webnovel

Pagkuha ng Atensyon (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ilang sandali pang nagtagal doon ang grupo bago nila napagpasiyahang bumalik sa kanilang mga tinutuluyan para ipagpatuloy ang kanilang paghahanda.

At habang nakikipadiskusyon si Jun Wu Xie kila Qiao Chu, sa kalat-kalat na parte ng Mount Fu Yao ay mayroong mga nagtatalo.

Sa loob ng Cloudy Brook Academy, isang kubang matandang lalaki ang nakaupo sa harap ng kaniyang mesa. Naniningkit ang mga mata nito nang buklatin niya ang isa sa mga librong nakapatong sa kaniyang mesa.

"Panginoon." Bati ng isang lalaki habang marahang naglakad papasok. 

Naniningkit pa rin ang mga mata ng matanda ng mag-angat ito ng tingin: "Ano 'yon?"

"Panginoon, ang taong pinapahanap niyo samin ay nahanap na." Sagot ng lalaki.

Biglang nagliwanag ang mukha ng matanda! "Nahanap niyo na ang batang iyon? Nasaan siya?" Ngayon lang ulit siya nakatanggap ng magandang balita pagkalipas ng ilang araw.

"Sa Innate Gift Competition Venue." Sagot naman ng lalaki. Nang makauwi ang matandang lalaki, agad niyang ibinigay sa lalaking nasa kaniyang harapan ang litrato ng kaniyang ipinapahanap. Ngunit sa kasamaang palad, pagkalipas ng isang buwang paghahalughog sa Mount Fu Yao hindi nila nahanap ang munting batang ipinapahanap ng matandang lalaki.

Ngayong araw lang nila ito nahanap sa wakas. Kaya naman nagmamadali siyang nagtungo dito matapos makita sa Innate Gift Competition ang batang kanilang hinahanap!

"Innate Gift Competition?" Nasusurpresang tanong ng matandang lalaki. "Sa taglay nitong galing sa Medesina, bakit sa Innate Gift Competition siya pupunta sa halip na sa Medical Proficiency Competition?"

Nagpatuloy pa sa pagtanong ang matanda at hindi na hinintay na makasagot ang lalaki: "Kumusta naman siya? Anong ginawa niya sa Innate Gift Competition?" Nakangisi ang matanda nang sabihin niya iyon at masama ang tingin.

Hindi iyon dahil sa galit sa siya sa bata, kundi dahil nakita mismo ng kaniyang mga mata ang galing ni Jun Wu Xie sa paggagamot. Dahil doon, alam niyang hindi ito galing sa Bone Shifters Tribe o di kaya'y sa pambihirang tribu na tulad ng Witch Doctors at iba pa. Ang Innate Gift Competition ay para sa mga taong nagmula sa mga tribu o lahing may taglay na pambihirang katangian, kaya ano namang gagawin nito doon?

Tumatawa pa ang matandang lalaki habang nagsasalita: "Akala ko ay matalino ang batang iyon. Bakit siya nagpadalos-dalos? Sa galing niya sa medisina, kung doon siya nagtungo sa Medical Proficiency ay paniguradong siya na ang mananalo doon! Hay...noong siya ay matanggal sa kompetisyon siguradong namula ang kaniyang ilong dahil sa pag-iyak."

Patuloy sa pagsasalita ang matandang lalaki at hindi niya na napansin na nagbago na ang ekspresyon sa mukha ng kaniyang kausap.

"Panginoon...hindi siya natanggal."

"Oh?" Bigla siyang lumingon sa lalaki. "Hindi siya natanggal? Ganun siya kaswerte?"

"Hindi lang ito nakapasok sa susunod na round, nagawa pa nitong makuha ang interes ng Nine Temples at Twelve Palaces sa unang round pa lang." Patuloy pa ng lalaki.

"Ano!?" Agad na naglaho ang ngiti sa mukha ng matandang lalaki. Kaya siya masaya kanina dahil natanggal agad si Jun Wu Xie sa kompetisyon at hindi na siya mahihirapan na makuha ito. Kaya naman hindi niya inaasahan ang kaniyang narinig!

Hindi lang daw ito nakapasok sa susunod na round, kundi nakuha pa nito ang atensyon ng Twelve Palaces at Nine Temples?!

"Paano nangyari 'yon?! Ipaliwanag mo saking maigi. Hindi ba sinabi na hindi sasali ang Nine Temples sa pagkuha ng bagong miyembro? Bakit ganun na lang ang atensyong ibinibigay nila sa batang iyon?" Tuluyan nang nawala ang ngiti sa mukha ng matanda at napalitan ng malalim na kunot sa noo nito.

Agad namang sinagot ng lalaki ang mga katanungan ng matanda simula sa ipinakita ni Jun Wu Xie sa Innate Gift Competition.

"Nang umalis ang Young Master sa competition venue, agad siyang sinundan ng mga taga-Twelve Palaces at Nine Temples. Pero nagawang mauna ni Su Jing Yan na mula sa Heavenly Wolf Temple."

Next chapter