294 Pagpapalit (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Isang kasuklam-suklam na tao si Ke Cang Ju. Nararapat nga siyang mamatay." Sagot ni Qiao Chu na nagpipigil ng kanyang galit.

Ang tatlong iyon ay pumasok sa silid at naghanap agad ng malinis na damit si Hua Yao. Lahat ng damit niya'y halos itim. Wala siyang nagustuhan.

Sa isang silid ni Ke Cang Ju, maraming librong pang-medisina ang makikita dito. Mukhang gamit na gamit ito, at ang karamihang mukhang gamit ay ang libro tungkol sa mga lason. Dinaanan ng basa ni Jun Wu Xie ang mga libro bago ito itapon sa isang sulok.

"Kaya mo palang baguhin kahit boses mo, kapatid na Hua? Hindi ko alam yun ah. Unang beses ko palang di makaalam ng isang bagay tungkol sayo." Nakaupo sa upuan sa gilid si Qiao Chu nang maalala niya sa pagsasalita ni Hua Yao kanina, kaboses niya si Ke Cang Ju.

Hindi ito sinagot ni Hua Yao at tumingin kay Jun Wu Xie. "Anong susunod na gusto mong gawin?"

Hindi nagkakaiba ang layunin nila, pero magkaiba parin sila.

"Bakit di mo nalang sabihin sakin kung ano ang layunin mo?" Naglakad si Jun Wu Xie sa gilid at dahan dahang umupo, ang kanilang pagtutulungan ay maayos hanggang ngayon.

Nagkatinginan ni Hua Yao at Qiao Chu bago nagsalita si Hua Yao. "May kailangan kaming mahanap na mapa."

Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie.

"Ang unang suspetsa ko ay nakay Ke Cang Ju ang mapa, kaya ko ipinasok ang sarili ko sa Hidden Cloud Peak bilang isang disipulo para mahanap ito, pero sa kahit anong paghahanap ko, hindi ko ito nakita. Kung di ako nakakamali, nakay Qin Yue ang mapa sa ngayon." Tinuloy ni Hua Yao ang kanyang eksplenasyon.

"Papatayin ko sila, at kayo naman ay maghanap ng mapang iyon."

"...." Hindi nakapagsalita si Qiao Chu sa walang pakundangan pagsabi ni Jun Wu Xie ng isang krimeng balak niyang gawin.

Masyadong kalmado si Jun Xie!

"Kailan mo balak gawin iyon?" Tanong ni Hua Yao.

"Hindi pa ngayon. Pinagmamasdan ko pa ang buong angkan ng Qing Yun." Sagot ni Jun Wu Xie. Hindi siya nagmamadali dahil napakalaki nga naman ng angkan ng Qing Yun. Kahit para sakanya, hindi basta basta ang pagpapatumba sa buong angkan ng Qing Yun. Hindi magiging mahirap na patayin si Qin Yue o ang mga Tanda. Ang mahirap ay ang pagpatay sa buong angkan ng Qing Yun kasabay sa pagpatay ng kanilang mga pinuno.

Ang Inner House ng angkan ng Qing Yun ay binubuo ng halos isang libong disipulo, at sila'y nakakalat sa Cloudy Peaks na may labing dalawa pang tuktok na nagbibigay tahanan sa mga disipulong nakatira dito. Kapag ginulo nila ang punong pugad at pinatay si Qin Yue, tiyak na kikilos ang ibang Tanda at hindi basta basta makakaalis si Jun Wu Xie ng buhay.

Isa pa, wala siyang balak na magtira ng kahit na sino na buhay.

Tawagin na siyang masama at walang away, wala siyang pakialam.

Hindi inosente ang angkan ng Qing Yun sa kanyang mga mata.

Determinado si Qin Yu Yan na pawiin ang buong kaharian ng Qi para lang sa Soul Calming Jade, at wala siyang pakialam sa mga inosenteng mga karaniwang tao.

Sa paningin ni Jun Wu Xie, ang lahat ng nanakit sa lolo at tito niya ay magbabayad gamit ang kanilang buhay. At ang kanyang paghihiganti ay hindi lamang sa nagutos, kungdi pati sa kahit na sinong kasangkot.

Gusto niyang mawala ang buong angkan ng Qing Yun sa balat ng lupa nang sabay sabay, at kailangan niya ng panahon para makapaghanda nito.

"May pambihirang relasyon si Ke Cang Ju at Qin Yue. Dahil sa itsura ko ngayon, maaari akong makakuha ng mga importanteng impormasyon." Labis na natutuwa si Hua Yao sa kung paano pumapabor ang sitwasyon sa kanila. Kung hindi dahil kay Jun Wu Xie, hindi siya makakapagkungwaring si Ke Cang Ju ng lubusan. Madali lang ang pagpatay kay Ke Cang Ju para sa kanya, pero hindi niya maipapalit ang sarili niya kay Ke Cang Ju ngunit dahil kay Jun Wu Xie, nakaraos sila sa matinik na problema para sa kanila.

"Kung may kailangan ka sa amin, sabihan mo lang kami. Hangga't sa makakaya namin, gagawin namin." Sabi ni Hua Yao.

avataravatar
Next chapter