1193 Pagkatapos ng Digmaan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang digmaan, ang paggawa muli ay nangailangan ng malaking halaga at maraming

manggagawa upang suportahan ang pagsisikap ngunit ang kayamanan ng Qi Kingdom ay

naubos sa panahon ng digmaan. Ang inaasahan sa bansa na makapaglabas ng halaga ng pera

sa saglit na panahon lamang na sasapat upang maibalik ang kanilang lupain na puno ng

pagkawasak matapos ang digmaan ay mayroong kahirapan.

Inilabas ni Jun Wu xie lahat ng pera na mayroon siya habang si Lei Chen at Lei Xi ay nag-abot

ng donasyon sa kaya nilang ibigay.

Sa madaling panahon, ang Thousand Beast City at Zephyr Academy ay nagpadala rin ng

malaking halaga ng pera at kayaman. Ang malaking tulong mula sa dalawang pangunahing

kapangyarihan ay nagpagulat sa malaking bahagi ng populasyon.

Ang mga tao sa buong kalupaan ay walang kaalam-alam na ang Thousand Beast City at Zephyr

Academy ay may kaugnayan sa Qi Kingdom.

Lingid sa kaalaman ng lahat, lahat ng iyon ay ang naging epekto na mula sa ugnayan na

itinatag ni Jun Wu Xie sa nakalipas na taon. Ang tulong na wala sa isip niyang ibinigay, ang mga

taong tinulungan niya ng hindi namamalayan, ay lubos ang pasasalamat, at ngayon ay ibinalik

nila ang pasasalamat na iyon sa mga materyal na bagay, at ipinadala lahat sa Qi kingdom.

Sa wakas, ang Qi Kingdom ay nakalaya sa kanilang suliranin, at nagdiwang ang buong bansa.

Subalit, may isang bagay pa rin na bumabagabag sa puso ni Jun Wu Xie, kaya tinipon niya si

Qiao Chu at ang iba pa.

"Sabi mo ay mayroon ding mapa sa Condor Country?" Kakakuha pa lamang ni Qiao Chu ng

balita mula kay Jun Wu Xie at nagmadali na ito kasama angiba pa na magtungo sa labas ng Lin

Palace. Sila ay tumutulong sa ilang bahagi ng Imperial City sa nakalipas na mga araw at hindi

sila tinatamad maski ilang sandali.

Tumango si Jun Wu Xie, at sinabi niya sa kanila ang lahat nang sinabi ni Lin Xiao bago ito

mamatay.

Pormal ang mukha ni Hua Yao habang sinasabi: "Kung makukuha natin ang mapa sa Condor

Country, ay mayroon na tayong anim na piraso ng mapa na gawa sa balat ng tao, at dalawang

piraso na lamang ang kulang upang matipon natin ang lahat at kumpletong walong mapa."

Matapos nilang mapagtagumpayan na makuha ang mapa sa Condor Country, patungo sa

paghayag sa lihim ng puntod ng Dark Emperor, ay dalawang mapa na lamang ang kulang.

Naisip nila na ang proseso sa pagtipon ng mga mapa ay matatagalan at walang katapusan

ngunit hindi nila naisip na matapos lamang ang halos isang taon, ay sobra pa sa kalahati ang

kanilang matitipon. Nakikinita na nila, ang libingan ng Dark Emperor na nakatago sa ilalim ng

Heaven's End Cliff, at dahan-dahang mahahayag ang tunay na mukha sa ilalim ng nakakabulag

na puting usok.

Sa sandaling iyon, ang mga kabataan ay nakaramdama ng matinding galak sa kanilang puso.

Binubuksan ang puntod ng Dark Emperor at kinukuha ang magical treasures ng Middle Realm,

kung saan ay magkakaroon sila ng kapangyarihan upang labanan ang Twelve Palaces, at sa

wakas ay maipaghiganti ang kinikimkim na galit sa pagpaslang sa kanilang mga magulang!

Pinakilos ng Condor Country ang kalahati ng kanilang hukbo sa nagdaang kampanya at wala

silang sapat na mga kawal sa kanilang bansa ngayon. Dadalhin na lang ba natin ang ating mga

tauhan at lusubin sila?" Si Qiao Chu ay nahipnotismo ng malakihang digmaan matapos niyon,

ang battlefield ay pagmamay-ari lamang ng matatapang, kung saan ang napukaw na galit sa

puso ay mailalabas at maibubulalas sa mainit na dugo.

Subalit si Fan Zhuo, ay umiling. "Hindi puwede. Kung lulusob tayo kasama ang hukbo, hindi

lamang maaantala ang oras, may posibilidad rin na maitulak natin sila sa isang sulok, at sa

alam natin na pakikipagsabwatan sa Twelve Palaces, hindi tayo nakaksiguro kung

nakapagtatag na sila ng matibay na uri ng ugnayan sa All Dragons Palace. Kung aatake tayo

kasama ang hukbo, sa sandaling tumapak tayo sa kanilang hangganan, ay agad silang

maaalerto. Kung hindi sapat ang lakas ng kanilang militar upang kanilang asahan,

paniguradong hihingi sila ng tulong sa All Dragons Palace, na mas lalong magpapahamak sa

atin.

Bagama't ang lakas ng isang hukbo ay malaki, ngunit ang aasintahin ay lalago rin ng hindi

sinasadya, hindi tulad ng kung sila lamang ang kikilos sa kanilang mga sarili, ay magagawa

nilang iwasan ang ilan sa mata at tainga ng Condor Country, upang magawang diretsong

makapasok sa Imperila City ng Condor Country, direkta sa kanilang aasinathin.

Ang pagtipon nila sa mga mapa ng palihim ay hindi dapat maibunyag sapagkat sa oras na

maalerto ang Twelve Palaces doon, ang grupo ay agad mahuhulog nang walang pagutol upang

ipagtanggol ang kanilang sarili.

"Kung gayon tayo-tayo na lamang, na hindi unang beses nating gagawin." saad ni Qiao Chu na

humahalakhak, ang parehong kamay ay naka-krus sa likod ng kaniyang ulo.

avataravatar
Next chapter