580 Paghahanda sa Sampal (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malamig ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie sa ilalim ng mga masasamang titig sa kaniya. Hindi niya inaasahang makakabunggo niya ang isang "pamilyar na mukha", pagkalabas mismo ng Spirit Healer faculty.

"Little Xie! Hindi ko inaasahang makikita kita dito." Sinadya itong hantayin ni Ning Xie sa labas ng Spirit Healer Faculty. Nang kaniyang makita si Jun Xie, hinanda niya ang kaniyang matamis na ngiti. Napakatamis ng ngiti nito na hindi magagawang tanggihan ng kahit na sino. Kumpara sa malamig na titig na ibinibigay ni Jun Wu Xie.

Tumigil sa paglalakad si Jun Wu Xie at tumingin sa nakangiting si Ning Xin.

Maaaring nakangiti si Ning Xin ngunit ang puso niyo ay puno ng panghahamak.

Nang tumapak si Jun Xie sa Spirit Healer faculty, agad na ibinalita iyon ni Yin Yan kay Ning Xin. Pagkatapos ay nagmadali si Ning Xin at hinantay si Jun Xie sa labas.

Pagkalipas ng matagal ding panahon na nasa Zephyr Academy, hindi na kailanman nagpakita si Jun Xie sa Spirit Healer faculty. Nang kaniyang malamang nagtungo si Jun Xie sa Spirit Healer faculty ngayon, lihim na natuwa si Ning Xin.

[Ang krimeng pagpatay sa kapwa disipulo ay naging dahilan para maipit ang Headmaster kung patatalsikin ba nito si Jun Xie sa Zephyr Academu. Ang lalaking ito na nagkukunwaring kalmado ay lihim na ring nasisindak.]

Dahil sa masyado iyong malaking bagay, maging ang magkapatid na Fan ay hindi tuluyang maprotektahan si Jun Xie.

Nang kaniyang malamang nagtungo si Jun Xie sa Spirit Healer faculty, Ikinatuwa iyon ni Ning Xin.

Nagpakita si Ning Xin na hindi ito apektado sa malamig na titig ni Jun Xie, nakangiti pa rin ito bago nagsalita: "Little Xie, narinig ko ang balitang kumakalat sa academy...masyadong lumalaki ang isyung iyon. Nakita ko si Kuya Fan Jin na tumungo sa opisina ng Headmaster para palagpasin ka, pero..."

Nagpakita ng itsurang animo'y apektado si Ning Xin sa pangyayari.

"Tingin ko, hindi makakatulong si Uncle Gu. Hindi pinaglalaanan ni Uncle Gu ang mga ganitong bagay. Ang malala pa ay paborito si Li Zi Mu ni Uncle Gu kaya naman labis niyang ikinagalit ang pagkamatay ni Li Zi Mu. Pinaimbestigahan ni Uncle Gu ang pangyayaring iyon kaya kumalat itong balita. Tingin ko ay galit na galit pa rin si Uncle Gu."

Kahit na alam ni Ning Xin na kakagaling lang ni Jun Xie sa opisina ni Gu Li Sheng, tingin niya ay dapat itong malaman ni Jun Xie.

Alam niyang mahinahon si Gu Li Sheng pero protektado nito ang mga disipulo ng Spirit Healer Academy. Sinabi sa kaniya ni Yin Yan kung paano protektahan ni Gu Li Sheng si Li Zi Mu. Ngayong patay na si Li Zi Mu, at kaugnay doon si Jun Xie, hindi malabong mag-iba din ang pakikitungo ni Gu Li Sheng kay Jun Xie.

Kampante itong hindi naging maganda ang pag-uusap ni Jun Xie at Gu Li Sheng kanina. Kaya naman lihim na nagdiwang ang puso ni Ning XIn.

Ngunit ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie ay nanatiling matigas at malamig. Walang ekspresyon mababasa sa mga mata nito habang nakatingin kay Ning Xin.

Tahimik namang nakaupo sa balikat ni Jun Wu Xie ang maliit na itim na pusa.

[Tanga ba ang Ning Xin na ito? Masyado siyang desperada at hindi niya nakikita ang sasapitin nito.]

[Nagbabanggit pa ito ng tungkol sa pagkapaborito ni Gu Li Sheng kay Li Zi Mu. Gumawa-gawa pa ito ng kwentong nagkaroon kuno ng imbestigasyon.]

[Kalokohan!]

[Nakaharap mo na siya, Mistress. At alam mo ang sagot doon]

[Hindi man lang nagpakita ng pagluluksa si Gu Li Sheng. Mula umpisa hanggang dulo, hindi man lang nabanggit si Gu Li Sheng ng tungkol kay Li Zi Mu!]

[Ang mga kalokohang ito ay paniguradong gawa-gawa lang ng tangang ito!]

[Kinukulang ng pag-iisip. At ngayon pinagsisiksikan niya ang sarili sa'yo}

[Isang napakalaking kalokohan!]

"Meow~"

[Mistress, 'wag na tayong mag-aksaya ng laway sa tangang iyan. Baka nakakahawa pa ang kabobohan niya.]

avataravatar
Next chapter