169 PAGPALIT NG PAMUMUNO (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Wag kang mag-alala, Lolo. Wala siyang sasabihing kahit ano." Paninigurado ni Jun Wu Xie dito.

"Talaga? Paano?" May pag-aalinlangan sa boses ni Jun Xian.

"Alam ko na at naiplano ko na 'yon, gagawin ko ito pagkatapos ng seremonya." Pananatilihin niyang buhay si Bai Yun Xian, hindi lang si Bai Yun Xian kundi maging ang Second Prince at Emperor na din. Mabubuhay ito sa kaparusahan at hihilingin na lamang nilang sana ay patayin na lang sila.

Sila ang dahilan kung bakit nagdusa ng mahigit isang dekada ang Jun Family, kaya naman pagbabayarin niya ang mga ito.

Wala nang mahihiling pa ang mag-amang Jun, lahat ng tanong nila ay nasagot na bukod sa isang bagay.

Sa nakalipas na ilang araw, marami nang naipadalang regalo si Mo Qian Yuan sa Lin Palace. Talagang napakaraming regalo ang ipinadala nito na halos wala na silang mapaglagyan. Hindi nila ito maitindihan kung bakit.

Madalas na magkasama si Mo Qian Yuan at Jun Wu Xie bago pa man ang lahat, at ngayon, tinulungan niya pa itong palitan sa pwesto ang Emperor. Bukod sa mga nabanggit halos lahat ng gusto ni Jun Wu Xie ay sinusunod nito.

Para sa kanila ay hindi ito normal.

Maayos na lumaki si Mo Qian Yuan bilang binata. Sa buong pag-upo nito bilang Crown Prince, wala itong naging kahit sinumang babae.

Malimit lang siyang makipag-ugnay sa babae maliban na lang kay Jun Wu Xie.

Dahil na rin sa hindi paglabas ni Jun Wu Xie ng ilang araw, wala siyang kaalam-alam sa mga balibalita. Kumakalat ang balitang pagkatapos daw tanggapin ni Mo Qian Yuan ang pagiging Emperor ay papakasalan na nito si Jun Wu Xie, at ito na ang magiging Empress.

Bilang nasa panig nito ang Lin Palace at Rui Lin Army, walang dudang nararapat itong maging Empress.

Kaya lang, kahit saang anggulo tignan ng mag-amang Jun, alam nilang walang ganung intension si Jun Wu Xie.

Hindi pa muling nagkikita si Mo Qian Yuan at Jun Wu Xie matapos ang sapilitang pagbitiw sa tungkulin ng Emperor.

Ano nanaman kaya ang tumatakbo sa isip ng babaeng ito?

Hindi ito sumagi sa isip ni Jun Wu Xie, sadyang kakampi niya lang si Mo Qian Yuan sa pagpapatanggal ng Emperor at tutulong sa pagprotekta sa kaniyang pamilya. Ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya lumalabas sa mga nakalipas na araw ay dahil sa kaniyang itim na pusa.

Noong araw na talunin ni Little Black ang Golden Lion, lagi na itong pagod at puyat kaya naman lagi itong tulog. Kaya nitong matulog ng diretsong labing-anim na oras sa isang araw.

Ipinag-aalala ito ni Jun Wu Xie.

Nang makatakas sa pag-iinteroga ng mag-ama si Jun Wu Xie, bumalik siya sa kaniyang patyo. Tirik ang araw at sa gitna ng batong lamesa may isang itim na pusa ang natutulog.

Ang sinag ng araw ay nagpapakintab sa balahibo nito at makikita moa ng pahagyang pagkaginto ng kulay.

Kinuha naman ni Jun Wu Xie ang pusa sa kaniyang mga bisig. Dahil sa nabilad sa araw ang pusa, mainit ang katawan nito, dinala niya ito sa kaniyang kwarto at sinuklay ang balahibo nito.

"Masama ang pakiramdam ko…" Bahagyang mulat ang matang sabi ng pusa.

"Busog na busog ang pakiramdam ko at mainit." Nagpalit sa mas komportableng posisyon ang pusa, pero hindi ito nagtagumpay na makhanap ang tamang pwesto.

Parang nilalagnat ang kaniyang pakiramdam at hindi na siya makatulog ng maayos dahil dito.

Nag-alala lalo si Jun Wu Xie dahil hindi ang katawan nito ay kaluluwa lang, wala talaga itong pisikal na katawan. Sinuri niya ang katawan nito, maya-maya ay napansin niyang may bahid pa rin ng kulay ginto ang katawan nito kahit na nasa loob na sila ng silid at hindi na nasisinagan ng araw.

Ang kulay na iyon ay nakakatulad sa kulay ng Golden Lion.

avataravatar
Next chapter