1142 Pagliyab ng Giyera (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa giyera naman sa kanluran, ang siyudad ay sinira ng mga kaaway. Nakatayo si Mu Qian Fan sa kampo at nanunuod habang nagpaplano ang mga lider ng Rui Lin Army para sa giyera. Naririnig nila ang patuloy na paglalaban ng mga nasa labas pati na rin ang mga daing.

Sa loob ng malaking tent na iyon, ang mga kalasag ng mga sundalo ay nababalot ng dugo at wala na silang panahon para hugasan iyon. Sa kanilang sitwasyon ngayon, bawat segundo ay mahalaga.

"Ang kakampi ng Condor Country ay masyadong marami! Hindi natin kakayaning pigilan sila!" Ihinampas ng isang lider ang kaniyang kamao sa lamesa. Galit na galit ito sa nangyayari sa kanila ngayon.

Isa pa sa mga lider ay nakakunot ang noo habang nakatitig sa mapa.

"Nailikas na ba ang mga taga-Clear Moon City?" Tanong nito.

"Marami sa kanila ang nailikas na. Susuko na ba tayo?"

"Hindi tayo pwedeng sumuko. Ang daang ito ay diretso patungong Imperial City. Kung aatras tayo, ang kakampi ng Condor Country ay madaling makukuha ang kanilang gusto. Hindi pa gaanong preparado ang Imperial City ngayon, kapag sila ay inatake ng Condor Country, hindi nila kakayaning…" Mas lalo pang nagsalubong ang kilay ng Commander. Nakatitig lang ito sa mapa at umaasang makahanap ng sagot doon.

Sa kasamaang palad, kaunti lang silang mga sundalo ng Rui Lin Army. Mahihirapan silang makipaglaban sa Condor Country.

Kahit na malakas ang Rui Lin Army, sila ay nahati sa apat na grupo. Kahit pa na magsama-sama sila hindi pa rin nila kakayaning makipaglaban sa dami ng kanilang mga kalaban.

Maraming sinayang na panahon ang Emperor bago si Mo Qian Yuan. Kaya naman nang umupo si Mo Qian Yuan bilang Emperor, agad itong nangalap ng mga magsusundalo upang magsanay. Ngunit hindi sapat ang isang taon para maging kasing-giting ng mga ito ang Rui Lin Army.

At hindi na sila pwedeng sumuko ngayon. Kapag aatras sila, manganganib ang Imperial City. At kapag nangyari ngang maitumba na ang Imperial City, tuluyan na ngang babagsak ang Qi Kingdom!

Wala ni isa sa tent na iyon ang gustong sumuko. Nag-iisip sila ng paraan para magkaroon ng oportunidad na makaangat.

"Lumaban tayo! Wala tayong ibang mapagpipilian kundi ang lumaban. Satin ipinagkatiwala ng Duke ang lugar na ito. Nagtalaga na rin siya ng sampung libo pang tao para satin. Ang pangunahing pwersa ng Qi Kingdom ay narito satin, kung mabibigo tayo, paano natin masasagot ang tiwalang ibinigay satin ng Duke at ng Kamahalan?!" Tim-bagang na saad ng Commander.

"Lalaban tayo! Condor Country lang iyon! Gawin natin ang lahat ng ating makakaya! Magkamatayan muna bago sila magtagumpay na masakop ang Qi Kingdom!" Emosyonal na sigaw ng isa sa mga lider. Nag-aalab ang galit sa puso nito.

Hindi maaaring bumagsak ang Qi Kingdom! Hindi babagsak ang Rui Lin Army!

"Kapag tayo ay nagkita-kita sa kabilang buhay tayo ay magkakapatid pa rin, iisa ang puso!"

"Reporting! Umaatake na ang Condor Country sa kanan!" Pagbibigay-alam ng isang sundalong hingal na hingal pa mula sa pagkakatakbo.

Nilagok ng isa sa mga lider ang wine na nasa mesa. Humarap siya sa mga kasamahan nito sa loob ng tent: "Mga kapatid! Mauna na akong kumilos! Kung hindi man papalarin, magkita-kita na lang tayo at magsama-samang muli sa kabilang buhay!

Matapos nitong sabihin iyon ay agad na itong lumabas!

Ang pamamaalam nito ay maaring huli na. Hindi na ito pwedeng umatras!

Nagtatagis ang bagang ni Mo Qian Fan habang kaniya iyong pinapanood. Hindi niya na kaya pang pigilan ang kaniyang sarili. Naglakad siya palapit sa Commande.

"Hinihingi ko ang iyong pahintulot na isabak ako sa giyera!"

Tumingin dito ang sundalo at umiling.

"Bakit!?" Nasisindak na tanong ni Mo Qian Fan.

avataravatar
Next chapter