881 Pagkasindak (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang iba pang apat na nasa ranggo ng top ten dapat ay maglaban-laban para makakuha ng mataas na ranggo sa top ten ngunit sila ay nagdeklara ng kanilang pagsuko. Hindi nila ginawa iyon dahil sa sila ay takot ngunit sa kadahilanan na malayo ang antas ng kapangyarihan ng kanilang mga kalaban at kahit umakyat sila sa entablado, sa harap ng anim na halimaw nang Zephyr Academy, hindi pa rin nila matatapatan ang mga ito. Kaya naman imbis na mapahiya sila, pinili na lamang nila na tanggapin ang pinakamababang posisyon sa top ten at ipatalo ang kanilang laban.

Ang labanana ng top ten na dapat ay kukuha sa atensyon ng lahat ay naging pagpapsiklab na lamang ng Zephyr Academy kaya iyon ay naging nakakabagot at walang buhay. Matapos magpatalo ng apat na kalahok, tanging ang mga kalahok sa Zephyr Academy na lamang ang natira. Si Jun Wu Xie at ang mga kasama ay hindi na naglaban-laban at nagtungo na lamang doon upang magpakita sa entablado at itaas ang kanilang mga kamay upang ipahayag ang kanilang pagkapanalo, at itinulak si Fan Zhuo sa ranggo na pinakamataas at nangungunang posisyon sa Spirit Battle Tournament.

Para kay Fan Zhou…

Hindi niya maramdaman ang tuwa sa pagkakalagay sa kaniya sa pedestal dahil sa ganoong paraan!

Ngunit sa kaniyang puso ay alam niya, kaya ginawa ni Jun Wu Xie at ng kanilang mga kasama iyon ay dahil lamang sa isang dahilan. At ito ay dahil sa kaniyang apelyido. Fan!

At ang makakuha ang isang miyembro ng Fan Family ng pinakamataas na possiyon sa Spirit Battle Tournament, para kay Fan Jin at sa Zephyr Academy, ang bagay na iyon ang makapagpapataas ng tiwala ng tao para sa kanila.

Nang matapos ang Spirit Batttle Tournament, si Fan Jin ay nakitang lasing na lasing sa katanghalian, ang kaniyang mukha ay nakangisi habang bitbit siya ni Fan Zhuo patungo sa silid nito upang makapagpahinga.

Ayon sa taunang itineraryo ng Spirit Battle Tournament, matapos ang labanan para sa ranggo ng top ten, ang Emperor ng Yan Country ay iimbitahin ang mga nanalo ng top ten upang samahan siya sa isang piging at sa taon na iyon ay hindi eksepsyon.

Sa pangalawang araw ng pagtatapos ng Spirit Battle Tournament, si Jun Wu Xie at ang mga kasama nito ay nakatanggap ng Imperial Edict, iniimbitahan sila sa Imperial Palace upang makibahagi sa piging ng bansa. Nagpdala rin sa kanila si Lei Chen ng mga pagbating regalo at mensahe na sasamahan niya ang mga ito sa isang pagsasaya mamayang gabi sa piging.

"Pupusta ako na habang sinusulat ang Imperial Edict na ito ang Emperor ay sumusuka ng dugo." bulalas ni Qiao Chu, maingat na inikot muli ang pergamino, habang walang tigil ang paghalakhak.

Mayroong nakalap na impormasyon si Ye Sha sa loob ng Palace, na tinagka ng Emperor na gumawa muli ng gulo sa labanan ng mga kalahok ng top ten. Ngunit sana ay inasahan na si Jun Wu Xie at ang mga kasama nito ay tatapusin ang buong kumpetisyon na kinasisibikan ng lahat sa loob lamang ng kalahating araw. Ang mga tauhan ng Emperor ay masayang hinahaplos pa lamanng ang kanilang mga kamay sa pag-aayos ng kanilang mga plano upang maisakatuparan ng malaman nila na tapos na ang paligsahan.

At dahil doon ang kinikimkim na matinding galit ng Empero sa kaniyang dibdib ay hindi nailabas.

"Marahil ay naging mahirap iyon sa kaniya. Hindi niya tayo nais makita ngunit siya ay napilitan na ibigay sa imbitasyon para satin." nakangiting saad ni Fei Yan. Ang mga balak ng Emperor na pinag-isipan at pinagplanuhan ay lumagpak bago pa nila isagawa, at wala na silang nagawa pa nang maganap ang pangwakas na labanan sa pagitan ng top ten. Ang grupo ay nakitang malapit kay Lei Chen at ayon sa batas, sila ay magbabalik sa kanilang paaralan matapos ang Spirit Battle Tournament kung saan ang Emperor ay hindi na magkakaroon pa ng pagkakataon na subukan silang pakialaman at puwersahang makita ang alyansa sa pagitan nila at ni Lei Chen na mas lalong tumibay. Nakakainis na pakiramdam.

"Ngayong gabi, aking iminumungkahi na tayo ay magtagay kasama si Lei Chen sa harapan ng Emperor!" saad ni Qiao Chu na may masamang kislap sa mata.

"Syempre ang pagtagay ay nararapat! Mas perpekto kung magawa ang tagay pangkasal na naka-krus ang mga braso! Tingin ko ay ikaw ang angkop na gumawa ng bagay na iyon." sabi ni Fei Yan kay Qiao Chu, ang mata ay walang muwang na kumikislap kay Qiao Chu.

Napamura si Qiao Chu at inabot ang plorera na nasa kaniyang gilid at ibinato iyon na madaling nasalo ni Fei Yan nang itaas ang kamay.

"Wala akong pakialam kung anuman ang maramdaman ng Emperor tungkol sa bagay na iyon. Ang nais kong malaman ay kung ano ang balak gawin ni Little Xie simula ngayon. Wala nang pagkakataon na makapasok tayo sa Imperial Palace at kung hindi pa tayo kikilos ngayong gabi, ay kailangan nating maghanap ng dahilan upang tayo ay makapanatili dito sa siyudad at maghanap ng paraan sa pamamagitan ni Lei Chen upang makapasok sa Palace at hanapin ang mapa." saad ni Fan Zhuo, ang kaniyang baba ay nasa palad habang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Sumagot si Jun Wu Xie: "Susubukan nating nagyong gabi."

avataravatar
Next chapter