577 Pagpatay sa Kapwa Disipulo (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pakiramdam ni Fan Jin ay umiikot siya sa kaniyang kinatatayuan. Gustong-gusto niya nang sabihin sa mga disipulong nasa kaniyang paraan na mali sila ng iniisip simula pa lang. Simula't-sapul, si Jun Xie ang tunay na biktima!

Kung bakit nakapasok si Li Zi Mu sa Spirit Healer Faculty ay dahil kay Jun Wu Xie. At noong makuha nito ang atensyon ni Gu Li Sheng ay dahil din yon kay Jun Wu Xie.

Kung hindi dahil kay Jun Wu Xie, walang papansin kay Li Zi Mu!

Ang totoo niyan, si Li Zi Mu ang umaga sa posisyon ni Jun Wu Xie at ginamit nito ang pangalan ni Jun Wu Xie para mas lalong inangat ang kaniyang sarili. Ngunit pinili pa rin ng mga disipulo ng Zephyr Academy na paniwalaan ang kanilang narinig na nakapagpagalit ng husto kay Fan Jin.

"Alis! Umalis kayo dito ngayon din!" Sigaw ni Fan Jin, ang mukha nito ay namumula sa galit. Sa oras na iyon, kahit ang pasensyosong si Fan Jin ay nangangating pumatay.

Masamang tinignan ng grupo si Fan Jin. Gusto pa nilang patuloy na makipagtalo kay Fan Jin, ngunit nang kanilang makitang nanginginig na ito sa galit ay na tauhan sila.

Matapos na umalis ng mga kabataang iyon, isang pigura ang lumitaw galing sa kung saan. Lumabas ito sa pinagkakataguan nito, bagsak ang balikat.

"Elder Young Master..." Saad ni Ah Jing na nanginginig din sa galit habang nakatingin kay Fan Jin.

"Ah Jing?" Lukot ang mukha ni Fan JIn. Simula nang paalisin ni Fan Zhuo si Ah Jing, hindi niya na muling nakita ito.

Pagal ang itsura ni Ah Jing at malungkot na nakatingin kay Fan Jin.

"Elder Young Master...Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?'

"Ah Jing, anong ibig mong sabihin?" Nararamdaman ni Fan Jin na parang puputok ang kaniyang ulo anumang oras mula ngayon.

Huminga ng malalim si Ah Jing at tumingin kay Fan Jin.

"Elder Young Master, nakikita ng lahat na may masamang balak si Jun Xie. Bakit pinoprotektahan mo pa rin siya hanggang ngayon? Pinatay na niya si Li Zi Mu! Hindi mo na dapat siya hinahayaan manatili dito sa kakahuyan. Kung gagalawin niya si Young Master Fan Zhuo, ang dapat nating gawin..."

"Tama na!" Sigaw ni Fan Jin, pinigilan nitong magpatuloy pa si Ah Jing.

"Ah Jing, iisipin ko na lang sa ngayon na nanatili ka lang tapat kay Fan Zhuo. Ngunit kapag may narinig pa akong ganito sa iyo, hindi ko na papalagpasin iyon!" Tuluyan nang naubusan ng pasensya si Fan Jin. [Anong nasa isipi ng mga tao sa Zephyr Academy? Bakit sila magpapataw ng kamatayan kay Jun Wu Xie base lang sa bali-balitang hindi pa nila napapatunayan?]

Ilan sa kanila ang nakasalamuha na ni Jun Wu Xie?

Wala pa sigurong sampu ang nakausap na ni Jun Wu Xie ngunit pinagbibintangan na ng mga ito ang huli.

"Elder Young Master, wag ka sanang tuluyang mabulag..." Giit ni Ah Jing.

Hindi na nakapagpigil si Fan Jin dahil sa kaniyang naririnig mula kay Ah Jing. Dinampot nito si Ah Jing sa kuwelyo at tinapon ito palabas ng kakahuyan.

Malakas itong tumilapon sa lupa. Naguguluhan naman ang mga disipulong nakakita dito.

Tumitig ito sa papaalis na si Fan Jin at sumigaw:

"Elder Young Master! Labis kang nirerespeto ng Little Young Master! Bakit mo siya ipapahamak! Bakit mo dinala si Jun Xie dito? Ganito mo ba bayaran ang tiwalang binigay sa'yo ng iyong kapatid? Pati na rin sa Headmaster?! Ganito mo ba naiisipang bayaran ang pagpapalaki niya sa'yo!?"

Nawala na sa sarili si Ah Jing. Nakaupo ito sa lupa at nagwawala. Pinagtitinginan siya ng mga dumadaan disipulo dahil sa kaniyang mga sinasabi.

Iyon si Ah Jing! Ang pinagkatiwalaan na silbihan si Fan Zhuo simula pa ng bata pa ito!

At ang mga salitang lumabas sa bibig ni Ah Jing ay isang malaking rebelasyon sa kanila. Para iyong kidlat na tumama sa bawat disipulo ng Zephyr Academy.

avataravatar
Next chapter