573 Pagpatay sa Kapwa Disipulo (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Agad na natapos ang holiday ng Zephyr Academy. Naghahanda na sina Jun Wu Xie para sa kanilang paglalakbay pabalik sa academy.

Ang ingay at abalang lansangan ng Chan Lin Town ay nanahimik matapos makaalis ng mga disipulo ng Zephyr Academy. Ngunit sa parehong araw sa susunod na buwan, ay muli itong iingay at gugulo.

Unang nakarating sa branch division sina Qiao Chu at ang grupo samantala sina Jun Wu Xie at Fan Zhuo ay kakarating lang sa main division.

Halos kakaapak lang ni Jun Wu Xie sa Zephyr Academy nang siya ay sinalubong ng mga nangungutya at masasamang tingin.

Marami-rami ring mga disipulo ang piniling manatili sa academy sa kanilang maiksing bakasyon. Kakaibang awra ang binibigay ng mga nanatili sa academy kumpara doon sa mga nagtungo sa Chan Lin Town. Nang makita ng mga ito si Jun Wu Xie, ang mga disipulong dating iniignora si Jun Wu Xie ay binibigyan na siya ngayon ng masasamang titig.

Halatang-halata sa mga titig ng mga ito ang disgusto kay Jun Wu Xie at naramdaman naman iyon ng huli.

Naglakad si Jun Wu Xie kasama si Fan Zhuo at lahat ng disipulong kanilang madadaanan ay may parehong titig.

Anong nangyari?

Naramdaman ni Jun Wu Xie na may nangyari dito noong sila ay nagtungo sa Chan Lin Town. Bakit ngayon ay parang puno ng kamandag ang mga titig sa kaniya?

Naramdaman din ni Fan Zhuo ang kakaibang ihip ng hangin sa academy. Hinila nito si Jun Wu Xie at binilisan ang lakad. Gusto nitong agad na makarating sa kakahuyan.

Kakapasok lang nila sa bakuran nang agad na lumapit sa kanila si Fan Jin.

"Kuya, may nangyari ba dito sa academy?" Naguguluhan ang itsura ni Fan Zhuo. Hindi niya mapigilang pansinin ang mga masasamang titig na natanggap ni Jun Wu Xie.

Mas nag-aalala pa si Fan Zhuo kumpara kay Jun Wu Xie na kalmado lang ang itsura.

"Noong kayo ay wala dito, may nagkalat ng balitang may kaugnayan ka sa pagkamatay ni Li Zi Mu." Paglalahad ni Fan Jin ng balita. Sa katunayan ay mas masahol pa doon ang usap-usapang kumakalat.

May nakaalam na lumipat si Li Zi Mu ng grupo noong Spirit Hunt papunta sa grupo ni Jun Wu Xie. Pagkatapos ay nakasulat sa listahan ng mga namatay sa Spirit Hunt ang pangalan ni Li Zi Mu.

Ang magkaroon ng mga namatay sa Spirit Hunt ay normal lang at hindi na iyon gaanong pinagtuunan ng pansin.

Ngunit iba ang kay Li Zi Mu. Ito lang ang natatanging disipulo na natanggap sa Spirit Healer faculty ngayong taon at nakuha non ang atensyon ng mga disipulo. Ang pagkamatay nito ay naging usap-usapan, ang iba ay natuwa at ang iba naman ay nakiramay.

Sa huli, nang makakalimutan na sana ng mga disipulo ang trahedyang iyon, biglang may kumalat na balita sa buong academy!

Nasangkot ang pangalan ni Jun Wu Xie sa pagkamatay ni Li Zi Mu. Sa pagpasok ni Li Zi Mu sa Battle Spirits Forest, ibang pangkat ang kasama nito. Nakasalubong ng mga ito ang grupo nina Fan Jin at Jun Wu Xie sa kalagitnaan at nabalitang inanyayahan ni Jun Wu Xie si Li Zi Mu na sumama na lang sa kanilang grupo.

Hindi naman nakakita ng dahilan si Li Zi Mu para iyon ay tanggihan, kaya naman agad niyang pinaunlakan ang imbitasyong iyon. At hindi katagalan na ito ay nalipat sa grupo ni Jun Wu Xie, ito ay namatay sa loob ng Battle Spirits Forest.

Halos lahat sa balitang iyon ay naglalaman ng katotohanan, maliban sa isa.

At iyon ay, hindi inimbitahan ni Jun Wu Xie si Li Zi Mu na sumali sa kanilang grupo.

Ngunit ang puntong iyon mismo ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng mailing kuro-kuro ang ibang mga disipulo.

Ang tungkol kay Li Zi Mu at Jun Wu Xie ay kalat sa buong academy, at alam ng lahat ng disipulo na mayroon silang hindi magandang relasyon.

avataravatar
Next chapter