357 Pagkadisipulo (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maagang-maaga pa kinabukasan nang magising si Jun Wu Xie. Muling naglaho nanaman si Jun Wu Yao nang siya ay lumabas. Lumitaw naman si Ye Sha sa kaniyang harapan."

"Miss."

Tumitig si Jun Wu Xie sa pamilyar at sa gayunding oras ay hindi pamilyar na mukha.

"Umalis si Master Wu Yao dahil ito ay may hinahanap. Wag po kayong mag-alala, mag-antay na lang po kayo dito." Saad ni Ye Sha.

Saglit na nag-isip si Jun Wu Xie bago niya mapagtanto kung ano ang hinahanap ni Jun Wu Yao.

Nabanggit nito kahapon na gagawa ito ng paraan para siya ay makumpletong muli. Ngunit ang hindi buong espiritu ay hindi madaling gumaling kaya naman ang hinahanap ngayon ni Jun Wu Yao ay isang bagay na makakatulong sa kaniya.

Para namang nilukob ng init ang puso ni Jun Wu Xie dahil doon kaya naman ay tumango na lang siya kay Ye Sha. Agad namang naglaho si Ye Sha sa kaniyang harapan.

Ang dating Ye Sha ay ganoon din ang ginawa. Lihim siyang binabantayan at pinoprotektahan.

Bumalik naman ang atensyon ni Jun Wu Xie sa kasalukuyan at nagpatuloy sa paglalakad. Kung hindi pa siya makakabalik sa Lin Palace may iba pa siyang planong naiisip.

Sa hardin, nakaupo sa upuang gawa sa bato si Yan Bu Gui at may hawak na wine jar. Inoobserbahan niya si Fei Yan at Rong Ruo na nagsasanay. Nasa kaniyang tabi si Hua Yao at Qiao Chu na nanghihina pa rin. Hindi pa gaanong nakakabawi ang mga katawan nito sa pinsalang natamo kaya naman hindi pa magawa ng dalawa na magsanay.

Ang dalawang nagsasanay ay maliksi ang katawan habang nakikipaglaban. Parang hangin ang mga galaw nito at halos hindi na makita.

Pinapanuod din ni Jun Wu Xie ang dalawa habang siya ay papalapit. Napagtanto niyang ang kakayahan ng dalawang ito ay hindi papantay sa kakayahan ni Hua Yao at Qiao Chu.

Sa murang edad ng mga ito ay may ganoon na silang kakayahan.

"Little Xie?" Napansin naman agad ni Qiao Chu ang kaniyang pagdating at lumapit ito sa kaniya.

"Tamang-tama lang ang iyong pagdating. Umiinit pa lang ang laban ni Fei Yan at Rong Ruo. Hindi mo makakaligtaan ang palabas." Hihilahin sana siya ni Qiao Chu ngunit umurong ang kamay nito.

Tumango na lang si Jun Wu Xie at sinundan si Qiao Chu sa hardi.

Nagtanguhan naman si Hua Yao at Jun Wu Xie sa isa't-isa bilang pagbati.

Sinusubukan ni Yan Bu Gui na obserbahan si Jun Wu Xie nang maramdaman niya ang malalamig na titig sa kaniya. Agad namang binawi ni Yan Bu Gui ang kaniyang tingin.

Humarap naman si Jun Wu Xie kay Qiao Chu na nasa kaniyang tabi at nagtanong: "Paano ako mag-eenroll sa Phoenix Academy?

Nasisiyahang nanunuod si Qiao Chu nang magulat siya sa tanong na iyon ni Jun Wu Xie. Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Jun Wu Xie.

"A...Anong sinabi mo?"

"Gusto kong magsanay dito." Binalewala ni Jun Wu Xie ang gulat na ekspresyon ni Qiao Chu.

"..." Gumalaw ang bibig ni Qiao Chu ngunit walang lumabas na salita doon.

Tama ba siya ng narinig?

Gustong manatili ni Jun Wu Xie dito sa Phoenix Academy?

Kahit si Hua Yao ay nagulat sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie.

"Sigurado ka ba?" Nakabawi na si Qiao Chu kung kaya't muli itong nagtanong.

Tumango naman si Jun Wu Xie.

Napangiti naman ng malapad si Qiao Chu!

"Mabuti kung ganoon! Magiging disipulo ka ng aming Master! Talagang magaling siya!"

Hindi maitago ni Qiao Chu ang kaniyang pagkasabik at inudyukan si Jun Wu Xie na tumayo sa harap ni Yan Bu Gui. Tumutungga si Yan Bu Gui sa kaniyang wine jar sa mga oras na iyon at halos mabilaukan siya dahil sa ginawang iyon ng kaniyang disipulo!

Kahit hindi niya alam ang relasyon ng kaniyang Panginoon sa batang ito, nakita niya kung paano ito protektahan ng kaniyang Panginoon. May espesyal na lugar ang batang ito sa puso ng kaniyang Panginoon.

Kung kaniyang tatanggapin ang batang nasa kaniyang harapan bilang disipulo...

Nanlamig ang kaniyang buong katawan sa isiping iyon.

Ngunit nakatayo na si Jun Wu Xie sa harap ni Yan Bu Gui at buo na ang kaniyang loob nang kaniyang masaksihan ang kakayahan ni Hua Yao at Qiao Chu. Para siya ay lalong lumakas, kailangan niyang samantalahin ang mga oportunidad.

Bago pa man makapagprotesta si Yan Bu Gui, nagsalita nang muli si Jun Wu Xie: "Ang inyong disipulo Jun Xie, ay binabati ang kaniyang Master."

avataravatar
Next chapter