wala namang mababago kung saglit na matitigil iyon. Sa halip, mas interesado ako kung ayaw ba ni Little Xie ng aking presensiya?" May panunuksong bumakas sa mga mata ng lalaki. Hindi naman malaman ni Jun Wu Xie ang kaniyang gagawin.

Yumuko na lang siya at hindi pinansin ang sinabing iyon ni Jun Wu Yao.

Hindi magawang kumalma ni Jun Wu Yao dahil sa hindi pagsagot sa kaniyang tanong si Jun Wu Xie. Inutusan niya si Ye Sha at Ye Mei na linisin ang lugar bago siya magpatuloy sa panunukso kay Jun Wu Xie.

Hindi naman malaman ni Jun Wu Xie ang kaniyang gagawin dahil sa patuloy na panunukso ni Jun Wu Yao. Hindi pa siya kailanman tinutukso ng kaniyang Uncle at Lolo. Kahit na mahinahon kung siya ay kausapin ng mga ito, nararamdaman niyang may pagkakaiba sa pagtrato ng mga ito sa pagtrato ni Jun Wu Yao.

Kung nangyari ito sa nakaraan, siguro ay hinabol na ito ni Jun Wu Xie. Ngunit si Jun Wu Yao ay isang "kuya" at hindi alam ni Jun Wu Xie paano haharapin iyom.

Sakto namang dumating si Fan Jin kasama si Qiao Chu. Namumula pa siya dahil sa pang-aasar ni Jun Wu Yao.

avataravatar
Next chapter