742 Pagpisil sa Maliit na Kamay (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lahat ng disipulo ng Zephyr Academy ay masamang nakatitig kay Ning Rui. Ang mga naunang sinabi ni Ning Rui tungkol sa pagtatagumpay ay bumalik sa kaniya na parang isang matalas na sandatang isinaksak sa kaniya.

Ang lalaking itong nagbadyang gamitin ang buhay ng lahat sa Zephyr Academy para sa kapangyarihan at awtoridad ay sa wakas haharapin ang hatol!

Hindi sila agad na ipinapatay ni Fan Zhuo, sa halip ay ikinulong lang si Ning Rui at Gongcheng Lei. Kahit na ang kaniyang galit sa mga ito ay tinutulak siyang saktan ang dalawa, pinigilan niya ang kaniyang sarili. Dahil ang dapat na makakita ng pinaparusahan ang mga ito ay si Fan Jin.

Kinaladkad si Ning Rui at Gongcheng Lei ng mga guwardiya. Tumingin naman si Fan Zhuo kay Fan Jin. Nasaktan siya nang masalubong ang pamilyar na mukhang iyon dahil alam niyang hindi talaga iyon ang kaniyang kapatid...

Ang problema sa Zephyr Academy ay nasolusyunan na at nakahinga na ng maluwag ang mga naroon. Pakiramdam nila ay nagkaroon sila ng panibagong buhay. Sila ay lubos na nagpapasalamat kay Jun Xie na nagligtas sa kanila. Ngayon ay nagkaroon sila ng malaking pagrespeto dito at sa napakalakas na lalaki.

Malubha ang pinsalang natamo ni Gu Ying, nakulong si Ning Rui at ang mga kasabwat nito. Ang kalamidad na tumama sa Zephyr Academy ay natapos na.

Malala ang pinagdaanan ng Zephyr Academy nitong mga nakaraan at kailangan nilang ibalik sa dati ang kanilang mga buhay. Ayon sa tuntunin ng academy, ang posisyon bilang Headmaster ay dapat na mapupunta kay Fan Jin at nakangiti namang tinanggap iyon ni Fan Jin. Ang una niyang utos bilang Headmaster ay umuwi aat magpahinga ang lahat ng disipulo at guro ng Zephyr Academy. Magkakaroon ng maiksing pahinga ang academy para ang lahat ay makabawi at makapagpatuloy.

Halos maayos na ang lahat ngunit hindi pa rin makakauwi si Jun Wu Xie.

Hinawakan ni Jun Wu Yao ang maliit na kamay ni Jun Wu Xie at naglakad patungo sa kakahuyan.

"Pabugso-bugso ka talagang babae ka. Kakaumpisa mo pa lang matutunan na maabot ang purple spirit at gusto mo na agad itumba ang mga lalaking iyon? Kung hindi pa ako dumating, pupunuin mo nanaman ba ng pinsala ang buo mong katawan?" Pinaupo ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie sa may lamesa. Habang sina Ye Mei at Ye Sha na nakasunod sa kanila ay nakayuko at tahimik lang. Dahan-dahang lumabas ang mga ito at nag-iingat na huwag mapansin ang kanilang mga presensiya.

"Bakit ka nandito?" Hindi sumagot si Jun Wu Xie sa sinabing iyon ni Jun Wu Yao. Mas interesado ito sa biglang pagsulpot nito.

Bigla nalang naglaho si Jun Wu Yao at bigla ring sumulpot. Walang ideya si Jun Wu Xie kung saan ito nagpunta noong mga panahong nawawala ito.

Sumagot si Jun Wu Yao: "Hinanap ako ni Ye Mei. Sabi niya ay nawala ka daw sa baba ng Heaven's End Cliff."

Saglit na natigilan si Jun Wu Xie at inalala ang pangyayaring muli niyang nakasama ang grupo sa Heaven's End Cliff. Naalala niyang hindi niya nga nakita si Ye Mei nang mga panahong iyon. Yun pala, umalis si Ye Mei para hanapin si Jun Wu Yao.

"Paanong dito ka nagpunta?" Naalala din ni Jun Wu Xie na malayo ang Heaven's End Cliff dito sa Zephyr Academy.

"Wala. Susunod ako kahit nasaan ka pa." Natatawang saad ni Jun Wu Yao. Nasa kalagitnaan ng paghahanap si Ye Mei sa kaniyang Panginoon nang makarating sa kaniyang nahanap na si Jun Wu Xie. Ngunit nagpatuloy pa rin si Ye Mei sa paghahanap dahil mayroon pa itong bagay na ipapaalam sa kaniyang Panginoon.

Doon nalaman ni Jun Wu Yao na ang tinatawag nilang Heaven's End Cliff ay ang lugar kung saan matatagpuan ang puntod ng Dark Emperor. At mukhang ang kaniyang munting prinsesa ay interesadong-interesado sa mga bagay na kasamang nakalibing sa "Dark Emperor's tomb".

"Nagkataon lang iyon. Pagkarating ko, naabutan kitang nasa gitna ng mabigat na sitwasyon. Ilalagay mo nanaman ba sa panganib ang buhay mo dahil lang sa pakikipaglaban sa lalaking iyon?" Saad ni Jun Wu Yao habang hawak ang kamay ni Jun Wu Xie. Mahaba at maninipis ang mga daliri ni Jun Wu Xie, ang mga kuko nito ay parang mga talulot ng rosas at napakaganda nitong tignan. Pinisil-pisil at ni laro niya ang kamay nito ngunit para namang walang maramdaman si Jun Wu Xie. Kalmado ang mukha nito habang si Jun Wu Yao ay patuloy pa rin sa ginagawa nito.

Maliit ang kamay na iyon at napakalambot.

"Hindi." Sagot ni Jun Wu Xie at tinitigan ang lalaking nakahawak sa kaniyang kamay. "Hindi ako nasaktan."

avataravatar
Next chapter