581 Paghahanda sa Sampal (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi mapakali ang maliit na itim na pusa at walang tigil ang pagrereklamo nito.

Hinaplos ni Jun Wu Xie ang likod nito bago tumingin kay Ning Xin, na mukhang nag-aalala.

"Ang katotohanan at kasinungalingan, malalaman natin bukas. Hindi mo na kailangan pang isipin ito." Matapos sabihin ang mga iyon, agad na umalis si Jun Wu Xie.

Tulad ng sinabi ng itim na pusa, panlalait lang sa katalinuhan ni Jun Wu Xie ang pagpapatuloy sa pagkausap kay Ning Xin!

Napatitig nalang ng gulat si Ning Xin sa paalis na Jun Xie. Hindi niya inakalang magiging malamig at walang malasakit parin si Jun Wu Xie sa kalagitnaan ng mga nangyayari! Biglaan siyang iniwan na napahiya at hindi pinansin!

"Jun Xie! May lakas ka ng loob na balewalain ako?! Maghintay ka! Balang araw, pagagapangin kita, magmamakaawa kang iligtas kita!" Nagngalat ang kanyang mga ngipin habang nakatitig sa likod ni Jun Wu Xie, nais na wasakin ang likod na iyon.

"Yin Yan!" Sumigaw si Ning Xin.

Si Yin Yan na nakatago sa mga anino ay agad na lumitaw.

"Senyor Ning."

"Ipadala mo ang mga utos ko sa kanilang lahat! Gusto kong sumabog ang balita ng pagpatay ni Jun Xie kay Li Zi Mu! Sa loob ng tatlong araw, gusto kong marinig mula kay Fan Qi ang pagpapaalis kay Jun Xie!"

Nanginig si Yin Yan, at nagaatubiling nagtanong: "Senyor Ning, hindi ba'y sobra iyon… Ang bihasang mga kulay-lilang mga spirit na iyon…" 

Sumagot si Ning Xin ng may malamig na tawa: "Ano ang kinatatakutan mo? Hindi ako responsable sa lahat ng ito. Hindi ko ba sinabi kanina? Nangyari lahat ng ito dahil inutos ni Gu Li Sheng ang pagsisiyasat patungkol dito. Hindi ako naniniwalang may lalaban kay Gu Li Sheng, ang nagsimula sa Spirit Healing, para ipagtanggol ang bata."

Napalunok si Yin Yan. Nagulat siya sa pagsabi ni Ning Xin sa pangalan ni Gu Li Sheng sa kanyang mga plano.

Sobra na ata ito para sa kanya.

…..

Nang makabalik si Jun Wu Xie sa aserang kawayan, tila may mainit na uling si Fan Jin sa kanyang pantalon. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan at paikot-ikot sa loob ng bakuran.

Nang nakita niya si Jun Wu Xie, para siyang palasong dumeretso sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. At matapos lang masiguradong hindi siya nasaktan ay nakahinga siya ng maluwag.

"Saan ka nagpunta?" Tinanong ni Fan Jin ng nag-aalala.

"Nakipagkita kay Gu Li Sheng." Sinulyapan ni Jun Wu Xie si Fan Jin at nakita kung paano siya nababalisa, alam na nag-aalala ito sa kanyang kalagayan.

Hindi masama ang pagkatao ni Fan Jin, masyado lang siyang… halata.

Kung mayroon lang siyang kahit kalahati ng katalinuhan ni Fan Zhuo, hindi mabigat ang pakikiusap ni Jun Xie sa kanya.

Huwag pagsasamahin ang isang taong hirap sa lipunan at ang isang walang ibang iniisip para mag-isip ng mga plano. Bibigay silang dalawa sa hirap bago pa sila makapag-isip ng kahit ano.

"Tito Gu?" Tama nga, hindi pa nakakahabol si Fan Jin sa iniisip ni Jun Wu Xie at naguguluhan parin.

Nakatayo sa harap ng mga kawayan, nakatingin si Fan Zhuo sa kapatid niyang, hindi masyadong matalino, at walang nagawa kundi alugin ang kanyang ulo.

"Kailan ka kikilos?" Tinanong ni Fan Zhuo nang hindi na kailangang pagpaliwanagin si Jun Xie, alam ang layunin niya sa pagbisita kay Gu Li Sheng.

"Bukas." Tulad ng kanyang inisip, mas madaling kausapin ang mga may alam.

"Agad?" Tinanong ni Fan Zhuo, nakataas ang mga kilay.

"Darating ang hukbo ng Rui Lin kamakalawa." Sa pagsabi sa pangalan ng hukbo, nanlambot ang malalamig na mata ni Jun Xie, at napababa ang tingin. Mas bumigat ang hanging nakapalibot sa kanya.

"Hukbo ng Rui Lin? Anong nangyayari? Narinig kong pinaguusapan niyo sila dati ng kapatid ko, ngunit ano ang gagawin mo na may kinalaman sa hukbo ng Rui Lin?" Nang mapansin ang halatang pagbabago kay Jun Wu Xie, na-intriga si Fan Zhuo.

Ano ba ang kapangyarihan ng hukbo ng Rui Lin, na ang pagsabi lang sa kanila ay nag-iba sa ereng nakapalibot kay Jun Xie?

Nang marinig ang pangalan ng hukbo, nanigas si Fan Jin.

Noong panahon ng Spirit Hunt, nanatili si Fan Zhuo sa loob ng aserang kawayan at walang alam tungkol sa mga pangyayari sa loob ng Battle Spirits Forest.

avataravatar
Next chapter