878 Pagkasindak (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umiling si Jun Wu Xie at hindi na gaanong nagsalita at hinayaan na niyan na ihatid siya ni Lei Chen sa Immortal's Loft kung saan sila ay naghiwalay.

Hindi kailanaman naisip ni Lei Chen na matapos ang mga oras na iyon, nang makita niya ang tunay na mukha ni Jun Wu Xie, ay tuluyang magbabago ang Yan Country.

Nagising si Qu Ling Yue nang gabing iyon tulad ng inaasahan at ng lubusang magbalik ang kaniyang kamalayan, ay saka niya nalaman ang lahat ng nangyari habang siya ay walang malay at iyon ay talagang ikinagulat niya. Wala siyang natatandaan na nagtamo siya ng kahit anong pagtira mula kay Jun Xie nang siya ay may ulirat pa! Ang tanging naaalala niya bago siya mawalan nang malay ay nakaramdam siya ng kirot sa likod ng kaniyang leeg at ang sumunod na nangyari ay nawalan na nga siya ng malay.

Nang malaman niyang si Jun Xie ay nakakulong pa rin, ay iwinaksi ni Qu Ling Yue lahat ng mga alalahanin mula sa kaniyang katawan na kakagaling lamang at nagpumilit itong magtungo sa kulungan sa gabi din na iyon upang mailabas si Jun Xie doon. Lubos at paulit-ulit ang paghingi niya ng tawad ngunit si Jun Xie ay ni hindi lamang sumagot at madali na itong nagbalik sa Immortal's Loft.

At ang balita tungkol doon ay mabilis na kumalat sa Imperial Palace.

Nakaupo sa loob ng Imperial Study, masusing binabasa ng Emperor ang mga salaysay at kahilingan na nasa kaniyang lamesa nang bigla niyang makita ang anyo ni Lei Fan na nagmamadali at natataranta. Mabilis niyang ibinaba ang kaniyang panulat at sa isang maamong ngiti siya ay nagtanong: "Aking anak, malalim na ang gabi. Ano ang dahilan at nagpunta ka dito?"

"Ama!" walang iba pang nasabi, bigla na lamang napaluhod si Lei Fan sa harap ng Emperor.

"Anong nangyayari dito? Tumayo ka at sabihin sa akin." mabilis na tumayo ang Emperor upang tulungan si Lei Fan na makatayo.

Ang kaakit-akit na mukha ni Lei Fan ay namaluktot dahil sa labis na pagkataranta. "Gising na si Qu Ling Yue!"

"Ano?" ang kamay ng Emperor na nakalahad ay nanigas at ang maamong ngiti ay nanigas sa kaniyang mukha.

"Ang balita ay katatanggap lamang! May mga tao mula sa Thousand Beast City ang dumating sa Imperial Capital kanina at dumiretso sila kung saan namamalagi ang War Banner Academy. Walang nakakaalam ng dahilan ngunit ang Eldest Royal Brother ay biglang dinala si Jun Wu Xie mula sa Lin Palace ng Qi Kingdom at tuluyang nalunasan ni Jun Wu Xie si Qu Ling Yue sa harapan ng mga sugo ng Thousand Beast City! Sinabi rin niya sa mga taong mula sa Thousand Beast City ang katotohanan sa likod ng mga pinsala ni Qu Ling Yue kaya ito nawalan ng malay! Ang mga tao mula sa Thousand Beast City ay isinailalim si Imperial Physician Li at ang iba pang manggagamot sa isang aresto sa loob ng panuluyan at personal silang tatanungin!" pagkukuwento ni Lei Fan, bakas sa mukha nito ang kagustuhang umiyak. Nang marinig niya ang balita, tila nakaramdam siya ng isang pagtama ng kidlat.

"Paanong naging ganito ang pangyayari? Qi Kingdom? Lin Palace? Paanong nakilala ni Lei Chen ang mga tao mula sa Lin Palace?" magulo ang isip ng Emperor. Ang buong akala niya, nang makarating ang mga tao mula sa Thousand Beast City, lahat ay mangyayari batay sa kaniyang plano at ang Thousand Beast City ay hindi pakakawalan ang noo'y nakakulong na si Jun Xie. At habang si Jun Xie ay sasailalim sa pag-uusig ng Thousand Beast City, ay siguradong papayag na si Jun Xie sa hiling ni Lei Fan. At kapag dumating ang oras na iyon, magpapakalat siya ng mga tao na magbabalita na si Jun Xie ay may lihim na relsyon sa Crown Prince at bubuhos ang maruming tubig sa ulo ng Crown Prince at iyon ang magiging dahilan kung bakit hindi masisiyahan ang Thousand Beast City sa Crown Prince.

At habang ang damdamin ng mga tao mula sa Thousand Beast City ay madaling gatungan sa mga oras na iyon, kaniyang sasabihan si Imperial Physician Li na "gamutin" si Qu Ling Yue at ang Yan Country ay hindi na magkakaroon ng pakikipagtalo sa Thousand Beast City.

Bawat hakbang sa kaniyang plano ay pinag-isipang maigi at kung ang mga bagay na iyon ay mangyayari ayon sa kaniyang plano, ang Crown Prince at si Jun Xie ang magdudusa. Ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari, iyon ay sinira lahat ng kaniyang plano!

"Hindi rin alam ito ng iyong anak! Ang tanging alam ko ay nagtungo si Qu Ling Yue kanina sa piitan at pinakawalan si Jun Xie! Ama! Ano na ang gagawin natin ngayon?" bagaman hindi lubusang alam ni Lei Fan ang lahat ng kilos ng kaniyang ama, ay mayroon pa rin siyang nalalaman kahit paano. Ngayon, lahat ng planong iyon ay nawasak na at ang inaasahan nilang hindi matutuwa ang Thousand Beast City kay Jun Xie at Lei Chen ay wala na rin, ngunit sa halip ay nakaramdam pa ng utang na loob kay Lei Chen dahil sa ang Young Miss ng Lin Palace na inimbitahan nito ay nalunasan si Qu Ling Yue.

avataravatar
Next chapter