323 Paghila sa Lambat (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Cloud Peak, komportable ng nakaupo si Qiao Chu sa upuan habang nakapatong ang mga paa nito sa mesang nasa kaniyang harap. Tumingin siya kay Jun Xie na sinusuklay ang balahibo ng itim na pusa. "Little Xie, napakasama non. Ibabalik mo ang mga katawan iyon sa bawat pangkat na kanilang kinabibilangan at kapag nakita ng kanilang Elder iyon, sigurado ay magiging sukdulan ang kanilang galit."

Ang mga disipulo nila ay sapilitang kinuha sa kanila at makalipas lang ang ilang araw, ibabalik sa kanila ang mga iyon na patay na. Ang malala pa ay ang bawat katawan ay may dalang sulat galing kay "Ke Cang Ju."

Maikli lang ang laman ng sulat na iyon at iyon ay, "Maayos nang naisauli ang iyong mga disipulo, babalik ako para kumuha pa!"

Hindi nila maatim ang mga salitang iyon. Hindi na magawa ng kumalma ng mga Elder pagkatapos non kahit na si Qiao Chu ay gustong sawayin si Jun Xie nang kaniyang mabasa ang nila laman ng sulat!

Sobrang brutal na niyon para matiis ng isang tao! Ang mga katawan ng mga disipulo ay kaawa-awa ang sinapit. Pagkatapos ay nakuhang sabihin ni Jun Xie na "maayos nang naisauli," at siya ay babalik pa ulit?!!!Baka ikamatay na lang iyon bigla ng mga Elder na makakapasa non!

"Nararapat lang sa kanila ang ating mga ginagawa." Mahinahong saad ni Jun Wu Xie. Bukod sa Cloud Treading Peak at Inner House of Qing Yun Clan disciple, ang lahat ng mga disipulong iyon ay kasali sa kalupitang ginawa ng buong Qing Yun Clan. Ang mga na walang village at mga villager ay dahil sa kagagawan ng mga disipulong iyon. Hindi niya lubos maisip ayon sa kwento ng mga disipulo ng Hidden Cloud Peak ang karumal-dumal na sinapit ng mga babae sa village na iyon. Lahat ng iyon ay dahil sa mga disipulo ng Qing Yun Clan.

Wala gaanong makakapagdulot ng tuwa o galit kay Jun Wu Xie sa kaniyang nakaraan. Ngunit isang bagay ang hinding-hindi niya mapapalagpas, yun ay ang pang-aapi at pamamahiya sa mga kababaihan.

Kahit na noong siya ay kanilang pa sa isang organisasyon, kahit sinong miyembro ang nakagawa ng ganoong kalapastanganan, tumatanggi siyang gamutin ito kahit na ang utos ay galing sa taas. Papanoorin niya lang itong magdusa at mamatay.

Kung hindi magagawa ng Kalangitan ang parusa, siya mismo ang gagawa noon!

"Heh heh, Nahuhulaan kong malapit nang sumugod ang mga Elder na iyon sa Sovereign. Kapag nangyari iyon, oras na para hilahin ang ating mga lambat." Saad ni Qiao Chu habang pinagkikiskisan ang magkabilang palad. Nakakatakot na nakakasabik ang isagawa ang plano ni Jun Wu Xie. Hindi nila akalain na ang tahimik na batang lalake sa kanilang harapan ay may kakayahang magagawa ng ganitong pangyayari.

Parang gusto niyang buksan ang ulo ni Jun Wu Xie at tignan ang laman noon.

"Naipwesto na ba ang mga gamit?" Tanong ni Hua Yao. Hindi siya kasing walang pakialam katulad ni Qiao Chu. Alam niya kung gaano kalala ang sitwasyon kanilang papasukin. Kung mabibigo silang matalo ang kalaban, sila ang mamamatay.

"Kanina ko pa naipwesto. Anumang ipagawa saakin ni Little Xie ay mailalagay sa sulat." Sagot ni Qiao Chu.

"Tatlong araw mula ngayon, magsisimula nang kumilos ang mga Elder. I handa niyo si Mu Chen. Ayokong may mangyari ng hindi inaasahan." Utos ni Jun Wu Xie nang mag-angat siya ng tingin. Pagkatapos ng halos isang buwan ng preparasyon, oras na para hilahin ang lambat.

Pagbabayarin niya ang Qing Yun Clan sa lahat ng kanilang kasalanan.

Naalala niya ang kaniyang pamilyang iniwan sa Lin Palace at ikinalungkot niya iyon.

Lolo, Uncle...Jun Wu Yao...

Oras na para umuwi.

Kapag maayos na ang lahat, uuwi na siya sa Lin Palace bago siya muling umalis para i-cultivate ang elixir na gusto ni Qiao Chu at Hua Yao.

"Sige. Pupunta ako sa Cloud Treading Peak mama yang gabi. Hindi ako mangangahas na magtungo doon ng umaga dahil mainit ang mga disipulo ng Hidden Cloud Peak sa disipulo ng Cloud Treading Peak." Paliwanag ni Qiao Chu habang nagkakamot ng ulo. Ang usapan nina Jun Xie at Mu Chen ay tanging silang apat lang ang nakakaalam. Ang mga disipulo ng Cloud Treading Peak ay iniisip pa rin na naghihirap ang kanilang Elder ngayon dahil sa sinapit nito sa Hidden Cloud Peak. Kapag makakita sila ng disipulo ng Hidden Cloud Peak, hindi sila magdadalawang isip na sugpuin ito!

avataravatar
Next chapter