1131 Pagkakaroon ng Asawa (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Paanong ang isang katulad niya ay may lakas ng loob na harapin si Jun Xie?

Nagkulong si Qu Ling Yue sa silid dahil ayaw niyang makiharap kahit kanino. Nandidiri siya sa kahit na sinong lalaking lumapit sa kaniya. Kahit na si Jun Xie ay nagpadala ng mga tao para kitain niya ang kaniyang sariling ama, ngunit hindi niya pa rin maatim iyon. Kusang nakakaramdam ng takot ang kaniyang kalooban.

Masasabing may takot na si Qu Ling Yue sa kahit na sinong lalaki. Iyon ay dahil sa kaniynag pinagdaanan.

Nagpatuloy magsalita si Jun Xie sa labas ng silid.

Tahimik lang na nakikinig si Jun Xie. Nakasubsob ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod---umiiyak.

"Babae ako."

Sa oras na iyon ay nagsabi ng katotohanan si Jun Xie na labis na ikinagulat ni Qu Ling Yue. Agad na napaangat ang kaniyang mukha. Gulat na gulat siya sa kaniyang narinig.

"Noong nasa Fire Country tayo noon, ako ang taong gumamot sa'yo. Iyon ang totoong ako. Ako si Jun Wu Xie."

[Paano nangyari 'to…]

[Paano nangyari 'to…]

Nanlamig ang buong katawan ni Qu Ling Yue. Ang inaakala niyang lalaki ay babae pala!

"Naparito ako para sabihin sa'yo na tatlong araw mula ngayon, magiging asawa na kita dito sa Thousand Beast CIty. Pero sumpa man, babae ako tulad mo. HIndi ako gagawa ng bagay na makakabastos sa'yo. Kaya naman, pagkalipas ng tatlong araw, magawa mo nang makalabas sa silid na ito."

Inilahad ni Jun Wu Xie ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao. Alam niyang magugulat si Qu Ling Yue kaya binigyan niya ito ng panahon at umalis na. Hindi na naghintay ng sagot galing dito.

Nang marinig ni Qu Ling Yue ang papalayong yabag ni Jun Wu Xie ay agad na umagos nanaman ang luha sa kaniyang mga mata.

Halo-halo ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Takot, sakit, gulat...Ang lahat ng ito ay naging dahilan para mas lalong mahirapan si Qu Ling Yue na huminga.

Pagkagaling ni Jun Wu Xie sa silid ni Qu Ling Yue, agad siyang nagtungo sa ikatlong palapag kung nasan sina Hua Yao.

Sa ikatlong palapag, hawak ni Qiao Chu si Hua Yao sa magkabilang balikat at hinahabol ang kaniyang hininga. Habang sina Fei Yan ay malapad na nakangiti kay Qiao Chu. Nang makita nila si Jun Wu Xie ay agad silang lumapit dito.

"Sabi ni Qiao Chu ay papakasalan mo daw si Qu Ling Yue? Totoo ba iyon? Gagawin mo talaga iyon?" Nakangiting saad ni Fei Yan. 

Sa grupo nilang iyon ay dalawa talaga ang babae. Una ay si Rong Ruo na nagbibihis lalaki at maraming puso ng kababaihan ang nabihag. At ang isa ay si Jun Wu Xie na magkakaroon ng asawang babae!

Parang dinurog ang puso ng mga lalaking nasa silid na iyon.

Saglit na tinapunan ng tingin ni Jun Wu Xie si Fei Yan pagkatapos ay tinignan sina Qiao Chu at Hua Yao. Sa kalmadong boses ay nagsalita ito: "Brother Hua."

"Hmmm?" Sagot ni Hua Yao at nag-angat ng tingin.

"Tatlong araw mula ngayon, papakasalan mo si Qu Ling Yue sa halip na ako." Kalmado pa rin ang boses ni Jun Wu Xie.

"..." Nanigas si Hua Yao sa kaniyang kinatatayuan.

Halos matumba naman si Qiao Chu sa narinig niyang iyon.

"Ano?! Gusto mong pakasalan ni Brother Hua si Qu Ling Yue!?!" Nanlalaki ang mga mata ni Qiao Chu sa sobrang gulat. Tama ba talaga ang kaniyang narinig? Bago siya umalis kanina, malinaw niyang narinig na papakasalan ni Jun Wu Xie si Qu Ling Yue!

avataravatar
Next chapter