295 Pagpapalit (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagtungo si Jun Wu Xie ng bahagya. Nakakawalang bahalang makipagtulungan sa matatalinong kakampi.

"Malaki ang tiwala ni Qin Yue kay Ke Cang Ju, at binigyan siya ng kapangyarihan. Hindi maalis ang isip ni Ke Cang Ju sa lason, at kung siya'y magtanong kay Qin Yue para humingi ng tulong sa ibang Peaks, hindi siya tatanggihan nito." Sinabi ni Jun Wu Xie ng mahinhin.

Nagliwanag ang mga mata ni Hua Yao. "Sigurado na ako ngayon na seryoso ka sa pagpatay sa buong angkan ng Qing Yun."

Tinaasan ng kilay ni Jun Wu Xie si Hua Yao. Napatitig lang si Qiao Chu kay Jun Wu Xie at tinuloy ang pagtitig kay Hua Yao. Napapakamot na lamang siya sa ulo dahil... hindi siya makasunod sa usapan!

"Teka teka teka teka!" Biglang nagsalita si Qiao Chu. "Pwede bang magisip kayo ng diretso at ibahagi ang inyong naiisip sa hindi gaanong katalino na utak na ito?" Oo, umaamin siya na hindi siya kasing metikuloso tulad ni Little Xie o ni Brother Hua. Nawala siya sa paguusap ng dalawa, at siyang naiwang naguguluhan at litong lito.

"Umaamin ka na, na nagkulang ka sa katalinuhan?" Pangasar na tanong ni Hua Yao.

"Tingin mo maraming katulad niyo ni Little Xie? Nagsasalita ng mga bugtong at inaasahan niyong lahat ay makakaintindi?" Sagot ni Qiao Chu.

Napabuntong hininga si Hua Yao at pinaliwanag ito ng maigi. "Ang layunin ni Jun Xie ay gumawa ng dibisyon sa angkan ng Qing Yun. Pabor si Qin Yue kay Ke Cang Ju, at dahil dito, hinahayaan siyang kumilos nang buong laya sa loob ng angkan ng Qing Yun. Nakita natin yun nang nakatakas si Ke Cang Ju sa pagkuha ng mga disipulong pinaboran at pinili ni Mu Chen sa harap mismo ng ating mga mata. Kahit mayabang ng husto si Ke Can Ju, hindi siya tanga. Maaaring nakokontrol niya ang Cloud Treading Peak, pero hindi siya nangingielam sa ibang peak. Dahil dito, pinili nalang ng ibang Tanda na hindi makita ang ginagawa ni Ke Cang Ju. Eh paano kung hindi naging magingat si Ke Cang Ju sa pagabuso ng pabor ni Qin Yue sakanya at hayaan siyang pakialaman ang ibang Tanda? Pwede na natin isipin na hindi hahayaang mangyari yun ng ibang Tanda."

Naliwanagan bigla si Qiao Chu. "So, ang ibig sabihin ni Little Xie na alam ng ibang Tanda kung saan kailangan ni Ke Cang Ju ang kanilang mga disipulo, at kung basta basta niyang hihingin ang mga ito, para subukan ang mga lasong ginagawa niya, siguradong ikakagalit ito ng ibang mga Tanda, tama ba?" Sa wakas, naintindihan niya na ang nangyayari.

Tumango si Jun Wu Xie at itinuloy ang plano para kay Qiao Chu "Para pilit kunin ang disipulo mo at sa pagpapakita na hindi sila maprotektahan ng sarili nilang Elder ay isang malaking sampal sa kanilang mga mukha. Kahit gaano sila ka-matiisin at mabait, hindi nila malulunok ang insulto. At pag ipinilit ni Qin Yue na kampihan ang Hidden Cloud Peak, ang ibang mga peak ay makakaramdam na hindi ito makatarungan at maghihiganti. At sa mga panahong iyon, hindi na magiging mapayapa ang angkan ng Qing Yun tulad ng dati."

Itinago ni Jun Wu Xie ang panlalamig sa kanyang mga mata.

Ang pagsimula ng gulo sa pagitan ng mga Tanda at Qin Yue ay patikim pa lang. Ang gusto nyang mangyari ay higit pa sa gulo sa loob lamang ng angkan ng Qing Yun.

"Paano mo nalaman na hahayaan ni Qin Yue gawi ni Ke Cang Ju ang lahat ng gusto niya?" Hindi naman siya tanga, hindi ba? Makikita niya dapat na ang mga kilos ni Ke Cang Ju ay makakapagsimula ng galit sa ibang Tanda." Sinubukang magpaliwanag ni Qiao Chu.

"Gagawin niya." Sagot ni Jun Wu Xie. Maaaring hindi alam ng iba ang gawain sa loob ng Qing Yun clan, pero direktang disipulo ni Qin Yue si Bai Yun Xian at alam niya ang mga bagay bagay tungkol kay Ke Cang Ju na walang ibang nakakaalam.

"Pag hindi niya ginawa, hahatakin niya sa putik ang pangalan ni Qin Yue."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Qiao Chu. Kahit si Hua Yao ay nakatingin kay Jun Wu Xie, naghihintay ng kanyang sagot.

"Kaya naging Soberano ng angkan ng Qing Yun si Qin Yue ay dahil sa lason ni Ke Cang Ju. Kung di siya tinulungan ni Ke Cang Ju na lasunin ang naunang soberano, Si Mu Chen sana ang sasalo ng angkan ng Qing Yun." Sinagot ni Jun Wu Xie nang nanglilisik ang kanyang mga mata.

Ang Soberano ng pinakarinerespetong clan sa lupa, ay pumatay sa kanyang sariling guro at kinuha ang position bilang Soberano. Ang krimen na ito, kahit kay Qin Yue, ay nakawawasak kapag nadali siya.

avataravatar
Next chapter