743 Pagpisil sa Maliit na Kamay (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Huh?" Nag-angat ng tingin si Jun Wu Yao. Alam niyang hindi ito nasaktan, kung oo ay malilintikan sa kaniya ang tatlong iyon!

Nakayuko si Jun Wu Xie. Nakatingin ito sa pares ng kamay na pumipisil sa kaniyang kamay, saka nag-angat din ng tingin.

[Sinusuri ba nito kung may sugat ako?]

"..." Nanigas ang ngiti sa mukha ni Jun Wu Yao bago humagalpak ng tawa.

"Hindi mahina ang mga lalaking iyon at sigurado akong gagamit ang mga iyon ng kakaibang paraan. Kaya may tsansang makakatamo ka ng pinsala nang hindi mo nalalaman. Kung hindi iyon maingat na susuriin, makakaligtaan mo iyon. Magsalita ka lang habang sinusuri ko kung may natamo ka ba." Saad ni Jun Wu Yao na hindi man lang umabot sa mata ang ngiti,

Kumurap-kurap si Jun Wu Xie at wala nang nagawa. Tahimik lang itong nakaupo, ayaw nitong maistorbo si Jun Wu Yao. Inunat niya ang kaniyang braso para masuri ng huli.

Umangat ang kanto ng labi ni Jun Wu Yao. Sunod na tinignan naman ni Jun Wu Yao ang palad ni Jun Wu Xie at marahang hinaplos iyon. Nagdulot naman ng kiliti kay Jun Wu Xie, dahilan para mapapitlag ito.

Nakahanap si Jun Wu Yao ng gawaing hindi siya magsasawa.

Sa may pintuan, nakatayo si Ye Sha at Ye Mei at pinipilit na maging diretso lang ang ekspresiyon sa kanilang mga mukha. Ngunit ang totoo ay halos sumabog na ang kanilang mga puso dahil sa kanilang nasasaksihan.

[Tama ba sila ng narinig? Nagsabi ng kasinungalingan ang kanilang Panginoon sa Young Miss?]

[Isa iyang malaking panloloko!]

[Sa katalinuhan ng Young Miss, bakit hindi niya naisip ang dahilan sa likod ng "pagsusuri" ng ating Panginoon?]

Nagpalitan ng makahulugang tingin sina Ye Sha at Ye Mei.

Hawak pa rin ni Jun Wu Yao ang malambot na kamay ni Jun Wu Xie, nagpanggap itong kalmado at seryosong nagtanong: "Kamusta ang ilalim ng Heaven's End Cliff?"

"Hindi masaya." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Alam mong Mapanganib ang lugar na iyon at tumuloy ka pa rin?" Tanong muli ni Jun Wu Yao, nakataas ang isa nitong kilay. Isinalaysay na sa kaniya lahat ni Ye Mei ang nangyari sa kanila sa Heaven's End Cliff. Hindi maitatangging pinaghirapan nga talaga ng mga taga-Dark Regime iyon. Ngunit...sa antas ng kapangyarihan ni Jun Wu Xie at ng mga kasamahan nito, nagawa pa rin ng mga itong makalabas doon ng buhay.

"Gusto kong mahanap ang puntod ng Dark Emperor." Bumakas ang determinasyon sa mga mata ni Jun Wu Xie. Kapag nakakaharap niya ang mga taga Middle Realm, paulit-ulit siyang pinaalalahanan ng kaniyang kahinaan. Ayaw niyang umasa lang sa kapangyarihan ng iba para siya ay maprotektahan. Alam niyang kailangan niyang lumakas!

Napangisi si Jun Wu Yao at inilapit ang mukha kay Jun Wu Xie. Ang mga mata nito ay puno ng tuwa.

"Oh? Bakit determinadong-determinado kang mahanap ang puntod ng Dark Emperor?"

"Para sa kapangyarihan at lakas." Diretsong sagot ni Jun Wu Xie. "Sabi nina Qiao Chu ay kasamang nakalibing ng Dark Emperor ang mga makapangyarihang gamit na galing sa Middle Realm. Paniguradong makapagbibigay iyon ng agad na kalakasan. Gusto kong magkaroon noon para maharap ko ang Twelve Palaces."

Ang pakiramdam ng magkaroon ng tahanan ngunit hindi maaaring uwian ay labis na ikinalulungkot ni Jun Wu Xie. At ayaw niyang magtagal pa iyon.

Lumapad ang ngiti sa mukha ni Jun Wu Yao. "Kilala mo ba kung sino ang Dark Emperor? At nangangahas kang hanapin ang kaniyang mga pag-aari?"

"Patay na siya." Sagot naman ni Jun Wu Xie.

"..."

Parang gustong lumapit ni Ye Sha at Ye Mei kay Jun Wu Xie.

[Young Miss!]

[Sinasabi nito sa harap ng isang taong, patay na ito. Ayos lang ba iyon?]

Kinakabahang tumingin ang dalawang pares ng mata kay Jun Wu Yao. Natatakot silang bigla na lang itong magwala sa galit.

Subalit tumawa lang ng malakas si Jun Wu Yao. Nakaupo ito doon habang hawak ang maliit na kamay ni Jun Wu Xie.

"Tama...patay na ang Dark Emperor. Kahit gaano pa ka-makapangyarihan ang isang tao, wala nang saysay iyon dahil patay na ito."

Ang Dark Emperor ay "patay na." Kung hindi, paanong mangangahas ang mga taga-Twelve Palaces na pag-interesan ang lugar na iyon? Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Yao sa isiping iyon. Dahil sa dami ng taong naghahangad sa kaniyang pag-aari, dapat niyang bigyan ng "pabuya" ang mga ito.

Ngunit...

Bumaling ang mga mata ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. Agad na naglaho ang panlilisik sa mga mata nito.

Hanggat gusto ni Little Xie, kahit ano pa iyon, dapat makuha nito.

avataravatar
Next chapter