324 Paghila sa Lambat (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang iniisip ni Qiao Chu ay paano kung siya ay atakehin ng mga disipulo ng Cloud Treading Peak? Hindi siya maaaring gumanti! Dahil pinoprotektahan ni Mu Chen ang mga disipulo niya. Pag ginawa niya iyon, baka dumating dito si Mu Chen at hingin ang kaniyang ulo!

Naipwesto na ang lahat. Naghihintay na lang sila ng hudyat.

At dumating na nga ang oras na iyon. Pagkalipas ng dalawang araw, hindi na nakatiis ang mga Elder. Nagsama-sama ang mga ito para tumungo sa Blue Cord Peak para lumabas sa kawalang hustisyang ginawa sa kanilang mga disipulo.

Sila ay parang sinampal, kung patuloy nilang tatanggapin iyon at hindi kumilos, tuluyang mawawalan ng respeto sa kanila ang kanilang mga disipulo bilang Elder.

Ang mga Elder ay sabay sabay na kumilos maging ang hindi pa magaling na si Mu Chen ay nahila ng mga ito. Ang hindi lang kasama sa mga ito ay ang kanilang puntirya na si "Ke Cang Ju".

Nakaupo si Qin Yue sa main hall ng Blue Cloud Peak nang siya ay makaramdam ng matinding sakit ng ulo.

Mayroon siyang labing-isang Elder. Bukod kay Jiang Chen Qing at ang may sala na si Ke Cang Ju at pinag-ugatan ng gulo, lahat ng Elder ay naririto sa kaniyang harapan!

Ang siyam na Elder ay nakaupo sa magkabilang gilid ng hall. Madilim ang ekspresyon sa mga mukha nito.

Si Cai Zhuo, ang pinakamatanda sa lahat, ang siyang unang nagsalita.

"Sovereign, anong binabalak ni Ke Cang Ju? Ang sabi niya ay ginagawa niyang kumuha ng mga disipulo ayon sa iyong utos. Nag-atubili kaming pumayag dahil sa iyon daw ang iyong inutos. Ngunit anong ginawa niya pagkatapos non?! Ang mga disipulong kaniyang binalik ay patay na! At ang mga katawan ay basta ng inilagay na lang sa mga gate ng bawat pangkat!"

Marahas na nagpakawala si Cai Zhuo ng butong hininga at nagpatuloy: "Ang mga disipulong iyon ay inalagaan namin mismo! Ngunit para silang pinag-eksperimentuhan ni Ke Cang Ju! Ang mga katawang iyon ay katawan ng aming mahal na mga disipulo at basta na lang itinapon sa mga gate, wala ni isa ang buo ang katawan! Sila ay masusing pinili at tinanggap sa Qing Yun Clan! Paanong pinayagan niyong sapitin nila iyon sa kamay ng ating Elder mismo ng Qing Yun Clan! Hindi ba magiging dahilan iyon para kasuklaman kami ng aming mga inosenteng disipulo? Nagawa pang maglagay ng sulat ni Ke Cang Ju at sabihing, "maayos nang naisauli at babalik pa ito!" Sovereign! Paano mo pinayagan ang katampalasang iyon sa ating mga Cloudy Peak sa ilalim ng iyong pamumuno!?"

Napahawak si Qin Yue sa kaniyang ulo, parang pinupokpok ang kaniyang sintido. Hindi niya naisip na aabot sa ganito si Ke Cang Ju.

Hindi niya masisisi ang mga Elder kung bakit nagsama-sama ang mga ito. Ang mga ginawa ni Ke Cang Ju ay hindi na dapat palagpasin kahit sa isip ni Qin Yue.

Alam ni Qin Yue una pa lang na papatayin ni Ke Cang Ju ang mga disipulong iyon. Ngunit ang patayin ang mga ito at itapon sa mga Elder ay isang malaking sampal para sa mga ito!

Nang sapilitang kinuha ni Ke Cang Ju ang mga disipulong iyon, nagawa niyang papaniwalain ang mga Elder na dadalhin niya ang mga disipulong iyon para tumulong sa Hidden Cloud Peak. Kahit na sa huli ay mamamatay ang mga ito, hanggat hindi nakikita ang mga katawan nito, wala silang pruweba ng pagkamatay.

Ngunit ginawa iyon ni Ke Cang Ju!

Napansin niya sigurong masyadong payapa sa Qing Yun Clan!

Nangahas itong isa-isahing puntahan ang bawat Elder at sampalin ang mga iyon!

Hindi niya na alam paano pagtakpan si Ke Cang Ju. Nawawala na siya ng kontrol sa sitwasyon at nagliliyab na sa galit ang mga Elder. Ang kanilang mga ego ay nasusubukan at hindi na ito basta-bastang aatras!

"Patungkol dito, sisiguraduhin kong makakakuha kayo ng sagot. Sige! Sunduin niyo si Elder Ke!" Napagtanto ni Qin Yue na kapag pinagpatuloy niya pang pagtakpan si Ke Cang Ju, magrerebelde ang mga Elder. Papapuntahin niya na lang si Ke Cang Ju dito at hayaan itong sumagot sa sarili nitong kagagawan!

Pagkatapos ng ilang sandali dala na ng mga disipulo si Ke Cang Ju.

Sa likuran nito ay may dalawang disipulong na kasunod dito. Nakatayo lang ang tatlo sa labas ng Qing Yun Clan main hall!

avataravatar
Next chapter