896 Pagpatay (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Karamihan sa mga dark robed men ay madaling tumayo sa labas ng mga silid ng bisita sa ikalawang palapag, pinihit ang kanilang mga ulo patagilid at idiniin ang tainga sa pintuan upang marinig kung may kaluskos sa loob. Nang masiguro nila na ang mga silid ay tahimik at ang mga tao sa loob ay mahimbing pa ang tulog ay tumango sila sa kanilang pinuno!

Bukod sa ilang dark robed men na nakatayo sa labas ng mga silid, ang natitirang sampu na lalaki ay nagtipon sa labas ng isang silid. Tahimik nilang buksan ang pintuan gamit ang talim , at itinulak ito upang mabuksan!

Ngunit nang sila ay pumasok, nakita nila na ang silid ay walang laman, wala ang kanilang puntirya sa magulong higaan at tanging ang malamlam na liwanag ng kandila lamang ang lumiliwanag doon.

Habang naguguluhan pa rin sila, ang pintuan sa silid na nasa likuran nila ay biglang nagsara!

Narinig ang paglangitngit mula sa pintuan, ang mga dark robed men na nagsipasok sa silid ay mabilis na lumingo sa kanilang likuran!

Nakita nila ang isang bata na may maamong mukha na nakatayo sa tapat ng pintuan, nakatitig sa kanila sa naninigkit nitong mga mata.

"Sinong nagpadala sa inyo dito?" malamig ang tingin ni Jun Wu Xie sa hindi imbitadong mga bisita sa silid. Nang magsipasok ang mga lalaki, ang kanilang lakad ay magaan at mabilis. Ngunit ang itim na pusa ay nagawa pa rin marinig sila at nalaman kung gaano sila karami. Bukod sa sampung lalaki sa pumasok sa kaniyang silid, ay mayroon pang sampu na nakatayo sa labas at nagbabantay sa silid ni Hua Yao at ng iba pa ngunit walang planong pumasok.

Malinaw na ang puntirya ng dark robed men na hindi inaasahang bumisita ay walang iba kundi siya!

Gulat na napatingin ang dark robed men kay Jun Xie, ang tangan nilang mga patalim sa kanilang mga kamay ay nagliliwanag sa malamlam na liwanag. Walang ibang naroon kundi ang bata at hinarap sila nito, walang bahid ng sindak o matinding takot, sa halip ang mababakas sa kaniya ay ang kawalang-bahala at kahinahunan.

"May taong gustong kunin ang iyong buhay." mababa ang boses na sabi ng isang dark robed man, mabilis na sumenyas sa kaniyang mga kasama.

Nang sumunod na sandali! Lahat ng dark robed men ay umatake nang sabay-sabay kay Jun Xie!

Mabilis na kumilos si Jun Wu Xie at iniwasan ang mga lalaki, napansin niya na kabilang sa mga lalaking nakaitim, ilan sa kanila ay nasa antas din ng green spirit! At mayroon ding blue!

Ang pagpapataas ng spirit power ay napakahirap at ang mga taong walang kapangyarihan o autoridad ay hindi magagawang magpadala ng grupo na may green at blue spirits para sa isang pagpatay ng ganoon lamang kadali!

Ang Emperor? O ang Fourth Prince?

Habang umiiwas si Jun Wu Xie, mabilis niyang inisip at kinilala ang mga salarin sa insidenteng ito.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga dark robed men na ang batang kaharap nila ngayon ay hindi ordinaryong bata, kaya binuo nila ang grupong katulad noon upang masiguro na ang batang ito na may antas ng green spirit ay mapapaslang!

Ngunit ng mga sandaling kumilos sila, gulat ang bumakas sa mata ng pinuno ng dark robed men. Bagama't alam niyang si Jun Xie ay gumagamit ng green spirit, hindi niya naisip na sa paghaharap nito sa maraming kalaban na may parehong kapangyarihan katulad niya at mas mataas pa ang iba, ang bata ay magagawang iwasan ang kanilang pinagsama-samang atake!

Ang ganoong klase ng liksi ay hindi madaling patumbahin.

Ngunit naniniwala siya, na hindi magtatagal na ganoon si Jun Xie. Nang makita niyang gumagamit ng napakaraming spirit power ang bata upang magpatuloy sa pag-iwas, ang pagkaubos ng kaniyang spirit power ay malaki at hindi magtatagal ay mauubusan ng spirit power. At kapag dumating ang sandaling iyon, ito na ang kamatayan ng bata!

Dalawang patalim ang magkasunod na itinarak sa dibdib ni Jun Wu Xie. Naiwasan niya iyon at tangka na sanang umatras nang madiskubre niya na ang ibang dark robed men ay napalibutan na siya at hindi siya binigyan ng pagkakataon upang makatakas.

"Young Master Jun. Ngayon ay kailangan mo ng iwan ang iyong buhay dito at kahit ikaw ay nasa antas ng green spirit power, hindi rin nito maisasalba ang iyong buhay. Payo ko sa iyo na huwag ka ng magpumiglas upang kahit paano ay mabilis lamang ang iyong pagkamatay." ang pinuno ng dark robed men ay nakitang nahuli na si Jun Xie at malamig itong tumawa.

avataravatar
Next chapter