1133 Pagkakaroon ng Asawa (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

'Di nagtagal ay isang balita ang pumutok sa buong Thousand Beast City. Si Jun Wu Xie na nagligtas sa Thousand Beast City ay ikakasal sa Young Miss ng Thousand Beast City na si Qu Ling Yue!

Agad na kumalat sa buong siyudad ang balitang iyon!

Kung mangyayari sana ang kasal bago ng insidenteng iyon, ang lahat ay yuyuko at matutuwa. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pinagdaanan ni Qu Ling Yue. Kahit nga ang pagiging Grand Chieftain ay hindi ipinagkakatiwala ng mga tao kay Qu Ling Yue. Kaya paano silang matutuwa na ang kanilang tagapag-ligtas ay papakasalan ang isang babaeng mayroong nakaraan?

'Di nagtagal ay mayroong nagsipunta kay Jun Wu Xie sa Heavenly Cloud Chambers para sabihin kay Jun Wu Xie na pag-isipan niya ito ng mabuti.

Ngunit hindi naman naapektuhan kahit kaunti si Jun Wu Xie sa mga sinasabi ng mga ito.

Kalahati sa mga lalaking tauhan noon ni Qu Ling Yue sa Heavenly CLoud Chambers ay namatay noong gabing iyon. Ang kalahati ay karumal-dumal ang sinapit at ang kalahati naman ay namatay noong hawakan nila si Qu Ling Yue. Sa tabi ng bawat bangkay ay mayroong jade stone na may nakaukit na "Xie".

Iyon ay nagsisilbing babala sa lahat.

Brutal ang pamamaraan ni Jun Wu Xie para ipabatid ang kaniyang gustong mangyari.

Tiyak na na si Qu Ling Yue ay magiging asawa ni Jun Xie!

Kapag mayroon pang kukwestiyon kay Jun Wu Xie, sasapitin din nila ang sinapit ng mga lalaking ito!

Agad na naglaho ang bulong-bulongan tungkol kay Qu Ling Yue sa Thousand Beast City. Mayroong mga nag-uusap pa rin tungkol doon ngunit hindi nangahas ang mga ito na pag-usapan iyon sa labas. Dahil sa takot na mayroong ibang makarinig at makaabot sa tenga ni Jun Wu Xie.

Si Fei Yan naman ay pinailaw ang mga red lanterns at nagsabit ng pulang tela sa buong Thousand Beast City bilang selebrasyon.

Masaya naman si Xiong Ba sa desisyon ni Jun Xie kaya naman nakipagtulungan siya kay Fei Yan. Kahit na hindi na tumulong ang ibang mga Clan Chief, pinakilos niya ang lahat ng nasa Fiery Blaze Clan upang tumulong sa paghahanda.

Saglit lang na lumipas ang tatlong araw. Simula sa gate ng Thousand Beast City puno na iyon ng pulang-pulang mga bulaklak.

Sampung milya ng mga bulaklak ang magarbong nakaayos para sa dadaanan ng ikakasal! Sinumang babaeng makakakita noon ay paniguradong maiinggit kay Qu Ling Yue!

 Hihilingin nilang sana ay sila na lang ang ikakasal!

Sa bukang-liwayway ng araw na iyon, nakasakay si "Jun Wu Xie" sa puting kabayo. Nasa likod nito ang grupo na kasama niyang sasalubong sa kaniyang papakasalan. Dahan-dahan silang nagmartsa sa Thousand Beast City habang nagsasaboy ng talulot ng mga bulaklak!

Si Xiong Ba naman ay maluha-luhang pinapanuod ang mga pangyayari. Alam niya kung bakit ginagawa ito ni Jun Wu Xie, ngunit hindi niya akalaing ganito ka-engrande ang gagawin ni Jun Wu Xie. Sa lahat ng naging Young Miss ng Thousand Beaast City, tanging si Qu Ling Yue lang ang nakaranas ng ganito kagarbong kasal.

Dahil sa nakakalat na mga bulaklak sa buong Thousand Beast City, kumalat ang bango noon. 

Isa iyong kasal na papangarapin ng lahat ng mga kababaihan!

Mas tumingkad pa ang kulay ng bulaklak na nasisinagan ng araw. Ang mga red lanternsay nakasabit sa daraanan. Kay ganda noong tignan, animo'y isang larawang iginuhit ng pintor. Habang-buhay na uukit sa puso ng mga kababaihan ang larawang iyon ng Thousand Beast City. Lihim na hihilingin sa kanilang puso na maranasan din nila ang ganoong klase ng kasalan!

avataravatar
Next chapter