880 Pagkasindak (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"sagipin siya? Bakit?" tanong ni Jun Wu Xie, nakataas ang kaniyang mga kilay.

"Hindi ba't ang mga tauhan mula sa Thousand Beast City ay tatanungin ang mga manggagamot na iyon upang makakuha ng mga impormasyon?" tanong ni Ye Sha na medyo naguguluhan.

Ngunit tamad na iwinasiwas lamang ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga kamay at sinabi: "Kung nais nang Emperor na pasalangin ito, bakit ko ito pipigilan. Hayaan mo na lang siya."

Mas lalong naguluhan si Ye Sha.

Matiyagang sabi ni Jun Wu Xie: "Kahit malaman ng mga tauhan mula sa Thousand Beast City ang katotohanan, ang pagkamuhi sa kanilang puso ay mananatili pa rin. Ang kanilang Chieftain ay isang matalinong tao na hindi nanaisin bumagsak ang isa sa pinakamalaki at pinakamalakas na bansa. Higit pa roon, si Qu Ling Yue ay hindi naman talaga nasaktan sa insidenteng ito at hindi nila ito palalakihin pa. Kahit kanilang paslangin si Imperial Physician Li ay wala rin namang magbabago dahil sa ang paraan ng Emperor ng Yan Country na ayusin ang mga bagay ay ang ibaon ang kaniyang ulo sa lupa at ang paslangin si Imperial Physician Li, magiging kasing buti iyon ng pagsasabi ni Imperial Physician Li ng katotohanan sa kanila. Kahit hindi makuha ni Xiong Ba iyon, sa kaniyang pagbabalik at pagbibigay ng balita sa kanilang Chieftain, siguradong mapagtatanto din naman ng Chieftain kung sino ang nasa likod ng lahat."

Nang maipaliwanag sa kaniya ni Jun Wu Xie ang lahat, bigla ay naintindihan na ni Ye Sha ang layunin ni Jun Wu Xie.

"Ang Emperor ng Yan Country ay nais makuha ang loob ng Thousand Beast City at mas lalo kong hahadalangan ang kaniyang mga hiling. At dahil namumuhi siya kay Lei Chen, aking ibibigay ang pasasalamat ng Thousand Beast City kay Lei Chen." nakangising sabi ni Jun Wu Xie. Ang sinuman na may hindi magandang hangarin sa kaniya dapat ay laging tinitimbang ang kanilang sarili kung mayroon silang kakayahan.

"Ang plano ng aming Young Miss ay tunay ngang maganda!" muli ay napabilib na naman ni Jun Wu Xie si Ye Sha sa matalas nitong pag-iisip. Kahit sa ibang bansa na ang lahat ay hindi pamilyar, ay nagawa pa rin niyang gamitin ang mga bagay para sa kaniyang kabutihan at baliktarin ang lahat!

"Makakaalis ka na." napapagod na si Jun Wu Xie at kailangan na niyang magpahinga.

Madali ng umalis ng silid si Ye Sha.

Kinabukasan, sa loob ng tinutuluyan ng War Banner Academy, isang pagpatay ang nadiskubre. Ang biktima ay si Imperial Physician Li na nanilbihan sa ilalim ng Emperor. Ang mahistrado ng Yan Country's Imperial Capital ay nagpadala ng mga pulis upang imbestigahan ang pangyayari. Ayon sa balita, ang pagkamatay ni Imperial Physician Li ay karumal-dumal at ito ay malupit itong pinatay. Ang kabuuan ng pinangyarihan ng krimen ay puno ng dugo.

Hindi ikinatuwa ni Xiong Ba ang biglang pagkmatay ni Imperial Physician Li ngunit wala rin naman siyang magagawa. Matapos mangyari iyon, mabilis nang tinanong ni Xiong Ba ang mga manggagamot nang walang interes at pinakawalan na ang mga ito kahit na wala siyang nakuhang kahit na anong konklusyon sa mga testimonya ng mga ito.

Isang araw na lang at ang labanan para sa posisyon ng sampung nangunguna sa Spirit Battle Tournament ay magsisimula na. Dahil sa pangyayari sa pagitan ni Jun Xie at Que Ling Yue sa district final match, silang dalawa ay nawalan ng karapatan na makakuha ng posisyon sa ranggo ng nangungunang sampu. Ngunit matapos bumalik ng kamalayan ni Qu Ling Yue, ang krimen laban kay Jun Xie ay nalinis na at ang magkatunggali ay maglalaban sanang muli ngunit nagdeklara si Qu Ling Yue ng pagpapatalo.

Tungkol sa pagpapatalo ni Qu Ling Yue, wala nang masasabi pa tungkol doon ang mga kabataan na nakasaksi ng labanan ni Jun Xie at Qu Ling Yue ng araw na iyon, malinaw sa kanila na kahit magkaroon ng muling labanan ang dalawa, walang duda na ang magwawagi ay si Jun Xie.

Nagbalik at naging maayos muli ang reputasyon ni Jun Xie nang maalis ang nakakabit sa kaniyang bansag na lumumpo sa kaniyang kalaban. Lahat ng namuhi sa kaniya dahil sa walang awa na pagtama niya kay Qu Ling Yue, matapos malaman ang katotohanan sa likod noon ay nakaramdam ng awa kay Jun Xie, nagdalamhati sa katotohanan na itinapon siya sa likod ng piitan ng ilang araw dahil lamang sa wala, at nawalan ng pagkakataon na magkaroon ng posisyon sa top ten ranks ng Spirit Battle Tournament!

Ang parteng iyon ng Spirit Battle Tournament na umakit sa pansin ng lahat ay nagsimula at ang top ten ng taong iyon ay hindi naging labanan para sa premyo sa magkakatunggali tulad noon, sa halip ay naging solong pagtatanghal iyon ng Zephyr Academy.

Ang Zephyr Academy ay mayroong anim na kalahok sa paligsahan at kabilang sa ranggo ng top ten ay ang anim na kalahok mula sa Zephyr Academy. Masasabi na ang paligsahan sa taong iyon ay sunos-sunod na panalo para sa Zephyr Academy! Ang palagay ng publiko ay iisa lamang, tuluyang itinulak palabas ang dati ay parehong tanyag na War BAnner Academy at Dragon Slayers Academy mula sa paligsahan.

At naging itim na kabayo na lamang na pinag-usapan ng lahat noon.

avataravatar
Next chapter