1134 Pagkakaroon ng Asawa (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang nangyayari ang lahat ng ito, ang mga taong lihim na hinihiling na huwag ituloy ni Jun Wu Xie ang pagpapakasal kay Qu Ling Yue ay napatikom na lang ang bibig.

Wala silang ibang mgawa kundi ang magtagis ang mga bagang at panuorin ang babaeng kanilang kinahihiya na nasa gitna ng isang magarbong seremonya.

Sa Heavenly Cloud Chambers, si Qu Ling Yue ay nakasuot ng pulang damit pangkasal. Naririnig sa loob ang tunog ng gong at cymbals mula sa labas. Madiin na magkadaop ang kaniyang palad habang kinakabahan.

Sa nanginginig na kamay, nagawa niyang buksan sa wakas ang bintana!

Sa oras na nabuksan niya ang bintana, agad niyang naamoy ang halimuyak ng bulaklak gawa ng libo-libong bulaklak na nakakalat sa labas!

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita. Napakagandang dekorasyon ang sumalubong sa kaniyang paningin.

"Nagustuhan mo ba?" Tumayo ang kaniyang mga balahibo ng marinig ang boses na iyon mula sa kaniyang likuran.

Humarap si Qu Ling Yue at nakita niya si Jun Xie na nakatayo sa labas ng pinto. Magkakrus ang mga kamay nito sa dibdib.

Ilang araw na iniwasan niya si Jun Xie ngunit kahit kaunti ay hindi nawaglit sa kaniyang isipan ang mukha nito. Nang makita niya si Jun Wu Xie sa sandaling iyon agad siyang nakaramdam ng hiya.

Kahit na alam niyang pareho lang naman silang babae, hindi maintindihan ni Qu Ling Yue ang kaniyang sarili kung bakit ang bilis pa rin ng tibok ng kaniyang puso. Ngayong nakatitig siya sa mukha nito, ganoon pa rin ang epekto sa kaniya tuwing nakikita niya ang "taong" ito. Kaya naman agad na pinamulahan siya ng mukha.

"Hindi...hindi mo kailangang gawin ito...Alam kong...ginagawa mo lang ito para sakin…" Utal-utal na saad ni Qu Ling Yue habang nakayuko. Alam niya at naiintindihan niya kung bakit ito ginagawa ni Jun Wu Xie. Alam na rin niyang babae si Jun Wu Xie ngunit sa kaniyang puso ay hindi pa rin niya maalis sa sarili ang umasa.

Ayaw niya pang magising...ayaw pa niya. Gusto niya pang manatili sa kaniyang panaginip.

"Napakaganda mo." Seryosong saad ni Jun Wu Xie habang nakatitig kay Qu Ling Yue.

Muling nanlaki ang mga mata ni Qu Ling Yue sa komentong iyon ni Jun Wu Xie.

Tumikhim si Jun Wu Xie bago nagsalita: "Si Hua Yao ang pupunta ngayon sa seremonya dahil wala akong alam sa mga bagay na ganito. Pero pangako, ako pa rin naman ang papakasalan mo."

Tumango na lang si Qu Ling Yue bilang sagot.

"Kung handa ka na, pwede ka nang bumaba." Saad ni Jun Wu Xie.

"Sige". Nakayuko pa rin si Qu Ling Yue, hindi ito nangahas na tignan pang muli si Jun Wu Xie.

Dahil wala na rin namang sasabihin si Jun Wu Xie, tumalikod na siya at lumabas na ng silid. Ngunit ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang mawala siya sa paningin ni Qu Ling Yue, nakaramdam siya ng pamilyar na yakap mula sa kaniyang likuran

"Hindi ko alam na magaling manghikayat si Little Xie ng mga tao." Bulong ni Jun Wu Yao saka ngumiti.

avataravatar
Next chapter