310 Paglaganap ng Takot (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Halos hindi mapigilan ni Qin Yue ang sariling galit nang malaman ang balita ng patay na si Qin Yu Yan. Hindi na siya makapaghintay na ipatikim ang kaniya matamis na paghihiganti sa Jun Family at sa Imperial Family of Qi. Nabubuo na sa kaniyang imahinasyon ang kaniyang gagawin at ang malupit sasapitin ng mga ito.

Malas niya lang, hindi niya alam na ang Jun Wu Xie na pumatay sa kaniyang pinakamamahal na anak ay naroon mismo sa Qing Yun Clan at nakikinig sa kaniyang plano ng paghihiganti.

Gustong lipulin ni Qin Yue ang buong Jun Family at si Jun Wu Xie naman ay gustong burahin ang Qing Yun Clan.

Ang isa ay nakatago at ang isa naman ay inilantad ang sarili sa kaniyang kaaway. Nagsimula na ang laro dito mismo sa Cloudy Peak.

Ang magiting sa Qing Yun Clan ay hindi hahayaang magkamali si Jun Wu Xie. Kung mabigo siyang patumbahin ang Qing Yun Clan, malalagay sa matinding panganib ang buhay ng Jun Family.

Nang makabalik na sila sa disciples quarter, pumasok ang pusa sa kwarto nito habang tinitignan ni Qiao Chu. Nakipagpalit na ito ng kaluluwa sa kaniyang tunay na katawan.

Nang siya ay makabalik sa kaniyang tunay na katawan, marahang umupo si Jun Wu Xie. Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mga mata nito. Humiga naman ang pusa sa kaniyang kandungan. Pagod ito sa soul exchange na kanilang ginawa dahilan para kailanganin niyang alalayan ang katawan ni Jun Wu Xie na di hamak na mas malaki sa kaniya.

Sumilip naman si Jun Wu Xie sa bintanang nasisinagan ng araw. Katulad ng kaniyang misyon, nagsisimula pa lang itong sumikat.

Nakuha ni Hua Yao ang pahintulot ni Qin Yue at sila ay naghihintay na lang na magsimula ang gulo sa Qing Yun Clan. Sa gitna ng gulo ng iyon, kaunting udyok na lang ang kailangan ni Jun Wu Xie para tuluyang burahin ang Qing Yun Clan..

Nang araw ding iyon, isinama ni Hua Yao si Jun Wu Xie at Qiao Chu para bumisita sa Ash Cloud Peak. Siya ay nagpapanggap pa rin bilang si Ke Cang Ju habang sina Jun Wu Xie naman ay ang kaniyang kunyaring paboritong disipulo.

Ang Ash Cloud Peak ay dating pinamumunuan ni Jiang Chen Qing. Pagkatapos ng malagim na pagkakatay nito, nalipat ang pamumuno sa senior disciple nitong si Gao Xiong. Nang dumating sa kanila ang balita ng pagkamatay ni Qin Yu Yan, ipinnakalat na din sa Ash Cloud Peak ang balitang patay na si Jiang Chen Qing. Nagluluksa pa rin ang lahat ng disipulo sa pangkat na iyon at ang tatlong disipulo ni Jiang Chen Qing ay wasak na wasak pa rin ang kalooban sa isiping hindi man lang nila nabigyan ng maayos na libing ang kanilang Guro.

Nang dumating si Hua Yao at ang kaniyang dalawang "disipulo" sa Ash Cloud Peak, nakikipag-usap si Gao Xiong sa kapwa nito disipulo, ang mga mata nito ay namamaga at namumula pa. Nang makita nito si "Ke Cang Ju", pinunasan nito ang kaniyang mga mata at agad na lumapit sa kanila.

"Elder Ke."

Bahagyang yumukod si Hua Yao kay Gao Xiong at sinabing: "Ayon sa utos ng Sovereign, narito ako para pumili ng ilang disipulo na tutulog sa Hidden Cloud Peak."

Nanigas si Gao Xiong, alam niya kung anong klaseng lugar nag Hidden Cloud Peak.

Iyon ang lugar na pinakainiiwas ng mga disipulong mapuntahan. Hindi lang ang mga ordinaryong disipulo ng Hidden Cloud Peak ang misteryosong nawawala, maging ang piling disipulo mismo ni Ke Cang Ju ay bigla na lang naglalaho. At kahit na hindi man banggitin, alam nilang lahat kung anong nangyayari sa mga disipulong iyon.

Ngayon, si Elder Ke mismo ang nagparito para ito mismo ang "pumili" ng mga disipulo. Ang hindi inaasahan utos na iyon ay naghatid ng takot kay Gao Xiong.

Ang ibig sabihin ni Ke Cang Ju sa tulong ay ang mga disipulong napili ay isusuko ang buhay bandang huli!

"Elder Ke, kakamatay lang ng aming Master, gusto mo..." Namamalat ang boses ni Gao Xiong at pinagpapawisan ito ng malamig. Noong nabubuhay pa si Jiang Chen Qin, hindi niya kailangang matakot kahit kanino maging kay Ke Cang Ju dahil si Jiang Chen Qing ay poprotektahan sila. Sa pagkamatay ni Jiang Chen Qing ay walang sinayang na oras si Ke Cang Ju at agad na nagtungo sa Ash Cloud Peak at hininging bigyan sila neto ng disipulo. Halatang nanghahamak ito sa kanilang pangkat!

Hindi nangahas si Gao Xiong na ipakita ang kaniyang galit at walang magawang tumitig na lang kay Ke Cang Ju.

"Dahil wala na ang iyong Master, ako, bilang Elder ng Qing Yun Clan, tungkulin kong alagaan ang inyong mga pobreng disipulo. Gao Xiong, matuto kang lumugar dahil naririto lang ako para pumili sa iyong mga disipulo. Sisiguruhin kong hindi ka kasama at ang iyong senior disciples para may magpatuloy ng legasiyang iniwan ni Elder Jiang." Nangdodominang deklara ni Hua Yao.

avataravatar
Next chapter