879 Pagkasindak (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa halip, si Imperial Physician Li amg inatasan ng Emperor na manatiling malapit kay Qu Ling Yue, na ngayon ay nasa kahiya-hiyang posisyon.

Sa oras na umpisahan ng Thousand Beast City ang pagtatanong, ay siguradong hindi kayang pangatawanan ni Imperial Physician Li ang lahat!

Hindi magtatagal at lalabas ang katotohanan na ang Emperor ang lihim na nag-utos sa kaniyang gawin iyon.

"Hindi mo kailangan matakot. Lulutasin ko ang bagay na ito." sabi ng Emperor, tinapik niya ang balikat ni Lei Fan na wari nakakatitiyak siya at sinasabing huwag itong mag-alala. Nagbigay ang Emperor ng kaunting tagubilin kung ano ang dapat nito gawin pagkatapos ay pinaalis na niya ito upang ito'y makapag pahinga.

Hinintay niya hanggang sa makaalis si Lei Fan ngunit ang Emperor ay hindi nagbalik sa kaniyang upuan.

Nang bigla, isang lalaki na nakasuot ng itim na balabal ang nagpakita sa loob ng Imperial Study.

"Ano ang tunay na nangyayari sa sinasabi niyang Jun Wu Xie? Wala bang silbi ang iyong mga tauhan? Isang tanyag na tao mula sa Qi Kingdom ang nakarating dito sa Imperial City ng Yan Country at wala kayong kaalam-alam! ?" sabi ng Emperor, nanlilisik ang matang tumingin siya sa nakabalabal na lalaki.

Nanigas ang katawan ng lalaking nakaitim na balabal at tahimik na napalunok: "Ang inyong tauhan ay hindi natiktikan ang insidente nitong mga nakaraang araw, ang inyong tauhan ay hindi nakatanggap ng balita na isang tao mula sa Qi Kingdom ang darating dito sa Imperial Capital. Aking naisip na maaaring ang Young Miss na mula sa Lin Palace ng Qi Kingdom ay sinadyang itago ang kaniyang pagkakakilanlan ng magtungo dito kaya walang nakaalam sa kaniyang pagdating."

"Mga walang silbi! Mula sa walang kwenta kayo ay nagiging walang silbi sa mga gawain na inaatas ko sa inyo nitong mga nakaraang araw! Hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon si Zhao Xun at hinayaan ninyo ang isang tao mula sa Lin Palace na makalabas pasok dito sa Yan Country's Imperial Capital!" kitang-kita ang panginginig dahil sag alit ng Emperor.

Bagaman ang Qi Kingdom ay isang maliit na bansa lamang, ngunit sila ang mayroong pinakamabangis na hukbo, ang Rui Lin Army, sa ilalim nang kapangyarihan ng Lin Palace. At ngayon, ang Young Miss ng Lin Palace ay nasa panig ni Lei Chen, at iyon ay talagang nagpayamot sa Emperor.

"Hindi ba dapat ay umaalis ka na at inaalam mo para sa akin kung anong uri ng relasyon meron ang Crown Prince at si Jun Wu Xie! ? Alamin mo kung mayroon ba silang pribadong 

avataravatar
Next chapter