627 Pagiging Malandi (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang itsura Jun Wu Yao ay may epekto rin kay Jun Wu Xie. Nagpunta sila siya sa Chan Lin para maghanap ng gasera para sa kanyang paggawa ng mga elixir. Hindi niya inakalang makahanap ng isa lang na sira'sira't gawa sa tanso. Habang ginagamit ang gasera, nakasandal si Jun Wu Yao sa pintuan at pinapanood siya.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" Dahan-dahang lumapit si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. Sa titig ni Jun Wu Xie, tinaas ni Jun Wu Yao ang kanyang kamay at may itim na usok na nabuo sa kanyang kamay. Kinain ng usok na ito ang maliit na gasera, at nagkaroon ng maliit na buhawi.

"..." Nanlamig ang mga mata ni Jun Wu Xie nang makitang nawala ang kanyang gasera.

Ngumiti si Jun Wu Yao: "Madudumihan lang ang mga kamay mo."

"May lamang mga elixir iyon." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Buong gabi niyang ginawa iyon at hindi pa umabot ang isang gawa. Ilalabas palang niya ang mga ito at naglaho na ang lahat ng ito dahil sa kanya!

Ang mga malamig na mga matang iyon ay hindi natutuwa, at tinitigan niya si Jun Wu Yao.

Wala mang halaga ang gasera, ang mga elixir na nilalaman noon ay may malaking halaga!

Nanigas ang ngiti ni Jun Wu Yao nang makita ang tingin ng babae sa harap niya. Ngumiti ulit siya bago hilain si Jun Wu Xie sa kanyang yakap.

Gayunpaman, mabilis na umatras si Jun Wu Xie, para lumayo sa kanya.

Ang panghuhusga sa kanyang mga mata'y mas lumala!

[Ibalik mo ang mga elixir ko!]

Nagbuntong-hininga si Jun Wu Yao at nagtangkang pasayahin si Jun Wu Xie: "Wag lang magalit, papalitan ko ang isa. Pwede ba iyon?"

Tinignan lang siya ng Jun Wu Xie, at tumango.

"Gagawan kita ng pinakamahusay, pwede bang humingi ng yakap bilang pasasalamat?" Inalok ni Jun Wu Yao.

Habang hinihintay na magpatihulog si Jun Wu Xie sa kanyang matamis na yakap…..

Hindi kumibo si Jun Wu Xie, at umiiling, na parang sinasabing "Ayaw ko!"

Mukhang sa mga panahong malayo sila sa isa't isa, hindi lang nagpakita si Jun Wu Xie ng paggaling sa kanyang mga spiritual powers, ngunit pati ang kanyang mga emosyon ay mas maayos na?

Nang mapagtantong hindi na niya mauuto si Jun Wu Xie gamit ang mga "regalo", bumigat ang loob ni Jun WU Yao.

[Anong hayop ang nagdulot ng pagbabago sa mga emosyon ng kanyang sinta?]

"Humihingi ka ng tawad, hindi ko kailangang magpasalamat sa'yo." Sinabo ni Jun Wu Xie.

"....." Hindi kumibo si Jun Wu Yao, at natawa nalang.

Ang kanyang sinta ay hindi pa alam ang mga balak niya sa kanyang mga "regalo" bilang pasasalamat, ngunit ang kanyang pagiisip lang ang kakaiba.

"Oo, oo… patawad." Sinabi ni Jun Wu Yao ng nakangiti, tinatago ang tuwa. Mahaba pa ang paglalakbay nila, at mayroon siyang walang katapusang yaman. Marami pa siyang pwedeng ibigay na "regalo" bilang pasasalamat.

Tumango lang si Jun Wu Xie.

Bagaman kapatid niya si Jun Wu Yao, ang katotohanang sinira niya ang kaisa-isang gaserang mayroon siya, kasama ang mga pinaghirapan niyang mga elixir, ay hindi mawawala. Kailangan niyang bumili ng bagong gasera dahil wala nang oras si Jun Wu Xie para bumalik sa Chan Lin para maghanap ng kapalit.

TInignan ni Jun Wu Yao ang matigas na ekspresyon ni Jun Wu Xie, at ang tuwang pinipigilan niya'y muntik nang sumabog.

Nanlalandi ba ang kanyang sinta?

"Maghintay ka lang, maghahanap ako ng ipampapalit." Lumabas si Jun Wu Yao ng may magaan na loob, dahil nakakita siya ng bagong reaksyon mula kay Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter